Good day po sa lahat ng readers na patuloy na sumusubaybay. Sa mga bagong kong followers, sa mga nag pm at nag comment kung gaano nila nagustuhan ang book 1 ng Glasshour, at ang mga bumuboto ng story. Sobra pong nakakainspire ang ginagawa ninyong pagmamahal sa Book 1 at book 2. Sa nalalabi pong kabanata ng Book 2 sana ay samahan nyo pa ako. Vote and comment naman po kayo. :)
Sa mga nag add sa reading list nila maraming maraming salamat.
Hi kay lynryangascon19 ,fhaujia,_lady_lyn_,ajeomma,jessaya_chan91,PrettyBrokenEyes,WiLdKisZeR_19,mharlee05,
------------------------------------------------------
Nabigla si Ram at vera ng bigla na lang lumitaw si remus at camille sa harap nila sa lobby ng hospital. Buti na lang siya lang nakakita at si vera. Agad nilang nilapitan ang dalawa na matiim na nakatingin kay remus.
" My God camille buti na lang kami lang andito! Naglakbay ka ba, ikaw na ba ang talaga ang itinakda?!"
" Opo ninang. Mahabang kuwento po. Kung dito po ay baka 2 hrs lang yata ako nawala. Pero sa pinuntahan kong panahon ay 1 day itinagal namin."
" Kasama mo si rem? So alam na niya na ikaw?"
" Opo....kanina lang po sa rooftop nakausap ko si lolo roman. Ang manlalakbay ng panahon bago ako. Kasama po niya si Prinsesa ma-aram."
" Prinsesa Ma-aram?"
" Mahabang kuwento po ninong ram. Siya po ang kauna unahang manlalakbay ng panahon sa ating angkan. At nabuhay siya bago dumating ang mga kastila sa ating bansa 400 yrs ago. Yung po ang nilakbay kong panahon kanina lang po."
" Anong ginawa mo doon?"
" Doon po ang kasagutan ng mga kakaibang nangyayari sa kapatid ko sa panahong ito. Binigyan po ako ng misyon ni prinsesa ma-aram na tanging ako ang makakagawa."
" Nagawa mo naman ba?"
" Opo ninong. Nagtagumpay po ako kaya nandito na ako. Sa ngayon po ay malalaman ko kung tuluyan nga akong nagtagumpay. Kumusta na po ang kapatid ko at si papa."
" Kararating lang namin, bka maya lang dito na tito vincent mo. Andun sa private rm sina lolo mo at lola ni rem. Tulad pa rin ng dati walang pagbabago sa kalagayan nila."
" Sana talaga nagtagumpay ako, ayokong mawala silang dalawa sa buhay ko ninong. Kalilibing lang ni mama ayokong maglibing ulit ng mahal ko sa buhay."
" Tatagan mo loob mo camille, magdasal ka. Ikaw ang itinakda sa angkan natin kaya dapat matapang ka sa mga pagsubok na ito."
Ilang saglit lang ay pumunta na sa private rm si camille at remus kasama ang mag asawang ram at vera pagkatapos silipin sa icu ang kapatid at ama.
Agad niyakap ni camille ang lolo at lola niya. Kinausap naman ni remus ang lola niya para ikuwento ang mga pangyayari.
" Lolo, nakausap ko na po kanina yung manlalakbay ng panahon si lolo roman. Maniwala man kayo o hindi pati po ang kauna unahang manlalakbay na si prinsesa ma-aram na nabuhay bago dumating ang mga kastila ay nakausap ko na po at ang isang manlalakbay pa na ang pangalan ay Geor. Sinabi nila na ako daw pala ang itinakdang ikasandaang manlalakbay ng panahon sa ating angkan. Ako daw po pala ang dahilan kung bakit ang kapatid ni prinsesa ma-aram na si dawak ay muling nagbalik sa panahon natin."
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.