Pasikat na ang araw na agad bumalikwas ang dalawa. Makikitang madaming tao na ang mga humahangos sa aplaya kung saan naroon ang gagawing pagpataw ng parusa kay dawak at sa mga tagasunod nito. Makikitang maraming balangay sa dalamapasigan at ilang mangangalakal na dayuhan may intsik, indon, malay at ibang mga katutubo na nakikipagkalakalan sa mga katutubong mamamayan ng barangay.
Ang iba naman ay nakikiusyuso sa mga puno ng niyog na nakatayo sa dalampasigan.
" Camille halika na doon ito na yata yung hinihintay natin!"
Ilang saglit lang ay makikitang dumarating si prinsesa ma-aram. Kasunod si nera at ilang babae. May mga mandirigma na hawak naman sa mga taling nakagapos sa mga bihag na papatawan ng kaparusahan, at nagunguna rito si dawak na walang pagbabago sa anyo na puno ng poot at paghihimagsik. Nagsisigawan ang mga tao ng makitang naglalakad ang grupo patungo sa aplaya. Ang mga dayong mangangalakal naman ay napatigil sa mga ginagawa at nagpuntahan napasunod sa agos ng mga taong naglalakad. Maraming mga bata naman ang nagkalat kung saan gaganapin ang pagparusa.
" Camille, parang nakakadiri yata na makita natin ang ganyang paraan ng parusa. Parang lilitsunin sila!"
" Wala tayong magagawa rem, ito ang paraan nila ng pagbibigay parusa sa panahong ito sa mga taong lubhang malaki ang kasalanan."
Agad na iginapos ang dalawang kamay ni dawak sa pinakataas na bahagi ng niyog kasunod ang ilang babaeng tagasunod niya na itinuring na ring mga mangkukulam ng mga tao sa pamayanang iyon. Ang ilang mandirigma namang tagasunod ni dawak ay mga nakatali rin. Nagsisigawan ang mga ito at tanging si dawak lang ang tahimik na tila may inuusal dahil sa buka ng mga bibig nito. May mga mamamayan naman na mga umiiyak na marahil ay mga mahal sa buhay ng mga papatawan ng parusa. Maya maya lang ay tumunog ulit ang tambuli at nagsalita.
" Ipinagbibigay alam sa lahat ng mga magulang ng mga batang narito na kung maaari ay ilayo ang inyong mga anak sa lugar na ito. Sa dahilang ang parusang igagawad sa mga nagkasala ay lubhang maselan sa mura nilang kaisipan. Ang mga ayaw naman ng ganitong tanawin ay maari ding umalis. Alam po natin na noon pa man ay may ganito nang paraan ang ating mga ninuno sa pagparusa sa mga taong nagkasala. Kaya ipinapasunod lang ng ating prinsesa ma-aram ang parusang ito na nagpasalin salin mula pa noon. Maging ang ating punong datu ay ipinapatupad ito. Ipinapaalam din sa lahat na ang bago nating pinuno sa baranggay na ito ay si Prinsesa Ma-aram. Anak siya ng datu na panganay kaya nararapat lang dahil taglay niya rin ang katangian ng isang mabuting pinuno."
Sa narinig ay nagsisigaw si dawak.
" HINDIIIII! AKO LANG! AKO LANG ANG PINUNO DITO! WALA KANG KARAPATAN MA-ARAM PAPATAYIN KITA LAHAT NG TAO MO, AT MAMAYAN DITO! PAKAWALAN NIYO AKOOOOO!"
Lumapit dito si prinsesa ma-aram.
" Hindi ko alam kung bakit ganyan ka kaganid sa kapangyarihan mahal kong kapatid! Hindi tayo pinalaki ng magulang natin para maging sakim at pumatay ng kapwa pero ano itong mga nagawa mo?!"
" KAHIT KAILAN MA-ARAM HINDI KITA ITINURING NA KAPATID! SAGABAL KA SA LAHAT NG AKING TAGUMPAY, SAGABAL KA SA AKING ANITONG ITIM KAYA KAHIT KAILAN HINDI KITA MAITUTURING NA KAPATID KAYO NI TALA LAHAT KAYO!"
" Nalason na ng anitong itim na iyong sinasamba ang iyong isipan dawak! Kaya nararapat lang saiyo ang kaparusahang ito para hindi ka pamarisan ng mga tao sampu ng iyong mga tagasunod!"
Tumalikod na si prinsesa ma-aram at nagbigay ng senyales na sisimulan na ang pagpaparusa sa mga nagkasala.
Si Remus at camille naman ay nagkatinginan. Lumayo si camille sa mga tao at pinaglaho niya ang sarili. Nakikita niya ang lahat at nakalapit sa harap na hindi nakikita ng tao. Si remus naman ay mas lumapit sa harap para masaksihan ang lahat na magaganap sa panahong iyon.
Agad na sinilaban ng mga kawal ang mga dayami, mga tuyong dahon, kahoy sa paanan ng mga susunugin. Unti unti itong nagliyab maririnig na nagsisigawan ang mga nakatali maging ang mga taong nanonood.
Tumalikod si prinsesa ma-aram bago pa tuluyang kumalat at lamunin ng apoy ang kanyang kapatid.
" AHHHH! TANDAAN MO MA-ARAM HINDI KITA PATATAHIMIKIN SA GINAWA MONG ITO SA AKIN! ALAM KONG ISA KANG MANLALAKBAY NG PANAHON NA PINILI NG IYONG DIYOS NA MANLALAKBAY! MAGDIWANG KA DAHIL NAKAMTAN MO ANG GANYANG KAPANGYARIHAN! NGUNIT SA PAGDATING NG IKASANDAANG MANLALAKBAY NG PANAHON NA PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA ANGKAN NINYO AY BABALIK AKO PARA PUKSAIN ITO! ISINUSUMPA KO SA NGALAN NG ANITONG ITIMMMMMM NA BABALIK AKO SA PAGDATING NG IKASANDAANG MANLALAKBAY NG PANAHON! ANITONG ITIM PAKINGGAN MO ANG AKING HILING KAPALIT NG AKING ISPIRITO AT NG MA TAONG ISASAILALIM KO NG AKING KAPANGYARIHAN AY TUPARIN ANG AKING HILING AHHHHH!"
Hindi alam ng mga tao na nakalapit na si camille sa unti unting nasusunog na katawan ni dawak at ng ibang naparusahan. Agad niyang naisabit sa leeg nito ang orasang kuwintas na nagliwanag pa pero hindi mapapansin dahil sa apoy. Nagsisigaw si dawak habang makikitang biglang nagdilim sa gitna ng laot at makikitang bumagsak ang malakas na ulan, kulog at matatalim na kidlat. Samantalang sa aplaya ay maliwanag at mataas na ang sikat ng araw.
Habang sumisigaw si dawak ay naglakad ng pabalik sa tahanan si prinsesa ma-aram at dawak. Ang mga mandirigma naman ay dinagdagan pa ang mga tuyong dahon mga sanga sa apoy para lalo itong magliyab. Unti unti nawawala ang sigaw at panaghoy ng mga sinunog na nabuwal na sa nasunog na punong pinagtalian sa kanila. Si dawak naman ay sunog na sunog na at tanging si camille at remus ang nakakita sa itim na usok na mabilis na lumabas sa bibig nito na agad hinigop ng orasang nakasabit sa leeg niya hanggang sa wala na itong buhay at makikitang nakadilat ang mata nito habang nilalamon ng apoy. Hindi nagtagal ay tila wala ng bakas ng mga taong sinunog kundi mga itim na na mga bagay. Si camille naman nasa paglahong estado pa rin at nilapitan ang natustang katawan ni dawak at kinalkal ang parteng leeg nito na sinabitan niya ng orasang kuwintas. Nang makita ay agad niyang dinampot ito. Makikitang ni hindi ito naapektuhan ng naglalagablab na apoy. Agad niya itong isinilid sa maliit na tila yari sa balat na sisidlan sa kanyang bewang at umalis sa lugar na iyon. Ilang saglit lang ay nakita na siya ni remus na papalapit.
" Nagawa mo ba?"
Tumango si camille at niyaya si remus na puntahan na ang tahanan ni prinsesa ma-aram para sa gagawing ritwal para sa paglilibing ng labi ng mga magulang nito.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.