Kabanata Tatlumpo

1.3K 54 1
                                    

" Sino po ba ang puwedeng makausap na kamaganak ng mga pasyente?"

Agad na lumapit ang mga magulang ni owen kasunod si lola rosario. Agad na humalik sa pisngi ni lola rosario ang doktor at nagmano naman dito si remus.

" Anak mahabang kuwento, pero gusto kong siguraduhin mong magiging ayos ang lagay ng mag ama."

" Mag ama po pala ang pasyente. Kayo po ba magulang ng ama?"

" Kami nga dok."

" Dr. Romulos De Dios po."

" Fidel Burce dok, tito na lang. Ano ng lagay ng mag ama?"

" Parehong kailangan nila ng dugo. Type Ab ang ama O yung anak. Sino puwedeng mag donate, sumunod na lang sa nurse ang gusto para ma check if match sa pasyente. Delikado po ang lagay nilang pareho at masusing namin itong inoobserbahan. Ginawa na rin namin ang mga kailangan gawin at ang iba pa para masiguradong walang magiging problema at kumplikasyon. Baka po kasi may internal hemorrhage ang mga biktima na maging cause ng kanilang kamatayan."

" Dok type Ab po ako."(ram)

" Ako dok type O."( vincent)

" Good, kung sino pa ang puwede magpa check na lang. Hindi po puwede ang maysakit tulad ng HB pressure. Ang puwede lang po ay healthy at walang naging sakit sa dugo. Kayo po tito at tita huwag na po kasi sa edad nyo. Hayaan na lang po muna natin sila alam ko na makakuha tayo."

" Salamat Dok."

Sumunod sina ram at ibang possible donor ng dugo sa mag ama. Naiwan sa lobby ang ilang kasama nila.

" Tita nasaan po si Camille?"(remus)

" Nasa chapel daw siya sabi ni ram, gustong mapagisa." ( Vera)

" Kumusta ang lagay niya?"

" Ok naman daw nagkaroon lang ng sugat sa braso dahil sa naging away nila ni oxana kanina. Bago mabangga ang mag ama."

Hindi na nagtanong pa si remus sa dahilang alam na niya ang naganap sa naging kuwento ni ram sa kanila kanina lang. Palihim na umalis si remus sa grupo na hindi niya alam na tanging ang lola niya ang nakapansin. Alam nito kung saan ito tutungo kaya hinayaan na lang ang apo.

Naglakad sa pasilyo si remus hanggang sa siya ay makarating sa harap ng isang chapel. Isang malaking krusipiho ang makikita sa pinakaunahang bahagi nito na may katamtamang ilaw. Mapusyaw ang ilaw sa loob para hindi masyadong nakakagambala ang liwanag sa mga taong nagdarasal. Nakita niyang nasa unahan nakaupo si camille na nakatitig lang sa malaking krusipiho. Tahimik at tila malalim ang iniisip. Tila wala ng bakas ng pag iyak. Dahan dahang itong naglakad papasok at umupo sa likurang bahagi ni camille. Hindi pa man siya nagtatagal umupo ay biglang nagsalita si camille na nakaharap pa rin sa altar na ikinabigla niya.

" Kararating nyo lang ba rem?"

Nagulat si remus sa lakas ng pakiramdam ni camille. Tumayo ulit siya at tumabi sa upuan kay camille.

" Kani kanina lang. Nandiyan na sila lahat at hinahanap ka. Naikuwento na sa amin ni tito ram ang naganap. Pero sa ibang tao ay ibang bersyon."

" Kamustang lagay ni papa at ng kapatid ko?"

Sandaling katahimikan ang namayani bago nagsalita si ram.

" Huwag ka sanang mabibigla.....delikado ang lagay nila pareho kaya nangangailangan ng dugo. May mga kapareho sa pamilya nyo at sa mga kaibigan kaya nagpapatest na sila if pupuwede silang donor."

Napayuko si camille at muling pumatak ang luha at tahimik na umiiyak. Umusog ng kaunti palapit sa kanya si ram at isinandal ang ulo niya sa balikat nito.

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon