Kabanata Labing Isa

1.3K 53 3
                                    

Camilles POV

Madilim ang paligid, kasing dilim ng nararamdaman kong pighati at pagdurusa. Ito ba ang pagsubok ko bilang itinakda?...

Bukas ang pintuan ng chapel ngunit ni isa ay wala kang makikitang tao. Patay ang mga ilaw na tanging kandila sa altar ang nagbibigay liwanag sa loob.

Umupo ako sa pinakadulo at pinakiramdaman ang aking sarili. Masakit ang aking kalamnan dulot ng ginawang pananakit ni oxana at ni papa. Ngunit walang kasing sakit ang nararamdamang pagdadalamhati ng aking puso.....si mama..... Maging sa huling sandali ng kanyang buhay ay ipinagtanggol niya ako na siyang ikinapahamak niya. Hindi ko lubos maiisip na ganun na lang ang ginawa ni oxana kay mama. Tila hindi siya tao sa kanyang ginawa at mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Galit at poot ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Lalo siyang nagiba at mas naging marahas sa akin. Ngunit ano ang nangyari kanina sa akin....pakiramdam ko may kakaiba sa ginawa ko kanina. Anong nangyari at buong lakas kong naitapon si oxana sa pintuan ng buong lakas sa pamamagitan ng isip lamang. Nakakamangha at nakakabahala ito na tila may ibang gumagamit ng aking katawan na hindi ko nalalaman. Ito ba sinasabi ni Nera at ang manlalakbay ng panahon sa akin kagabi. Ito ba ang pagsubok na dapat maganap at hindi mapipigilan?. Masakit na pagsubok ito sa aking buhay, ano pa bang pagdaraanan ko.

Si papa.......siya ang lubos na nakakaalam ng lihim ng aming pamilya. Ngunit pakiramdam ko hindi siya kakampi. Ako ang itinakda pero ako itong pinapahirapan niya. Nabubulagan ba siya o sadyang hindi ako ang itinakda para sa kanya.

Anong mangyayari sa amin sa pamilya ko sa trahedyang. Alam kong lahat magtataka sa biglang pagkawala ni mama. At ako...anong iisipin nila sa akin. Masama....masamang tao...marahil iyon ang iisipin nila sakin sa mga pangyayari.

Anong buhay ba ang naghihintay sa akin sa mga darating na araw sa baryong ito. Panginoon ko tulungan niyo naman po ako. Alam ko pong kayo lang po ang nakakaintindi ng aking pinagdaraanan ngayon. Kung ito man po ay kaloob ninyo sa akin ay tatanggapin ko dahil alam ko po na kayo ang lubos na nakakaalam kung ano ang totoo.
Bigyan nyo po ako ng lakas at tamang pagiisip sa mga bagay na pagdaraanan ko. Huwag nyo pong pabayaang mapahamak si papa sa kamay ni oxana. Patnubayan mo po siya sampu ng aking mga mahal sa buhay.

" Camille?"

" Nera....bakit ganun.....alam kong nandun ka lang nang maganap ang lahat. Ngunit wala kang ginawa. Ngayon katabi kita ngunit wala ka pa ring masabi."

" Camille....iyon ay nakatakdang mangyari na hindi ko dapat hadlangan. Kagustuhan ng dakilang manlilikha ang lahat na nangyayari sa buhay ng tao. Oo nga andun si Oxana na naging sanhi ng kamatayan ng mama mo, pero nakatadhana na talaga na hanggang doon na lang ang buhay niya. Tuluyan nang nakuha ni Dawak ang katawan at pagiisip ng kapatid mo camille. Sa nagdaang taon ay hindi pa naman nito lubos maunawaan ang kanyang sarili sapagkat minsan ang katauhan ng kapatid mo ang umiiral sa katawan niya. Ngunit agad itong napapalitan sa dahilang malakas si Dawak at palakas pa ng palakas. At ngayong kaarawan nyo nga ay tuluyan ng namayani sa katawan ng kapatid mo si Dawak. Ang ispirito ng kapatid mo ay ikinulong mismo ni dawak sa mga mata nito. Kung titignan mong mabuti ang mata ni Dawak makikita mo doon si oxana na tila ikinadena sa walang hanggang dilim."

" Alam kong kakaiba na si oxana. Di ko lang lubos maintindihan kung bakit. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Si Dawak ang kumukontrol at gumagamit ng katawan niya."

" Tama Camille! Pareho kayong may ibang katauhan sa inyong katawan."

" Anong ibig mong sabihin?"

" Kung iyong matatandaan kanina ay tila nawala ka sa sarili mo at nagawa mong kalabanin si Oxana sa pamamagitan ng isip lamang na hindi mo namalayang nagawa mo, ay sa dahilang si Ma-aram ang may gawa niyon."

" Ngunit paanong nangyari iyon? Sinabi niyo lang si ma-aram at ako ay iisa. Sa aking pagkakaintindi ay reincarnation ang naganap sa amin. Na aking pinapaniwalaan din naman ang bagay na iyon. Pero yung makagawa ng kakaibang kakayahang iyon ay nakakagulat."

" Camille, katulad ng sinabi ng manlalakbay ng panahon. Ang sumpa ng nakaraan ay muling magbabalik. Sa darating na mga araw ay lubos mong maiintindihan ang lahat. Alam niya na magaganap ito. Kaya inihahanda niya ang iyong kalooban. Alam niya ang pagdadalamhat mo ngayon."

Sa tinuran ni nera ay muling napahikbi si Camille ng maalala ang kanyang mama ay papa. Saan na siya pupunta ngayon. Paano siya mabubuhay....lalayo ba siya sa lugar na ito?.

" Nera ano ang gagawin ko?"

" Alam kong hindi ka makakabalik sa inyong bahay. Maging sa mga kaibigan mo ay nakita kong nagiba ang tingin nila saiyo dahil sa pangyayari. Nakarating na sa lahat ang nangyari dahil nandoon sa pagtitipon para sa inyong kaarawan ang lahat na malapit sa inyong pamilya at mga kaibigan mo."

Wala ng nagawa si camille kundi ang umiyak. Pakiramdam niya ngayon ay tuluyan na siyang mag isa sa mundo at walang kakampi.

" Magpakatatag ka camille...hindi lang iyan ang pagdaraanan mo."

" Nera.....bakit ako.....bakit hindi na lang iba...."

" Sa ngayon ay iyan ang nasasabi mo camille. Darating ang araw sasabihin mo rin na " Ako ang Itinakda."

" Saan na ako pupunta ngayon nera? Wala akong damit ni pera ay wala akong dala."

" Hindi ko masasagot iyan camille. Kung ano ang nasa puso at isipan mo....ay siyang iyong gawin dahil iyon ang nararapat para sa iyong kabutihan. Huwag kang mag alala, hindi ka mag iisa sa paglalakbay mo. Nandito ako kasama mo.

Sa paglabas ni camille ng chapel,madilim, tahimik at tila nakikiramay sa kanya ang panahon. Unti unting pumapatak ang ulan at ang hangin ay nagdadala sa kanya ng lamig. Unti unti siyang naglakad na di alintana ang ulan. Saglit siyang huminto kung saan nga ba siyang direksyon magpapatuloy ng kanyang paglalakbay. Sa direksyon ng bayan o bahay nila, o sa direksyong palayo sa barrio nila. Nilalamig, masakit ang katawan at gutom iyon ang nararamdaman niya. Ngunit saan at sino ang tutulong sa kanya. Mas makakabuting lumayo muna siya sa lahat para makapagisip kung ano ang nararapat na gagawin.

Sa paglalakad ni Camille ay hindi niya namalayan na napapalayo na siya sa kanilang baryo. Kakaunti na lang ang bahay na nakikita niya at hindi na kalsada ng baryo ang nilalakaran niya. Hangga sa napahinto siya sa isang kubol sa gilid ng kalsada.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon