Sa tahanan ng mga Burce ay nagngingitngit sa galit si Oxana sa dahilang hindi magawa ng kanyang kakayahan na matagpuan kung nasaan ang kanyang kakambal na si Camille. Alam niyang protektado ito ng matandang kumalaban sa kanya at malakas ang pakiramdam niya na tama ang sinabi ni karatan na may kaugnayan sa kanilang nakaraan ang matanda. Si Nera ang taga gabay na isang mangkukulam na salungat sa kanyang ginagawa ang mga gawain. Ito din ang isa sa naging ugat ng kanyang kamatayan noong unang panahon.
Oxanas POV
Hindi ako makakapayag na muling may isang tulad ni Nera ang muling hahadlang sa mga gagawin ko! Kailangan kong matagpuan ang matandang iyon! Alam kong isa siyang babaylang mangkukukam. Ngunit hindi siya kakampi, balakid siya sa mga plano ko! Isa din siya sa dapat mamatay kasama ng angkan ng mga manlalakbay ng panahon! Kung isa siyang angkan ni Nera dapat lang na mawala na din siya sa mundo hahahaha!
------------------------------------------------------Samantala sa kanyang silid ay lasing na lasing si Rowen at patuloy na umiiyak sa kanyang lungkot na nararamdan.
Rowens POV
Ano ba itong nangyayari sa buhay ko. Kung kelan ako nagkaedad ay saka naging magulo ang lahat. Buong akala ko ay tahimik ang lahat kapiling ang aking pamilya sa kabila ng lihim ng aming angkan. Ang asawa ko bakit kailangang mawala siya, mahal ko si carmella alam ng diyos iyan. May mga bagay kaming hindi napagkakasunduan pero dahil sa pagmamahal namin sa isat isa ay naaayos ito.
Naguguluhan ako ngayon diyos ko gulong gulo na ako. Kaakibat ba ito ng buhay ng isa sa angkang manlalakbay ng panahon. Labing anim na taon na at wala na akong balita kay lolo oman ang bestfriend ko na lolo.
------------------------------------------------------Sa alalahaning iyon ay lalong naiyak at nalungkot si rowen naalala niya ang masasayang araw noong panahon kasama niya ang mga taong naging bahagi ng buhay niya sa paglalakbay niya ng panahon. Tila nakikita niya ang mga mukha ng lahat sa kanyang pagpikit ng mata na puno ng luha. Tila naririnig niya ang mga masasayang tawanan at biruan nila ng kanyang bestfriend na si Oman pati ng iba niyang kaibigan. Labis na lungkot ang naramdaman niya kaya napahagulgol na sa pag iyak si owen. Naalala niya kung gaano sila kasaya noon pero ngayon ay tila lumalayo sa kanya ang lahat. Ang kanyang mahal na asawa ay wala na, ang kanyang mga kaibigan ay lumalayo, ang kanyang anak na si oxana ay tila walang pagaalala sa kanyang nararamdaman, pakiramdam niya ay tila wala lang dito na nawala ang kanyang ina, at ang kanyang anak na si camille na alam niyang isang mabuting anak.
------------------------------------------------------Rowens POV
Tama sila bulag nga siguro ako, bulag ang mata, puso at isipan. Napakasama kong ama sa anak kong panganay. Hindi ko nakikita ang kabutihan nito. Bagkus ay hinusgahan at sinaktan ko pa. Mapatawad sana ako ng anak ko. Si oxana, sa ngayon nag aalinlangan na ako kung siya nga ba ang itinakda. Kakaiba na ang mga ipinapakita niya at tila hindi kabutihan at walang katotohanan. Ngunit paano at sino ang makakapagpatunay na nagkamali ako ng pagkilala kay oxana.
------------------------------------------------------Nagpatuloy sa pag inom ng alak si owen sa kuwarto at hinayaan na lang ang mga kasambahay at ilang kamaganak na umasikaso sa burol ng asawa dahil tila wala siyang mukhang maiharap dahil sa pangyayari kanina na alam niyang tila naging masama siyang ama kay camille sa paningin ng mga tao. Hindi rin niya kayang makita ang asawa na nasa kabaong na kaya nanatili siyang nagkulong sa kuwarto.
Sa umpukan naman ng mga naglalamay ay usapan pa rin ang mga naganap at haka haka sa pagkamatay ni carmella. Ang ina na lang ni carmella ang nasa tabi ng kabaong nito na tahimik na umiiyak. Maging siya ay nalulungkot sa mga pangyayari at hindi sya naniniwala sa sinasabi ng isa niyang apo. Kilala niya si camille bilang isang mabuting apo na kabaliktaran ni oxana.
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasíaMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.