Kabanata Tatlumput Isa

1.2K 52 0
                                    

Good day readers, thank you sa patuloy pa ring pagsubaybay sa The Glasshour Bk 2. Labis po akong natutuwa dahil umabot na po ito ng 1.5+ reads. Kayo po ang nagsisilbing inspirasyon ko para ipagpatuloy ang pagsusulat sa kabila ng nagiging busy po ako sa mga nakaraang mga araw. Hindi ko po kayo kinakalimutan gusto kong matapos ito para sa inyo. Sana po vote naman kayo kung sa inyong palagay ay karapat dapat. :)

Sana po ay mabasa nyo din ang iba ko pang kuwento na kapupulutan nyo ng aral. Maraming salamat po.
------------------------------------------------------

Nag aagaw na ang liwanag at dilim ng makarating ng bahay ng mga De dios sina camille. Agad bumaba ng sasakyan si remus ng maiparada ito para alalayan ang dalaga sa pagbaba dahil sa sugat nito sa braso.

" Apo huwag OA! Hindi siya imbalido. Kaya na niya iyan, huwag mong gawing mahina. Baka pag lubusang naging manlalakbay ng panahon siya ikaw ang manghina. Manghina ang puso mo sa lungkot pag hindi mo siya makikita sa tabi mo hahaha!"

" Bakit naman diko makikita siya?"

" Natural kaya niyang maglakbay sa ibat ibang panahon kapag bad trip siya sayo hahaha!"

" Grabe naman pag ganun lola, wala pala akong laban dito."

Kiming ngiti lang ang itinugon ni camille kay remus at naglakad na sila papasok ng bahay.

" Iha, magpahinga ka na muna. Mamaya ipapagising na lang kita. Kailangan natin magusap agad sa bagay na sa palagay ko ay maaring gawin habang nasa ganung kalagayan ang kapatid mo. Hindi ko man gusto ang ganung kalagayan niya pero maaring isa itong paraan para hindi lubusang makapaminsala si dawak sa pamilya mo."

" Sige po lola."

Agad na umakyat sa kanyang silid si camille na inihatid pa ni remus.

" Pahinga ka na, mamaya na lang ulit. Kung may problema sigaw ka lang andyan na ako."

" Salamat rem...ok lang ako, pahinga ka na rin. Pero gusto ko sana mamayang tanghali o hapon balik tayo ng hospital."

" Sige, sasabihin ko kay lola."

Nang maisara ng dalaga ang pinto ng kuwarto ay bumaba ng muli si remus. Sa kanyang silid ay naghubad ng kasuotan agad ang dalaga at nagbabad sa bathtub na nakaangat ang isang brasong may sugat para hindi mabasa. Isinandal niya ang ulo sa patungan sa bathtub at pumikit na dinama ang ginhawang dulot ng tubig sa katawan.

Nang dumilat siya nakita niya si nera na tila nakamasid lang sa kanyang mga ginagawa.

" Nera isa pa rin ba itong pagsubok na sinasabi ninyo sa akin?"

" Sa iyong palagay,  pagsubok ba ito o sadyang kagagawan ni dawak?"

" Hindi ko maintindihan  naguguluhan talaga ako."

" Gusto kong maunawaan mo mismo ang nangyayaring ito sayo. Dahil ang mga nangyayaring ito ay karugtong lang ng nakaraan."

" Nera, gusto ko sanang makausap ang manlalakbay ng panahon."

" Alam niya ang bagay na iyan, at darating siya sa oras na nakatakda."

" Salamat nera. Si lola rosario at rem nangangamba ako baka madamay sila sa nangyayaring ito."

" Hindi camille, dahil sila mismo ay  makakatulong sayo katulad ng nagawa ko noon kay ma-aram. Gusto kong magpahinga ka na muna dahil kakailanganin mo ng lakas ang mga maaring mangyari sayo."

Pansamantalang naglaho si nera para mapag isa si camille. Hanggang hindi niya namamalayan na nakatulog na siya habang nakababad ang katawan sa maligamgam na tubig sa bathtub.

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon