Kabanata Apatnapu

1K 42 0
                                    

Hi po sa lahat ng readers lalo na po sa mga silent readers na patuloy lang na sumusuporta sa The Glasshour Bk 2. Masaya po ako na tulad ng bk 1 ay patuloy nyo itong sinusubaybayan. Umabot na po 2k + reads ang bk 2 kaya patuloy po akong inspirado sa pagbibigay sa inyo ng isang kuwento.

Sa mga kaibigan ko dito sa watty PrettyBrokenEyes, jessaya_chan91,Lord_Iris,GeoMarLou,Adamant,_lady_lyn_
Magandang buhay sainyo. Mga readers may mga story din po sila sana ay mabasa nyo din.

Sa mga bagong nagfollow sakin maraming salamat :)
------------------------------------------------------

Nabitawan ni dawak ang hawak na itak at binunot ang tumama na bala ng pana sa kamay nito. Duguan na ito at parang wala lang iniindang sakit sa pagkakasugat. Nilingon nito ang kung sino ang may gawa at binigyan niya ng nakakauyam na ngiti.

" SA PALAGAY MO MA-ARAM MATATAKOT MO AKO?! HAHAHAHA! MATAKOT KA SA GAGAWIN KO SA MAHAL MO!"

Agad nitong sinunggaban si ma-dunong na nakadapa sa damuhan para saksakin sa leeg ng punyal na hawak niya ngunit tinamaan siya ng tungkod ni camille na hindi nya maunawaan kung saan nanggaling. Nakaramdam siya ng sakit sa kamay na tinamaan nito at nagsisisigaw. Kusang bumalik naman kay camille ang tungkod na maging ang grupo ni ma-aram ay nagtataka kung sino ang may gawa. Pero hindi na nila iyon pinansin bagkus nilapitan pa nila ang ilang mandirigma ni ma-aram para labanan. Nagkaharap na si ma-aram at dawak at itoy buong bangis na nagpalitan ng kanilang angking galing sa pakikipaglaban. Makikitang duguan na ang kamay ni dawak at isang kamay na lang ginagamit niya ngunit patuloy lang siya sa pakikipaglaban.

" Camille hindi ba tayo lalapit para tumulong kay prinsesa ma-aram?"

" Hindi rem, tandaan mo laban nila ito. Ang misyon natin ay ang kung paano natin maisasabit sa leeg niya ang orasa na magsisilbing huling hantungan ng kanyang ispirito na sa anitong itim niya iaalay para sa maitim niyang hangarin."

" Ang galing nilang pareho camille para silang mga amasona. Parang sa mga action movie."

" Anak sila ng datu kaya bihasa sila sa larangang ganyan. Madalas kasi sa panahong ito ay ang agawan o pananakop ng ibang baranggay sa ibang baranggay. Kaya lahat sinanasanay ng datu sa pakikipaglaban."

Makikitang walang kapaguran si ma-aram at dawak sa ginagawa nilang laban habang ang ilang mandirigma at tagasunod ni dawak ay tuluyan nang nagapi at iginapos ng mandirigmang hawak ni ma-dunong at ma-aram.

Hanggang sa tuluyang nagapi ni ma-aram si dawak sa paglalaban nilang gamit ay ang kanilang mga kamay lamang. Sakal ng mahigpit ni ma-aram si dawak kung saan isang galaw lang niya ay kayang pisain nito ang daluyan ng hangin sa leeg niya. Hindi siya nakagalaw at tuluyang nakalapit si Ma-dunong kay dawak at iginapos ng ang kanyang mga kamay maging mga braso na tila hindi makakawala. Nagsisigaw ito nang buong lakas halos marinig sa buong kagubatan. Lumabas na rin sa pinagkukublihan nila si remus at camille at ang mga mandirigmang kasama ng mga bata at mabilis silang nakalapit sa grupo.

" Prinsesa ma-aram, sila po ang nagligtas sa mga bata. Nauna silang nakarating sa yungib at sa kanilang paglalakbay pabalik ay amin silang nakasalubong."

Lumapit si prinsesa ma-aram kay camille at remus. Yumuko ito bilang pasasalamat sa dalawa.

" Maraming salamat sainyo mga dayuhan. Malaking tulong ang nagawa ninyo sa amin. Sa ngayon ay kailangan na nating makabalik sa baranggay para maigawad ang nararapat na kaparusahan sa kapatid ko sa ginawa niyang pagpatay sa aking mga magulang at kapatid. Pati na rin sa mga taong pinatay niya para gawing alay."

" Ano pong kaparusahan ang igagawad sa inyong kapatid prinsesa ma-aram."

" Ang krimen na ginawa niyang pagpatay at pagsamba sa anitong itim ay nagpapakitang siya ay nasa masamang gawain na walang kapatawaran sa datu. Kamatayan ang parusa nito maging ng kanyang mga tagasunod. Alam ko na maging ang mga tao sa baranggay ay kamatayan ang igagawad sa kanya."

Tumalikod na si ma-aram kay camille at agad binigyan ng tagubilin ang mga mandirigma. At muling naglakbay ang lahat pabalik sa baranggay. Wala nang nagawa ang mga tagasunod at mandirigmang natira ni dawak dahil maging ang kanilang pinuno ay halos hindi na rin makalakad. Kaya isinakay ito ng mga mandirigma ni ma-aram sa isang mahabang kawayan na ginawang parang duyan mahina na ito sa sobrang pagod na naramdaman.

" Camille ito na siguro ang sinasabi ni nera na magiging kahihinatnan ni dawak ang kanyang kamatayan. Kailangang maisagawa natin agad ang misyon natin bago tayo maunahan ng anitong itim sa pagkuha sa ispirito ni dawak."

" Magagawa natin ang misyon rem huwag kang mabahala! Hintayin natin kung anong parusang kamatayan ang igagawad nila kay dawak at sa mga tagasunod niya."

" Ganito pala ang labanan ng mga mandirigma sa panahong ito. Patay na pupugutan pa ng ulo."

" Sa kasaysayan ng ating bansa ang mga tribo ng mga mandirigmang namumugot ng ulo ay nagpapakitang sila ang pinakamabagsik, pinakamagaling sa lahat ng mandirigma. Kaya nila pinupugutan ng ulo ang kanilang kalaban para gawin itong parang trophy sa nagawa nilang tagumpay. At kalimitan dadalhin nila sa kanilang tahanan iyan para patuyuin at gawing dekorasyon. Sa nakita ko tanging mga mandirigma ni dawak ang may gawaing pamumugot ng ulo hindi naman ginawa ng mga mandirigma ni prinsesa ma-aram at ma-dunong."

" Narinig mo ba sinabi ni dawak kanina? May love triangle na pala sa panahong ito hahaha!"

" Manahimik ka rem! Igalang mo ang kanilang estado lalo na sa larangan ng pagibig. Tao din sila kaya hindi malabong mangyari iyan."

" Hindi ko ito nababasa pa sa tala ni nera camille. Malakas ang kutob ko na si ma-dunong ang naging asawa ni prinsesa ma-aram sa panahong ito at naging simula ng pagdami ng lahi ninyo."

" Hindi ko alam rem. Hindi pa nasabi sakin ni nera ang bagay na ito. Kung si ma-dunong man ang naging kabiyak ni prinsesa ma-aram ay hindi malabong mangyari. Nakikita mo yun? Bagay silang reyna at datu ng baranggay."

Nakita ni remus si prinsesa ma-aram na abala sa pagtatapal ng kung anong dahon sa mga sugat sa katawan ni ma-dunong ng pansamantala silang huminto at nagpahinga. Kita nila ang titigan ng mga ito. Kaya napatingin si remus kay camille na nakangiti. Matagal niyang tinitigan ang mukha ni camille na hindi niya alam ay nararamdaman nito. Ilang saglit lang ay mahinang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

" Arayyy ano ba camille?"

" Para magising ka mukhang gising kang nanaginip!"

" Kung panaginip ngang ikaw ay kasama ko ay ayaw ko nang magising camille hahaha."

" Baliw ka rem! Dami mong alam baka ikaw ang ipasok ko dito sa orasa makita mo! O kaya iwan kaya kita sa panahong ito ano?!"

" Uyy wag pls! Biro lang naman."

Nagpatuloy muli ang paglalakbay nila gamit ang mga sulo gawa sa kawayan ay nakapaglakbay sila sa gitna ng kadiliman ng gubat. Nakakadagdag din ang liwanag na nagmumula sa bilog na bilog na buwan. Makalipas ang halos dalawang oras na paglalakbay ay nasa bungad na sila ng gubat palabas.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
-----------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon