Sumapit ang pagtatapos ni camille ng highschool at siya ang valedictorian ng kanilang class.
Labis labis ang saya na kanyang nararamdaman maging ang kanyang pamilya na higit sa lahat ay ang kanyang papa. Na buong pagmamalaking nagsabit ng kanyang medalya.Sa kanyang pagtatapos ay hindi nawala sa kanyang tabi si remus na hanggang sa pagenrol sa kilalang Unibersidad sa siyudad ay kasama niya ito. Sabay silang nagenrol. BSED ang kinuha kurso ni camille in Elementary Education major in History. Si remus naman ay Nursing ang kinuha.
Lumipas ang dalawang taon ay muling nagmahal si Rowen sa katauhan ni Carla na isang guro na nakilala ni Rowen sa isang okasyon. Niligawan niya ito ng halos isang taon hanggang sa sinagot siya nito. Matalino at mabait na babae si Carla na galing sa isang pamilya ng mga pulitiko na kilala sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan.
Sa pangalawang taon ni camille sa kolehiyo ay nagpasya ang kanyang ama na muling magpapakasal. Kinausap si camille ng kanyang ama ng sarilinan at naiyak siya.
" Kahit kailan papa ay wala po akong hinangad kundi ang kaligayahan ninyo. Hindi po ako tumututol sa anumang gusto ninyo. Kilala ko na po si Tita Carla at alam ko po na mahal niya kayo."
" Salamat anak, salamat."
Ipinaalam ng dalawa ang kanilang balak na pagpapakasal sa kani kanilang pamilya. Kaya labis ang tuwa ng lahat sa balita. Itinakda ang kanilang kasal at talaga namang engrandeng kasalan ang naganap. Si Camille ang Maid of Honor, si Remus ang Bestman. Abay din si ram at vera pati ang ilang mga kaibigan ni carla. Ginawa naman nilang ninang at ninong si renan at panyang na ikinainis ng babae dahil gusto niya ay bridesmaid. Si lola rosario naman at anak nitong doktor ay mga ninong at ninang.
Lumipas ang ilang buwan ay nagdalang tao si carla. Kaya bago makapagtapos ng kolehiyo si camille ay may kapatid na siyang batang lalaki na pinangalanang Yohan Jan Burce. Labis ang tuwa ni owen at karla maging si camille na talagang ate kung makabantay sa kapatid.
Si remus naman ay patuloy na nanliligaw kay camille at talagang hindi nito ni minsan binigyan ng ikakasama ng loob ng dalaga. Ikinatutuwa iyon ng kanyang amang si rowen. Ang tanging sagot lang nito sa ama ay ...
" Takot lang niyang iwanan ko sya kapag naglakbay ako at di ako magpakita sa kanya papa hahaha."
" Umayos ka anak baka mapagod yan sa kahihintay sayo at maghanap ng iba."
" Wala na siyang mahahanap na isang katulad ko sa mundo papa."
Nginitian ni camille ang ama at sabay na nagkatawanan.
Lumipas ang buwan at nakatapos na rin si Camille at remus na parehong cum laude sa mga kursong pinagaralan.
Kaya isang gabi ay kinausap ni camille ng masinsinan si remus.
" Rem, masaya ka ba at nakatapos na tayo?"
" Umm, oo kasi sa wakas ay natapos na pagsusunog natin ng kilay. Magbo board exam na lang tayo para matawag tayong nurse at teacher."
" Gusto mo bang makapasa sa board exam?"
" Syempre naman noh! Para naman makapagtrabaho ako sa hospital namin at makatulong na sa family business namin."
" Ako din, gusto ko nang makapagturo sa mga bata."
" Ako gusto ko sa childrens ward ng hospital namin magwork. Masaya kasi pag may mga bata."
" Nakakainspire kaya magtrabaho kapag may bata."
" Oo naman masaya kasi silang tignan kapag nagkakagulo hehehe."
" Gusto mo bang bigyan kita ng inspirasyon para makapasa ka sa board exam?"
" Whattt!? Bibigyan mo ako ng bata, magaasawa na tayo at magaanak! Yessssss! Salamat po lord magaasawa na kami ng love ko."
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.