Nadatnan ni camille at remus sa bulwagan ng tahanan ng datu ang maraming tao na tumatangis. Ang ilang tagasunod ay nasa harapan kung saan nandoon ang labi ng mga pumanaw. Nakaupo naman sa isang sulok kung saan naroon sa tabi niya si Nera. Hinayaan na lang nila ang mga pinagkakatiwalaang babaylang tagasunod na manguna sa ritwal.
Sa harap ay makikita rin ang tatlong kakaibang ataul na kahoy sa tabi ng mga labi. May tatlong babaylang babae ang nakaluhod habang tila nagdarasal ang mga ito at may mga inuusal na dasal na hawak ang mga telang malalapad na napakaganda ng pagkakahabi. Tila espesyal ang pagkakagawa ng mga ito. Ang ilang tagasunod naman ay may mga hawak na mga malalaking banga na makikitang may mga alahas o palamuti na nasa loob.
Nakamasid lang si camille at remus sa mga kaganapan. Nakita din nila si Ma-dunong na tila magaling na at kasama ang ina na nakikiramay.
" Kakaiba talaga ang paraan sa panahong ito sa pagtrato sa patay. Sa panahon natin mula sa pagkakasakit, pagkamatay at paglilibing ay puro gastos. Tapos sa simbahan kailangan magbayad muna para mabendisyunan ng pari."
" Dahil sa panahon natin ay kristiyano na tayo rem mula ng dumating ang mga kastila ay nabago na ang ibang paniniwala ng tao lalo na sa relehiyon."
" Sa tingin ko yung mga banga na iyon ay yaman ng pamilya na isasama sa ataul."
" Tama rem, tawag diyan ay Pabaon. Nakikita mo yung malalapad na tela na hawak ng mga tagasunod?....Sa tingin ko diyan ibabalot ang labi ng mga namatay. Ang tawag sa ganyan ay Burial Cloth. Iyan ang paniniwala sa panahong ito na nawala sa pagdaan ng panahon."
" Alam mo sa nakikita ko parang mas maganda yung paraan ngayon parang sa mga movies lang talaga."" Yung mga movies ay may pinagbasehan talaga, nagresearch sila sa mga pangyayari sa nakaraan para mas mabigyan ng magandang eksena ang mga ginagawa nilang pelikula."
" Sa tingin ko camille mas maganda pa ang magaganap mamaya. Napaka cinematic ng nagaganap ngayon napaka solemn at kakaiba talaga."
Pagkalipas ng ilang sandaling ritwal ay ibinalot na ang telang kakaiba ang disenyo sa bawat labi. Makikitang maingat na ibinalot ito ng mga babaylang tagasunod mula ulo hanggang paa ay natatakpan nito at maingat na ipinasok sa ataul na may mga kakaibang ukit sa palibot nito. Nang maipasok ang lahat ng labi ay nilagyan ang mga ito ng mga bulaklak. At ang bawat isang may tangan ng mga bangang may lamang ibat ibang klase ng alahas o mga batong kumikinang ay inilagay sa bawat isang ataul.
" Grabe kayaman ng maituturing ang mga iyon camille. Ipapabaon lang nila sa namatay."
" Huwag ka nang manghinayang sa mga iyon rem. Paniniwala nila iyan na dapat may pabaon sa mga yumao."
Ilang saglit lang ay tumayo si prinsesa ma-aram at naglakad papunta sa harap ng tatlong ataul at lumuhod saka dumipa na parang nagdarasal.
Nang matapos ang seremonya ay isa isa nang binitbit ng mga mandirigma ang mga ataul na magkakasunod. Kasunod nang mga ito ay sina prinsesa ma-aram, nera at ang mga babaylan na tagasunod. Nangunguna naman ang mga mandirigma. Patungo ang lahat sa dagat kung saan naghihintay ang napakaraming balangay. Marami ding mga mamayan ang naghihintay habang tumatangis.
" Saan kaya nila dadalhin o ililibing ang mga patay camille?"
" Huwag ka ngang maingay sumunod ka na lang sa palagay ko alam ko na ito. May nabasa akong paraan ng paglilibing noong panahon kung saan inilalagak ang mga bangkay. Patungo tayo sa dagat at sa aking palagay tama ang naiisip ko."
" Ano naman iyon?"
" Sasakay tayo sa balangay pati yang mga ataul patungo sa pglilibingan ng mga patay."
Isa isang inilagay sa bawat bangka ang mga ataul at magkakasunod na naglakbay ang mga ito sa dagat. Kasunod ang mga balangay kung saan nakasakay ang mga mandirigma, sina ma-aram at ang napakaraming mamamayan sakay ng kani kanilang bangka at mga balangay. Hangang hanga si remus sa nakikita dahil tila sa isang pelikula ang nagaganap. Nangunguna pa ang pinakamalaking balangay kung saan doon sila nakasakay. Hanggang sa tinanong niya ang isang babaeng tagasunod.
" Saan po tayo patungo?"
" Sa paglalagakan ng mga labi ng mga namatay. Ang yungib ng mga espiritung maglalakbay na sa kabilang mundo. Nakikita mo yan islang iyon? Doon ang tungo natin."
Nanlaki ang mata ni remus at camille dahil alam nila ang islang iyon sa kasalukuyang panahon na dinadayo na ng mga turista dahil isa na itong pribadong island resort na eksklusibo.
" Camille, dyan pala sa islang iyan ang libingang sa panahong ito? Hindi kaya alam ng mga tao sa kasalukuyan ang totoo sa islang iyan?"
" Sa palagay ko alam na nila. Siguro nahukay na sa mga nagdaang siglo ang mga nailibing diyan at nakuha na ng mga tao sa kasalukuyang panahon ang mga bagay na makakapag paalala ng ating nakaraan. Nakakalungkot isipin na tayo din siguro ang sumira sa kasalukuyan ng ating pagkakakilanlan sa nakaraan."
" Marahil. Mantakin mong kayamanan ang dala ng bawat ataul na nakalibing sa islang iyon."
Nalungkot at napaisip na lang si camille sa alalahaning iyon.
" Bakit kaya sa kuweba o isla nila dinadala ang patay?"
" Ayon sa paniniwala ng mga tao sa panahong ito ay para daw payapa ang paglalakbay nila at dapat nakaharap sa dagat dahil sa tanawing kaaya aya. Inilalayo kasi ng mga tao ang mga labi ng mga patay sa mga buhay para hindi ito magambala sa kanilang paglalakbay."
" Bakit hindi na lang sa doon sa baranggay o gubat?"
" Mahirap maglakbay sa gubat, masukal ito at maaring magambala ng mga tao o hayop ang libingan kaya sa mga isla na lang na madaling lakbayin gamit ang mga balangay at bangka. Nakikita mo naman wala pang mga kalsada sa panahong ito kaya tubig ang daan nila. Ang mga pamayanan o baranggay sa panahong ito ay nasa may dagat o mga ilog kung saan iyon ang kalsada nila para sa pakikipagkalakalan."
" Naiintindihan ko na camille."
Halos magisang oras silang naglakbay hanggang sa narating nila ang naturang isla. Isa isa uling binuhat ang mga ataul at ipinasok sa yungib kung saan sa pinakadulo nito ay bangin na nakaharap sa dagat kung tatalon ka ay tubig ang babagsakan mo.
Inilagak ang tatlong ataul sa isang lugar ng yungib kung saan doon inililibing ang mga datu, rajah, at pamilya nito. Sa isang panig naman ay ang mga mandirigma at mga simpleng mamamayan. Nagkaroon ulit ng ritwal na seremonya at isa isa nang nag aalisan ang mga tao maging sina prinsesa ma-aram.
Sa paglalakad pabalik sa dagat ay pasimpleng hinila ni camille si remus na hindi mapapansin ng mga tao. Nagpaiwan na sila doon na ipinagtaka ni remus. Agad silang pumasok muli sa yungib at tinungo ang pinakadulong bahagi nito kung saan matatanaw ang karagatan. Ilang saglit lang ay nakita na nila ang mga balanggay at mga bangka na muling naglalakbay sa dagat.
" Ano ba naman camille gagawin natin dito at nagpaiwan pa tayo?"
" Ito na ang panahon para bumalik tayo sa kasalukuyan. Tapos na ng misyon ko."
" Wohooooo salamat makakabalik na tayo. Asiwang asiwa na ako dito sa bahag ko noh!"
Natawa si camille sa sinabi ng binata kaya hinawakan niya ito sa kamay na humarap sa bangin.
" Woooohhh camille huwag mong sabihing tatalon tayo diyan?!"
" Babalik na tayo sa kasalukuyan kaya humawak ka sa kamay ko. Maganda itong adventure na tatalon tayo na hindi tayo babagsak sa dagat kundi maglalaho."
" Shit camille! Walang ganyanan takot ako sa height tapos tatalon pa diyan!"
" Tatalon tayo? O maiwan ka dito?!"
" Sabi ko nga tatalon na! Diyoskopo lord wag mo po akong pabayaan single pa po ako gusto ko pang dumami ang lahi ko ahuhu!"
Sa narinig ay natawang palihim si camille. Hinawakan ang kamay ni remus at pabiglang tumalon.
" YAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.