Kabanata Dalawamput Siyam

1.2K 52 0
                                    

" OXANA!?"

Agad pinahinto ni owen ang kotse sa gilid ng daan at agad bumaba. Nilapitan ang anak na tila nagulat sa pagkakita sa kanya.

" Oxana anong ginagawa mo rito sa kalsada! Magmamadaling araw na, tumakas ka ba sa bahay!"

" Ano bang pakialam mo sa akin hangal kang lalaki wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses!"

" Baka nakakalimutan mong ako ang ama mo?!"

Agad lumapit si ram at binulungan si owen.

" Si dawak iyan owen hindi iyan ang anak mo."

Sandaling napatigil si owen

" Oo nga pala.....alam ko na kung sino ka dawak at kung ano ang mga plano mo sa amin kaya kung ako sayo, lisanin mo ang katawan ng anak ko!"

" Anong akala mo sa akin hangal na nilalang, uto uto! Hindi ako katulad ng anak mong si camille, mahina siya haahaha mahina ang itinakda hahaha!"

" Namatay ka na noon, puwes ilalagay kita sa dapat mong paglagyan sa impiyerno dawak!"

Hinawakan ni owen sa mga braso si dawak pero agad itong nakawala at isinalya kay ram na ikinatumba nilang dalawa. Naglabas ng punyal si dawak at itinutok sa dalawa na nakatayo agad. Iwinasiwas nito ang punyal na tila bihasa sa pakikipaglaban ngunit isang sipa sa kanyang mga kamay ang biglang dumapo at tumalsik ang kanyang punyal.

" MA-ARAM!!"

" Ako nga dawak! Kumusta aking kapatid! Nagulat ka ba?!"

" Anak, camille, paano ka nakarating agad dito?! lumayo ka sa kanya, mapanganib siya!

" Huwag kayong mabahala! Ako ito si ma-aram! Baka nakakalimutan nyo isa akong manlalakbay ng panahon!Pansamantala ay ginamit ko ang katawan ni Camille!"

" HAHAHAHAHA! ANG MGA ANGKAN NG MANLALAKBAY NG PANAHON! KUNG AKALA NYO MAIISAHAN NYO AKO PUWES NAGKAKAMALI KAYO!"

Agad nagpagulong gulong si dawak para makuha ang kanyang punyal. Nang kanyang makuha ito ay itinuon niya ito sa dibdib ni owen para itarak na agad niyang nalapitan sa likod. Ngunit biglang tinamaan ang kanyang kamay ng tungkod na hawak ni ma-aram at kusang bumalik ang tungkod sa kamay nito. Agad na nakabawi si Dawak at sumugod kay ma-aram. Makikitang tila mga sinaunang mga mandirigmang babae ang dalawa na bihasa sa pakikipaglaban gamit ang mga kamay. Kakaiba ang liksi ng mga kamay at lakas ng katawan. Manghang mangha si owen at ram na tila nanood ng fighting scene sa isang pelikula. Sa kinalaunan ay lakas pa rin ni ma-aram ang namayani.

Biglang nagsalita si Dawak na umiiyak habang hawak siya sa leeg ni ma-aram.

" Ate akkkkkhh, tulungan mo ako, hirap na hirap na ako, pagod na pagod na ako."

Nabigla si Camille sa narinig na agad nabitiwan si dawak sa leeg. Itinayo niya ito. Agad silang tinulungan ni owen at ram.

" Papa tulungan mo ako, hindi ko alam ang mga nangyayaring ito sa akin."

Nang naglalakad na sila para sumakay ng kotse ay biglang sinaksak ni dawak si ma-aram na agad nakaiwas para sa braso ito tamaan. Agad na tumakbo ito patawid ng kalsada na hindi namamalayan ang paparating na isang mabilis na sasakyan sa madilim na kalsada. Agad itong nakita ni owen at tinakbo ang anak na si oxana na sa ilalim ng kapangyarihan ni dawak. Ngunit huli na ang lahat sabay silang nabundol ng sasakyan at tumalsik ang dalawa sa gitna ng kalsada.

Nabigla si ram at camille sa nasaksihan.

" OWENNNNNNNN!!!!!"

" PAPA!!!!!"

THE GLASSHOUR 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon