Kabanata Labing Tatlo

1.3K 62 0
                                    

Magandang buhay po sa lahat ng readers na patuloy na sumusuporta at di bumibitiw sa book 2 ng The Glasshour. Nagpapasalamat po ako at umabot na sa 600+ reads na ito.

Alam nyo po minsan nawawalan ako ng gana o kaya inspirasyon para magsulat pero ginagawa ko po ang lahat para makapagsulat at makapagbigay ng update para sa inyo. Kasiyahan ko po kasi na magsulat noon pa man. Alam ko pong hindi pa ako gaanong kagaling sa dahilang mahigit 2 mos pa lang ako sa pagsusulat. Kung may mga mali man po kayong words na nababasa pag pasensiyan nyo na tao lamang po :).
------------------------------------------------------

" Iha kumusta na ang pakiramdam mo?"

" Nasaan po ako, at sino po kayo?"

Tumingin ito saglit kay Remus na naluluha pa rin at muling ibinaling ulit ang tingin sa matanda.

" Ako si Rosario iha, ito naman si Remus ang apo ko. Siya ang nakatagpo sayo dun sa may kubol malapit dito sa bahay namin. Wala ka raw malay doon? Totoo ba iyon iha? Baka may ginawang kalokohan sayo itong apo ko, isumbong mo sa akin agad."

Tumingin saglit ang babae kay Remus at muling yumuko.

" Salamat sayo....doon po kasi ako napadpad sa sobrang pagod. Pasensya na po sa abala. Aalis na po ako. Baka po abala na ako sa inyo."

" Nooo! Dito ka lang!"

Nabigla ang babae at ang matanda sa biglang pagsabat ni Remus.

" Ah...eh.. Gusto kong sabihin, dito ka muna. Mukhang pagod na pagod ka pa. At may mga pasa ka pa sa mukha at katawan. Makakasama sayo ang umalis. Lumakas pa ang ulan. Saka welcome ka dito. Di ba lola?"

" Tama ang apo ko iha...dumito ka muna. Gamitin mo ang silid na ito. Walang gumagamit nito. Ano nga palang pangalan mo iha?"

" Salamat po mam rosario."

" Iha lola na lang, lola rosario o kaya grandma para naman hindi masyado nakakatanda hahaha."

" Hahaha! Sounds matanda pa rin yun lola ang grandma hahaha!"

" Remus Baka bukas gusto mo pabalikin na kita sa maynila."

" Hahaha joke lang lola. Ang bata bata nyo pa nga eh. Puwede pa kayong mag asawa ulit hahaha!"

" Heh! Ah iha ano nga ulit pangalan mo?"

" Ah..Camille Jane Burce po."

" Napakagandang pangalan. Kamaganak mo ba yung mga burce na nakatira doon sa malaking bahay sa may bungad ng baryo?"

" Opo....doon po ako nakatira. Si Rowen Jan Burce at Carmella Burce po ang mga magulang ko."

Pagkasambit niyon ni Camille ay muli itong napahikbi.

" May problema ba iha?"

" Hindi na po kasi ako makakabalik sa amin...pinalayas po ako ni papa."

Tuluyan ng muling umiyak si camille. Awang awa naman na nakatingin si Remus at lola nito sa kanya.

" Hindi na muna kita uusisain iha kung anong nangyari. Sa ngayon ay halika na muna sa baba. Kumain ka na muna. Hinang hina ka na. Kaya mo bang maglakad pababa?"

" Opo...salamat po."

Tumayo ang matanda at si carmella. Naglakad patungo sa may pinto na kasunod si Remus na hindi maalis ang tingin kay camille. Saktong nasa gilid na siya nito pagkalabas ng pinto ay tila nahilo si camille na napahawak sa noo. Agad naman napaalalay sa siko niya si Remus na tila nakaramdam ng kakaibang kuryente ng mahawakan ang balat nito.

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon