Pinapasok ng matanda si camille at remus sa loob at pinaupo sa dalawang upuan sa harap ng isang malaking table. Makikita sa table ibat ibang klase ng libro na tila mga luma na at may kakaibang lengguwahe. May mga wooden cabinet din na naglalaman ng pagkarami raming raming libro. May mga lampara sa paligid na nagsisilbing ilaw sa buong silid. Pero pinailaw ni lola rosario ang isang kandelabra sa gitna ng silid para magliwanag ang paligid at makita ang lahat ng laman nito.
" Ang mga librong ito ay namana pa ng mga lolo ko sa mga lolo at lola ng mga ninuno natin remus. Karamihan ng mga librong naririto ay tungkol sa kasaysayan at buhay nila noon pa mang sinaunang panahon. May mga librong nandiyan ang hindi mo maiintindihan sapagkat mga sinaunang baybayin ang pagkakasulat.
"Marami nang naluma, nasunog, nawala o kung ano pa man. Pero hindi nagpabaya ang ating mga ninuno na hindi mailimbag ulit ang mga ito dahil sa mahalaga ang mga iyon sa pagkakakilanlan ng ating angkan remus. Nagsimula ang pagtala ng kasaysayan ng ating angkan noon pa mang bago dumating ang mga kastila. Sa dahilang ang naitalang pinakanaunang ninuno natin na nagsulat ng tungkol sa kanyang kasaysayan ay isang babaylan na labis na pinagkakatiwalaan ng pamilyang maharlika."" Gusto mong sabihin lola, panahon pa ng mga datu o ni lapu lapu?"
" Sa aking palagay sa mga nabasa ko ay bago pa. Ang taong naitala ng pagdating ng mga kastila dito sa ating bansa na hindi pa Pilipinas ang pangalan ay taong 1521 sa mactan cebu."
" Ang layo naman yata nun lola at nandito tayo sa Bicol. Paanong nagkaganun."
" Hindi lang naman sa mactan merong mga datu, reyna o maharlikang pamilya. Maging dito sa Kabikulan ay mayroon na din. Lalo na sa mga lugar na baybaying dagat kung saan madalas naninirahan ang mga tao sa dahilang mga galleon o bangka ang ginagamit ng mga tao sa pakikipagkalakal sa ibat ibang isla."
" Kung ganun po ba lola, tayo ay may lahing maharlikang pamilya? Astig ah! Parang sa mga movies lang hahaha!"
" Nagkakamali ka apo hahaha! Wala sa lahi natin ang maharlikang pamilya."
" Kung ganun ano po bang ninuno natin? Timawa, mga aliping sanggigilid o namamahay?"
" Ni isa ay wala apo. Katulad ng sinabi ko apo. Babaylan ang nasa tala ng ating kasaysayan. Isa siyang babaylan na nakapagasawa ng isang mandirigmang kawal ng pamilyang pinaglilingkuran niya. May nabasa ako na libro na nandiyan diko na lang matandaan sa dami. Na nagkaanak sila ng 9 at may isa siyang anak na babae na nagmana ng kanyang kakayahan. Yung anak niyang babaeng iyon ay nagkaanak din ng 8, at isa sa mga sumunod pang henerasyon ay nagkaanak na din ngunit isa lang ang babae at ito ay nakapagasawa ng isang Español na mga dumating din dito sa kabikulan, sila ang nagmana at nagtala ng mga pangyayari sa bawat henerasyon. Labag sa batas ng mga babaylan noon at mga maharlikang pamilya na magasawa ang isang katutubong babaylan na magasawa ng dayuhan. Kaya lumikas ang dalawa at namuhay sa malayong lugar sa mga gubat, malayo sa mga dalampasigan sa dahilang doon naninirahan ang mga datu. Banwa ang tawag sa mga pamayanang iyon."
" So gusto mong sabihin lola, May dugo tayong Spanish?"
" Sa tingin ko 1% na lang apo hahaha. Ang lolo ko ay may lahing pranses kaya ganito ang itsura ko at ng papa mo at mga tita at tito mo. Tignan mong itsura mo, di ba tila may halo. Hindi ka purong pilipino remus. Para sabihin ko sayo ako nagbigay sayo ng pangalang remus na pangalan ng lolo ko. Yung lola ko yun ang purong Pilipina. Napakaganda noon apo tila may halo din pero Pilipina siya."
Si camille naman ay nanatiling nakikinig sa usapan ng maglola. Masusi niyang tinitignan ang maglola at di nga maikakailang may halo ang dugo ng mga ito. Si Remus ay masasabing mama na sa batang itsura nito. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Makapal ang kulay black brown na alon along buhok na bumagay sa tila brown na matingkad na mga mata at mahahabang pilikmata. Masasabing isa itong guwapong binata at mapagkamalang artista. Ang lola naman nito ay kasingtangkad niya at hindi mo kakikitaan ng katandaan. Maayos manamit at maganda ang mukha na binagayan ng maitim nitong buhok na may konting kulay ginto sa ilang hibla.
" Ilang taon na po kayo lola?"
" Sisenta na ako apo."
" Hindi ko po akalain na 60 na kayo. Bata pa po kayong tignan lola."
" Salamat iha. Ang pagiging positibo sa buhay at ilang bagay ay nakakabata. Ikaw iha ilang taon kana?"
" 16 na po ako ngayong araw na ito."
Napayuko si camille sa pagsagot sa matanda.
" Huwag ka ng malungkot iha. Naiintindihan ko. Halos matanda lang pala sayo ng isang taon itong si remus, o kay rem na lang, disisiete na iyan iha."
" Ahem tama ang lola rem na lang. At bagay tayo!"
" Ano yun!"
" Ah eh wala camille hehehe sabi ko huwag kang masyadong magisip ng kung ano ano."
" Hindi ko maiwasang malungkot at magisip rem. Wala na si mama at kahit kailan hindi na yata ako makakabalik sa amin. Itinakwil na ako ni papa. At yung kakambal ko naman ay tila kakaiba siya. Matinding galit ang ipinapakita niya sa akin noon pa man. Pero nitong nagdaang mga araw ay tila tumindi. Para hindi siya tao at kakaiba."
" Sa tingin ko iha....meron ngang kakaiba sa inyo ng kapatid mo. May tila naaamoy ako sa pagkatao mo na kakaiba sa totoo lang. Nakita ko pala ang tila balat sa may balikat mo. Isa itong tila simbulo na hindi ko na matandaan kung saan ko nakita. Pero pamilyar yan sa akin."
" Noon po malabo pa ito. Pero ng makit ko minsan ng manalamin ako ng nakatalikod ay nakita ko po na malinaw na. Maging ako po at diko alam ang ibig sabihin nito."
" Hayaan mo iha, pag may time ako magre research ako dito."
" Puwede ko bang masilip ang balat mo camille?"
Nabigla si camille na napayuko na tila nahihiya.
" Baka gusto mo tuluyang magdikit na ang mga talukap ng mga mata mo apo?!"
" Lola naman, titignan ko lang naman kung ok."
" Hindi maari! Mabuti pa matulog kana. At itong tandaan mo remus, hindi ko pa nasabi sayo lahat ang tungkol sa angkan natin. Maghanda ka dahil isang araw sasabihin ko na saiyo."
" Siguraduhin mong exciting yan lola hahaha!"
" Awww sure apo! Ecxiting ito para saiyo na siguradong ikatutuwa mo!"
" Lola, lahat po bang libro dito nabasa niyo na?"
" Hindi pa naman iha. Halika may isang cabinet dito na may mga librong pinagkakatuwaan kong basahin."
Sumunod si remus at camille.
" Huwattt! Lola mga love story at nicholas sparks ang librong ito ah. Hahaha lumalablayf ka la ah."
" Bakit remus kayo lang bang kabataan puwedeng magbasa ng ganyan?! Excuse me apo! Baka pag kinunwentuhan kita ng lovestory namin ng lolo mo,maiyak ka hahaha!"
" Nakssss lola ha lumalablayf hahaha!"
Kahit nalulungkot si camille ay napapangiti siya sa nakikitang malapit sa isat isa ang maglola. Napangiti pa siyang lalo ng batukan ito ng ilang beses si remus ng lola niya.
" Iha dapat siguro magpahinga kana. Medyo lumalalim na ang gabi. At bukas mga hapon maghanda ka pupuntahan natin ang bahay ninyo. Maguutos ako ng tauhan ko bukas ng maaga para alamin ang mga kaganapan sa pagkamatay ng mama mo at kung sa bahay nga ang burol pupuntahan natin. Gusto kong magpakatatag ka iha. Huwag kang magpakitang naapi. Wala kang kasalanan. At bukas ko makukumpirma ang lahat kapag nakita ko ang kakambal mo....
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasíaMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.