Kabanata Tatlumput Anim

1.2K 47 0
                                    

" Ipinapaalam sa lahat ng mamamayan na ang pagkawala ng ilang mga bata ay nanatili pa ring misteryo. Wala man lang makapagsabi kung paano sila nawala, dahil maging ang kanilang mga magulang ay walang masabi kung sino ang may gawa nito. Ang ating pinunong si Datu Rawan ay nababahala dahil ito ang kauna unahang pagkakataon ng mga bata ang nawawala."

Pinatigil ni Datu Rawan sa pagsasalita ang kanyang "Atubang" at siyay humarap sa mga mamamayang nasasakupan niya.

" Gusto kung ipaalam sa inyong lahat na gagawin ko ang nararapat para mahanap ang mga batang nawawala. Lahat ng aking mga mandirigma ay sinisiyasat ang lahat ng sulok ng baranggay at maging sa mga kagubatan para mahanap ang mga nawawalang bata. Mahalaga sa akin ang kaligtasan ng lahat na aking nasasakupan. Kaya kung maari ay magbigay din kayo ng kooperasyon."

Bigla naman nagsalita ang isang lalaking matanda. Malapit lang
ito sa kinatatayuan ni camille at remus na nakatakip ng manipis na tela ang kanilang mukha katulad ng ibang tao bilang pananggalang sa init ng araw sa tanghaling tapat.

" Pinuno! Usap usapan ng mga tao na ang mga nawawalang mga bata ay ginagawang alay ng mga babaylang sumasamba sa anitong itim. Maraming nagsasabi na sa mga kagubatan ang mga ginagawa nilang ritwal na pag aalay. Kung dati ay hayop ang alay ngayon ay tao na."

" Paano mo nasasabi iyan matanda?"

" Alam ko pong alam ninyo na mayroong mga babaylang masasama na ang ginagawa ay pananakit ng tao. At may mga babaylang para sa ikakabuti ng tao at mamamayan ang ginagawa. Maging kayo po ay may mga mapagkakatiwalaang babaylan. Ang inyo pong "Dayang" (asawa) ay galing din sa angkan ng mga babaylan, kaya ang inyong mga anak ay kabilang sa mga ito, datapuwat sila ay dugong maharlika. Ngunit hindi nyo po batid kung sino sa inyong mga mapagkakatiwalaang babaylan ang may gawaing hindi kabutihan ang dulot sa tao."

" Ibig mo bang sabihin ay may traydor sa aking pamilya o sa aking mga pinagkakatiwalaan?!"

" Sa aking palagay datu rawan ay meron. Nagkukubli ang taong ito sa kanyang anyong tila kabutihan ang hatid ngunit pagsamba sa itim na anito ang gawain. May mga sabi sabing may mga tagasunod na ito at maaring sila ang may gawa sa pagkawala ng mga bata."

" Sino bang tinutukoy mo matanda? Isa ka bang babaylan?!"

" Hindi Datu Rawan. Sabihin na lang natin na nababasa ko ang kalooban ng isang tao sa pagtingin lang. Mabuti po kayong pinuno ngunit may salungat sa inyong prinsipyo at paniniwala ang siyang may hangaring kayo ay mawala o mapalitan sa inyong kinalalagyan. Sakim, ganid at pagkapoot ang namamayani sa pusot isipan ng taong ito. Kaya pinuno magingat po kayo. Huwag po kayong mabulag dahil sa harap ng inyong mga mata mismo siya gumagalaw. Binubulag niya ang inyong pananaw at ibang nasa panig ninyo."

" Maari mo bang sabihin kung sino ang iyong tinutukoy?"

Hindi pa man nakakapagsalita ang matanda ay isang sibat na ang tumama sa dibdib nito na agad nitong ikinamatay. Nagulat ang lahat ng tao at nagsigawan maging si camille at remus ay nagulat pero si camille ay nakakuyom ang mga palad na tinignan ang taong may kagagawan.

" Dawak! Anong ginawa mo?! Pumatay ka ng tao!"

" Huwag kang magpapaniwala sa hangal na matandang yan ama! Walang katotohanan ang mga pinagsasabi niya! Siya ang lumalason sa isip ninyo at ng mga tao sa kanyang mga sapantaha!"

Lumapit si Ma-aram kay Dawak at hinawakan ito sa braso.

" Nakikita mo ba ang sarili mo dawak at ang pinagsasabi mo?! Pumatay ka ng isang inosenteng tao! Tanging ang ating ama ang may karapatan mag gawad nito at magpatupad ng batas!"

" Isa itong paghahanda para kung ako na ang pinuno sa baranggay na ito ay madali na lang sa akin ang magpatupad nito!"

Nabigla ang lahat na nakarinig sa sinabi ni Dawak. Higit sa lahat ang kanyang ama at ina.

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon