EPILOGO

1.7K 81 26
                                    

Sa napipintong paglalakbay ni camille at remus ay masusi nilang pinagisipan kung ano ang mahahalagang bagay na kanilang dadalhin para makatulong sa mga taong kanilang daratnan doon.

Nagpaalam siya sa kanyang papa sa misyong gagawin nila ng asawa at agad nitong naintindihan.

"Ihalik mo ako sa aking apo doon camille."

" Papa hindi pa po ako buntis."

" Darating iyan, kaya nga di ba may bagong manlalakbay na ng panahon sa panahong inyong pupuntahan. Ihalik mo ako sa kanya dahil apo ko din yun."

" Sige po papa, pero hindi ko pa po alam kung bata pa siya o malaki na."

" Nararamdaman ko anak, na bata pa siya. Pag nandoon ka na, alam ko na mararamdaman mo agad iyon dahil sa lukso ng dugo."

" Salamat po papa."

Sumapit ang paglalakbay ng dalawa at lahat ng naisip nilang dalhin ay inipon ni remus at inilagay sa mga malalaking bag.

Hinawakan ni camille sa kamay si remus kasama ang mga dadalhin ay agad na naglaho ang dalawa.

------------------------------------------------------

Natapos na po ang book 2 ng The Glasshour. Sana po ay nag enjoy kayo. Maraming salamat po sa mga sumuporta at sa mga vote.

At bilang patikim muna.....

" anak nandiyan ka na naman, hindi ka ba nagsasawa sa pagtanaw sa kalawakan?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" anak nandiyan ka na naman, hindi ka ba nagsasawa sa pagtanaw sa kalawakan?"

" Papa ano na kaya ang nagyari sa mga taong pumunta sa ibang planeta, nabuhay kaya sila doon?"

" Hindi ko alam anak, apatnapung taon na ang nakakaraan. Wala na kaming naging balita mula noon. Nasira na ang mundo at sa ngayon ay hindi pa natin alam kung kelan muling manunumbalik ang sigla nito."

" Ang ganda siguro talaga noon ng mundo papa ano?"

" Zyron anak, marahil ay oo, di ba nakikita mo naman sa mga librong naitago ng lolo mo at mga kuwento niya."

" Opo, nakakalungkot lang po kasi tao din pala ang sumira sa ating mundo. Kaya heto sa kuweba tayo nakatira."

" Malungkot talaga anak kasi parang bumalik tayong muli sa uri ng pamumuhay ng mga tao noong unang panahon."

" Pero huwag kayong mag alala papa, nararamdaman ko muling magkakaroon ng buhay ang mundo. Nakikita mo yang mga bundok at kapatagan na iyan? Lalago ulit ang mga punot halaman diyan. Magkakaroon ulit ng ibat ibang klase ng mga hayop na gagala sa makakapal na kagubatan. Muling magpapaligsahan sa paglipad ang ibat-ibang klase ng ibon sa himpapawid. At higit sa lahat muling dadami ang puwede nating makakain."

Napapangiting ginulo ang buhok ni Zyron ng kanyang ama.

" Halika na, hinihintay na tayo ng mama at mga kapatid mo. Inihahanda na niya ang mapagsasaluhan nating hapunan."

------------------------------------------------------

ABANGAN!!!!!

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon