Kabanata Labing Pito

1.1K 56 1
                                    

Tanghalian ay kasama na ni Camille at Rem si Lola Rosario. Agad niyang kinumusta ang lagay ng dalaga.

" Ok naman po ako."

" Mabuti naman iha dahil mamayang hapon siguradong pupunta tayo doon. Dumaan ako sa lugar ninyo kasama ko kapatid ko pero di kami bumaba ng sasakyan."

Bahagyang nabigla si camille sa sinabi ng matanda.

" Sa bahay po ba nakaburol si mama?"

" Doon nga camille, maraming tao kanina at may mga sasakyan sa harap ng bakuran ninyo. Gusto kong maging kalmado ka sa pagpunta natin. Huwag mong ipakita sa kapatid mo na talo ka sa kanya. Huwag mong ipamukha sa ama mo na ikaw ang may kasalanan. Gusto kong maging mahinahon ka sa pakikipagusap sa pamilya mo. Alam kong inosente ka kaya hindi ka dapat nahihirapan."

" Salamat po lola. Nangangamba lamang po ako sa mga sasabihin ng mga tao pag nakita nila ako doon. Baka nga po ipagtabuyan ako ng pamilya ko sa nangyari."

" Kung gagawin nila iyon, nandito kami ni rem. Ituring mo kaming pamilya mo na rin."

" Tama si lola camille. Huwag kang mag alala lalabas din ang totoo sa nangyari."

" Salamat rem."

" Alam mo camille, nung nakita ko ang bahay ninyo may kakaiba akong pakiramdam. Kung dati na nakikita ko at nadadaanan iyon ay tila positibong enerhiya ang nararamdaman ko doon
Ngayon tila kakaiba. Madilim at nababalutan ng negatibong enerhiya na hindi makikita ng pangkaraniwang tao."

" Ako din po noong bata pa ako ay may kakaiba na din po akong pakiramdam doon pero hindi ko po matukoy kung ano. Alam kong hindi malapit sakin si papa at kay oxana siya malapit ay hindi ako nagtatampo sa dahilang alam ko po bunso siya sa amin. Ako naman po sa mama ko malapit. Noon pa man pong bata kami ay madalas nang mainitin ang ulo ni oxana. Palaaway po siya kaya wala siyang kaibigan. May mga panahon din pong naaalala ko na naglalaro naman kami. Kasi di naman po palaging mainitin siya sa akin. Pero madalas nagagalit siya sa akin sa mga hindi ko maintindihang dahilan. Si papa naman sa pagkakataong iyon ay ang kakambal ko ang palaging kinakampihan."

" Sa tingin ko iha ang kapatid mo ay may hindi normal na ipinapakita sa iyo, na hindi naman makita ng mga magulang mo."

" Paano nyo po nalaman?"

" Nararamdaman ko iha, katulad sayo may hindi din ako normal na nararamdaman pero hindi ito banta sa kabutihan. Mabuti ang pagkatao mo kaya lumalabas sa  aura mo."

" Maari po bang ako lang papasok sa loob mamaya? Ayoko po kasi na madamay pa kayo sa kung anumang hindi magandang gawin sa akin ng kapatid at papa ko lola rosario?"

" Hindi maaari iha, katulad ng sinabi ko sayo pamilya mo na kami."

" Tama si lola camille, pamilya mo na kami, at sasamahan ka namin sa bahay ninyo." At ako ang magiging asawa mo. ( pabulong na sabi ni remus na narinig ng lola niya.)

" Tama si rem iha....pero hanggang sa sasakyan ka lang rem, hindi ka maaring pumasok sa loob, magbantay ka ng sasakyan!"

"Lola naman! Driver na nga ako mamaya tapos bantay pa! Nyemas naman!"

" Gusto mong gawin kong nyemas ang buhay mo apo?! Sige bukas mismo ipapasundo na kita sa papa mo! Ang dami nitong reklamo huh!"

" Hehehe lola joke lang ok lang naman maski araw araw akong driver nyo ni camille at bantay. Kasiyahan ko pong paglingkuran kayo mahal na reyna at mahal na prinsesa."

Tumayo si remus at lumuhod pa na tila nagbibigay pugay sa dalawa. Agad namang piningot ng lola nito ang tenga at hinila patayo.

" Ang dami mong alam apo!"

" Aray! Aray! Lola masakit ahhh!"

" Kumain ka lang diyan ang dami mong arte!"

Ngingiti ngiting bumalik si remus sa hapag at patingin tingin pa kay camille na nakikita ng lola nito. Palihim namang nangingiti ang lola nito sa nakikitang reaksyon ng apo sa bawat pagtingin sa dalaga.

" Lola huwag po tayong magdala ng bulaklak mamaya."

" Bakit iha?"

" Hindi ko po kaya, iniisip ko pa lang na nasa loob ng kabaong si mama ay hindi ko na matanggap. Ayoko pong isipin ng mga tao doon na ganun sakin kadali na tanggapin ang lahat. Huwag po kayong magalala. Lalakasan ko po ang loob ko sa pagharap sa kanilang lahat."

Kinahapunan ay bumaba nga ng baryo sila, gamit ang sasakyan ni lola rosario na si remus ang nagmamaneho.

Wala pang tatlumpong minuto ay nasa harap na sila ng bakuran ng bahay nina camille. May ilang mga sasakyan na nakaparada sa labas. Nang makita ni camille ang isang banner na na nakasabi na mukha ng mama niya ang nakalagay pati kapanganakan at araw ng kamatayan ay hindi niya mapigilang mapaluha. Agad siyang pinakalma ni lola rosario at rem. Sa labas ng sasakyan ay hindi makikita ang nasa loob sa dahilang tinted ito. Nanatili pa ng sampung minuto si camille sa loob at ng maayos na ang sarili ay nagpasya na itong lumabas ng sasakyan.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

"

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon