Labis na lungkot ang naramdaman ng asawa ko ng malaman niyang namatay ang isa naming anak. Pati pamilya ko at mga kaibigan ay nalungkot din sa pangyayari.
Dalawang araw nanatili sa hospital si Ella na agad tumuloy sa aming tahanan kung saan doon nakaburol ang anak namin. Sa burol ay pinabinyagan pa rin namin siya bilang isang kristiyano at binigyan namin ng pangalan Mira Jane Burce.
Sa burol ay labis ang pagtataka ng mga tao kung bakit may mga hindi kilalang tao ang dumadalaw na sa palagay nila.ay hindi sa aming lugar nakatira. Lahat sila ay may inuusal na dasal na tila kakaiba at hindi maintindihan ng mga nakakarinig.
Nagulat na lang ang lahat ng makarinig sila ng kakaiba at nakakakilabot na halakhak ng isang babae sa pangalawang palapag ng bahay kasunod ng isang malakas na kulog at kidlat na nagliwanag maging sa loob ng bahay ay makikita. Habang nasa baba ang misis ko na karga ang panganay namin na tila natutuwa sa pagtingin sa kanya ng mga tao. Agad akong umakyat sa taas para tignan ang bunso namin. Ngunit pagtingin ko sa kanya sa silid nilang magkapatid nagulat akong nakatayo na nakalutang sa crib, nakadipa ang mga kamay at nakaharap sa bukas na mga bintana. Isang pagkurap ng mata ko ay nag ibang bigla ang nakita ko. Nakahiga na ito sa crib na tila hindi dalawang araw ang edad dahil nakadilat ang mata niyang maliliit na nakatingin sa akin.
Dali dali kong kinarga ang anak ko at isinara ang bintana. Hinayaan ko na lang ang yaya niya na matulog at bumaba kami.
Nang bumaba kami ay tila nag iba ang behavior ng anak ko na bunso. Nagiiyak na ito at tila alumpihit. Samantalang tahimik lang ang isa. Ipinagkibit ko balikat ko na lang ang lahat sa dahilang baka namalikmata lang ako sa nakita ko kanina.
Nagpasya na lang ang asawa ko na umakyat na kami para magpahinga.
Kinabukasan ay inilibing na ang aking anak kasama nina lolo roman at lola magda sa isang musoleo. Walang tigil ang ulan ng inilibing ang anak kong si Mira. Ngunit nang matapos ang libing ay agad nang lumiwanag ang kalangitan na wala na ang bakas na uulan.
Nag uwian na ang lahat na mga nakilibing at naiwan na lang ako. Pinauna ko na ang asawa ko sa dahilang baka mabinat dahil kapapanganak lang nito. Habang nakaharap sa maliit niyang nitso sa may baba ng altar. Ay napatingin ako sa kaliwa ko na ang nitso ni lolo oman. Napaisip ako. Kumusta na kaya siya, saan kaya ang mundo nilang manlalakbay na hindi pa nakakarating sa Hora hanggat hindi pa tapos ang misyon. Napangiti ako sa alaalang sampung taon na ang nakakalipas ang huling panahong nakakita ako ng mga manlalakbay ng panahon.
Naalala kong bigla ang sinabi ni Geor at Gera na isa sa magiging anak ko ang susunod na itinakdang ika isandaang manlalakbay ng panahon. Ngunit sino? Wala na ang isa, at dalawa na lang sila. Magkakaanak pa kaya kami ng asawa ko o isa sa dalawa ang itinakda.
Ngunit sino sa kanila? Ang gulo, ganito pala ka kumplikado ang maging isa sa angkan ng mga manlalakbay ng panahon.
Muli akong nagusal ng dasal para sa tatlong mahal ko sa buhay na nasa musoleong iyon at nagpasyang umuwi na.
Habang naglalakad ako pauwi ay may nakasalubong akong matandang babae na tila kakaiba ang pananamit. Mahaba ito pati na rin ang kanyang kulay puting buhok. Nagsalita ito sa gilid ko ng lalagpasan ko na sana na ikinahinto ko.
" Nandito na siya at nakapasok na sa pamilya mo. Ingatan mo ang pamilya mo, dahil isa na ang nawala. Magingat ka sa bawat desisyon at gagawin mo. Hindi makakabuti sa nakatakda ang pagkakamaling maari mong magawa sa mga darating na panahon.
Nabigla ako sa narinig at agad kong hinarap ang matanda at hinawakan ito sa balikat.
" Sino ka, isa ka ring bang manlalakbay ng panahon?!"
" Galing sila sa lahi ko pero higit silang pinagpala sa lahat na nilalang sa mundo ng pantasya. Tandaan mo minsan ay mapanlinlang ang nakikita ng mga mata. May mga nakaraan ang muling magbabalik para sa hinaharap. Kaya magingat ka."
" Kung ganun sino ka?!"
" Isa akong babaylan..."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.