Nang lumayo sa paningin ng dalawa ang mga bangka ay muli silang naglakad sa dalampasigan. Mabilis at tila naghahabol ng oras.
" Nakikita mo ba ang mga usok na iyon camille?"
" Oo sa palagay ko malapit na talaga tayo may mga bangka din akong natatanaw na nakadaong sa pampang."
" Sa palagay mo kailangan ba invisible tayo dito?"
" Malalaman natin mamaya
pag may nakita na tayong tao."Nagpatuloy sila sa paglalakad sa init ng araw.
" Tignan mo camille ang mayon volcano, parang iba ang hugis niya sa panahong ito."
" Nasa 15th century tayo rem. Ayon sa tala at sinabi ni nera, nabuhay sila bago dumating ang mga kastila. 1521 ng dumating si magellan sa mactan cebu. At noong 1814 naganap ang unang naitalang pagsabog ng mayon sa ating kasaysayan kung saan maraming bayan sa paligid nito ang natabunan at marami ding tao ang namatay. Nasira yata ang dating hugis nito pero sa paglipas ng panahon at sa mga pagsabog nito ay tila hinihilom niya ang mga parteng nasira sa katawan niya. Sa kasalukuyan di ba yung nakaharap sa Legazpi city ng parte ng bunganga ng bulkan ay nauka. Dahil sa malakas na pagsabog nito noong February 1992. Kaya doon na bumubuhos ang mga bato at lava na iniluluwa nito kapag siya ay nagkakaroon ng minor or major eruption. Sa ngayon ay nakikita mong tila halos perpekto talaga iyan."
" Di ba yung cagsawa sa Daraga yung simbahan doon natabunan at kampanaryo na lang ang natira?"
" Dating mga kuwento iyon, pero ngayon may mga bagong tuklas na datos at ilang larawan na hindi talaga natabunan ang simbahan. May mga nakitang larawan na medyo buo pa yung simbahan pero giba na ang ibang istraktura nito. Yung kampanaryo hindi iyon kadikit ng simbahan. Hiwalay iyon sa kabuuan ng simbahan. Kaya malabong natabunan ang simbahan. Sa pagdaan ng panahon dahil abandonado ang lugar na iyon kaya nasira at nawasak na lang ang simbahan. Pero sa sa kasalukuyan di ba ang ganda na ng lugar kasi dinadayo na ng mga turista."
" Ang galing mo naman ang dami mong alam."
" Kapag nagbabasa ka marami kang malalaman."
Nahinto ang dalawa ng may bigla silang nakitang paparating na tao sa lugar nila isa itong babaeng matanda at may mga bitbit na tila telang lagayan ng mga gamit nakasukbit iyon sa balikat nito. Nakita sila nito pero tinignan lang sila at nilagpasan. Hanggang sa nakita nilang lumiko ito at pinuntahan sa may kakahuyang malapit sa may dalampasigan. Doon nila napagtanto na may bahay pala doon na tila bahay kubo ang itsura.
" Hindi tayo pinansin baka sanay siya makakita ng katulad natin."
" Sa palagay ko rem, dahil sa kasuotan natin na katulad sa mga tao dito kaya hindi na sila nagtaka."
" Pero camille, mga katutubo ang tao dito, ibang iba siguro itsura nila sa atin."
" Sobra ka naman. Medyo tisoy ka lang pero yang balat mo pinoy na pinoy. Ako alam kong medyo tisay ako pero ang buhok at kulay ko pinay na pinay. Kaya marahil hindi sila magiisip na dayuhan tayo o galing sa kung saan."
" Baka nga, bilisan natin makakita pa ng tao."
Hanggang sa sila ay nakarating sa isang simple at sinaunang baranggay. Makikita ang mga tirahan ay sinauna ang pagkakagawang kahalintulad ng mga bahay kubo na yari sa pawid, kawayan at sawali. Ang mga bubong ay yari sa pinatuyong mga dahon ng nipa at niyog. May mga bata, matatanda, kabataan, kalalakihang at kababaihang naglalakad lakad. Ang iba ay abala sa kung anumang ginagawa. Makikita naman sa pinakagitnang bahagi nito ang napakalaking bahay na may may mga mandirigmang nakabantay at ang iba naman ay nageensayo sa kanilang mga armas. Makikita rin na may mga tila mga katiwalang mga babae ang pumapasok sa naturang bahay. Makikita rin ang isang tila bulwagan sa tabi nito namay mga kawal din kung saan ginaganap ang mga pagpupulong.
May mga kung ano anong makikita kang mga tila nagbebenta ng kung ano ano sa gilid ng dadaanan. Sa dalampasigan ay makikitang maraming tao na abala sa pakikipagpalitan ng kalakal. May mga intsik, malay, arabo, indones at iba pang lahing asyano.
May mga dala sila kalakal na ibinibenta at ang iba ay ipinagpapalit nila ng kalakal sa mga katutubong nakatira sa banwa o pamayanan.
" Hindi ako makapaniwala camille, may mga dayuhan na talaga dito. At napansin mo yung iba dito na nanirahan. May mga batang tila may halo na ang itsura. Pero yung tipong mga amerkano at kastilang itsura wala kang makikita. Pero napansin ko lang iba iba ang kanilang pananamit at ang iba yumuyuko sa ibang nakakasalubong nila."
" Sa panahong ito, Datu ang namumuno sa isang baranggay. Ang tawag sa kasakasama nila ay timawa, isang uri ng alipin. Sila ang tila alalay ng datu, tagasagwan ng mga bangka, tagatikim ng alak at iba pa. Ang ibang alipin ang tawag ay sangguigilid at namamahay. Sila ang pinakamababang uri ng tao sa lipunan sa ngayong panahon. Sa aking palagay si Datu Rawan ang namumuno sa Baranggay na ito. Ang mga datu,rajah, lakan o sultan ay nabibilang sa maharlikang pamilya. Rajah o lakan ang tawag sa mga namumuno sa mas malaking mga pamayanan o baranggay. Ang mga tao sa panahong ito ay sumasamba sa mga anito, maging sa araw, hayop o mga halaman. Hindi pa nakakarating ang kristiyanismo sa lugar na ito at panahon. Sa palagay ko hindi tayo mahihirapang itago ang itsura natin pero dapat pa rin tayong magingat."
Hanggang sa may dalawa silang nakasalubong na babae na tila masayang naguusap habang nasa likod naman nito ang isa pang babae na tila tagapaglingkod ng dalawa. Agad na hinila ni camille si remus na gumilid sa daan.
" Ma-aram, nera!"
Banggit ng dalaga na narinig ni remus. Ang tatlong babae naman ay tumuloy na sa bahay na nasa pinakagitnang bahagi ng Baranggay. Nakita ng dalawa na nagbigay galang ang mga kawal na nakabantay at ilang tagapagsilbing babae.
" Camille, si ma-aram iyon di ba?"
" Tama. Yung isa si Tala ang isa pa nilang kapatid ni Dawak. Yung nasa likod nila si Nera iyon."
" Grabe! Halos kasing edad lang pala natin sila o mas matanda sa atin ng dalawa o tatlong taon. Pero yung ma-aram nagkakahawig kayo maski na malaki ang pagiging katutubong pilipina ang itsura niya."
Nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid ang dalawa hanggang sa isang tunog ng tambuli ang maririnig na hinihipan ng isang mandirigmang katutubo na nasa taas ng tila toreng bantayan ng pamayanan.
Huminto ang mga tao sa kanilang mga ginagawa at isa isang nagtungo sa isang direksyon kung saan nandoon ang malaking tirahan ng Datu.
" Hanggang sa lumabas sa tila balkonahe sa itaas ng bahay ang isang lalaki na hindi pa katandaan. Nasa may likod niya ang isang babaeng hindi maikakailang kanyang kabiyak. Nasa isang gilid ng balkonahe naman ang kanyang tatlong anak na babae na halos magkakamukha. Ilang saglit pa ay may kinausap na isang matandang lalaki ang datu.
Si remus naman ay nagtanung sa katabi niyang isang babae na mas bata sa kanya. Hindi niya alam gagawin kung anong paraan gagawin niyang pagtatanong.
" Ah eh, maari ba akong magtanong?"
Yumuko na tila tumango ang babae.
" Sino po ba ang lalaking iyan?"
" Hindi mo sila kilala ginoo?!"
" Ngayon lang kasi kami nakarating sa lugar na ito. Galing kami nitong kasama ko sa ibang lugar."
" Ah ibang baranggay pala kayo nanggaling. Si Datu Rawan ang namumuno dito sa baranggay namin. Ang tatlong anak niya na nasa taas ay sina ma-aram, tala at dawak. Mukhang may iaanunsiyo ang datu sa palagay ko ay ang nangyayaring pagkawala ng ibang bata noong nakaraang araw."
Sa narinig ay hindi naiwasang sumali ni camille sa usapan ng dalawa.
" Nawawalang mga bata?!"
" Oo, hindi maipaliwanag ng mga kawal o mandirigma ang biglang pagkawala ng mga bata pati mga magulang nila."
Ilang saglit lang ay may nagsalitang lalaki sa may harap ng datu.
" Sino siya?"
" Siya ang "Atubang" o "Agurang". Siya ang punong tagapayo ng datu. Marahil siya ang magsasalita muna."
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.