Kabanata Dalawamput Anim

1.3K 53 0
                                    

Samantala sa isang tagong lugar sa loob ng kagubatang malapit sa baryo ay nagpunta si oxana. Sa paglalakad ay makikitang tila kabisado na niya ang lugar. Labis ang ang poot niya sa lahat ng tao kaya minabuti niyang puntahan ang parteng ito ng kagubatan kung saan makikita ang isang tagong yungib sa paanan ng bundok na tila walang nangangahas na pumasok dahil sa kuwentong bayan na isinumpa ang naturang yungib dahil namamatay ang sinumang mangahas pumasok doon.

Oxanas POV

Hindi nawala ang yungib na ito kahit daang taon na ang nakalipas. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dito sa loob ng yungib na ito. Sisiguraduhin ko ring hindi ninyo makakalimutan ang araw ninyo sa yungib na ito pamilya ng itinakda hahaha, ito na ang panahon ng paghihiganti ko sa angkan mo ma-aram!

Sa loob ng yungib ay sinimulang hawiin ni oxana ang mga nakaharang na mga bagay sa kanyang dadaanan. Madilim pero may naaninag siyang liwanag sa dulo kung saan may tila liwanag na nanggagaling sa butas na kisame ng yungib. Makikita sa nasisinagan ng araw ang tila altar at tila mesang lupa na bumagsak na ang bahaging gilid. Napangiti si oxana sa nakita at sinimulang ayusin ang natibag na parte ng tila mesang ginagawa para sa isang ritwal na pagsasakripisyo noong mga unang panahon.

Sa paglabas ni oxana sa yungib ay sinigurado niyang ni isa ay walang makakatagpo ng yungib na iyon. Muli isang sumpa ang iginawad niya sa naturang yungib sa sinumang mangangahas pumasok doon.

Muli siyang naglakad pabalik ng baryo na tila walang kapaguran. Madilim na ng siya ay makarating ng kanilang tahanan. Naabutan niyang nasa balkonahe ang kanyang lolo at lola pati tito at tita niya. Tinawag siya ng mga ito. Pero isang matalim na titig lang ang ibinigay niya at naglakad muli papasok ng bahay.

" Nakita mo iyon papa?! Walang galang talaga ang batang yan! Ibang iba kay camille. Nakakatakot ang kanyang mga titig. Sa aking palagay may katotohanan talaga ang mga sinabi ni Mrs. de Dios."(vincent)

" Kakaibang bata, mapanganib ang ekspreyon ng mga mata. Tila handang pumatay."(zaira)

" Fidel sa palagay ko dapat nating makausap si owen tungkol sa mga bagay na ito. Dapat na rin siguro nating pagusapan ang tungkol sa kung anong nararapat para kay oxana. Hindi na ito biro pamilya natin ang pinaguusapan ng buong baryo."

" Hayaan mo mamaya kakausapin natin si rowen. Hindi pa makausap ng matino iyon. Naglasing na naman at nagkulong sa kuwarto."

------------------------------------------------------

Sa hapunan ay kinatok ng ina niya si owen at niyayang maghapunan. Sumunod naman ito sa ina, nagayos ng sarili at bumaba sa kanilang dining area. Sunod na pinuntahan ng ina niti si oxana sa silid nito pero tumanggi ito ng pasigaw na hayaan siyang mag isa.

Hindi na nagpumilit ang ina ni owen at bumaba na rin.

" Ok ka lang ba anak?"

" Ok lang po papa. Masakit pero kakayanin ko ang lahat. Labing anim na taon kaming magkasama ni carmella sa bahay na ito kaya mahirap kalimutan ang mga alaala niya. Sa ngayon unti unti ay matatanggap ko rin ang pagkawala niya."

" Naiintindihan namin anak, pero may anak ka pa na dapat asikasuhin at ayusin. Alam naming nabigla ka sa pagbabagong nangyari sa pamilya mo. Pero tandaan mo nandito kami ang pamilya mo."

Habang kumakain ng hapunan ay biglang naalala ni owen si camille.

" Mama nasaan na si camille? Kasama ko siya kaninang umuwi."

" Minabuti na muna niyang sumama muli kay rosario para daw doon muna siya. Ayaw daw niyang magkagulo ulit lalot si oxana ay nandito."

Napatungo si owen sa sinabi ng ina niya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay inuusig pa rin siya ng konsensya sa nagawa sa anak na si camille.

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon