Pangalawang araw ng burol ni Oxana ay nagpasya munang pumunta sa kanyang ama sa hospital si camille. Tinawagan niya si remus na agad namang sumang ayon. Agad silang sinalubong ng Ninong Renan at Ninang Panyang niya na nagbantay naman magdamag sa kanyang ama. Kasama niyang dumating din ang anak nito na kasama ang pinsan ni Remus na si Harvey.
" Oy insan, bakit andito ka?"
" Sinamahan ko si camille."
" Camille nakikiramay ako mamaya pupunta ako kasama iba nating kaklase. Sumama na rin ako kay Nika para dumalaw din sa papa mo."
" Salamat harvey."
Ikinapit naman agad ni Nika ang kanyang kamay sa braso ni camille at sabay na nagtungo sa silid ng kanyang ama. Nagulat siya sa nakita dahil gising na ang kanyang ama at nakangiti ito sa kanya.
Patakbo siyang lumapit dito at niyakap ito.
" Ah eh mam, hindi pa po puwedeng masydong yakapin ang pasyente, hindi pa po lubusang magaling ang pinsalang natamo ng kanyang katawan."
Agad bumitaw si camille sa ama. Papa masaya ako na nagising na kayo. Hindi ko kakayanin na pati kayo mawawala. Papa.....wala na po si oxana."
Bahagyang tumango ang kanyang ama na may pumatak na luha sa mga nito na agad pinahid ni camille.
" Alam ko anak.....masakit ang lahat ng ito na nagyari sa pamilya natin pero kailangan nating tanggapin. Makakaya natin ito anak, kakayanin natin."
" Nagtagumpay po ako sa misyon ko papa."
Agad namang nakatunog si remus sa paguusap ng mag ama.
" Mabuti po siguro ay hayaan muna nating magusap ang mag ama."
Lumabas naman saglit ang mga kasama nila at isinalaysay lahat ni camille sa ama ang mga naganap sa kanya. Hindi na nagulat si rowen sa sinabi sa anak bagkus ay humanga siya dito. Hindi niya talaga akalain na ang kanyang panganay ay ang itinakdang manlalakbay ng panahon. Bagaman nalulungkot siya sa nangyari sa kanyang asawa at bunsong anak ay hindi niya kinukuwestiyon ang diyos sa mga nangyari. Nagpapasalamat pa rin siya dahil buhay siya at binigyan siya ng pagkakataong mabuhay muli para maitama ang mga pagkakamali niya lalo na sa kanyang itinakdang anak.
" Papa, kelan po kayo nagising?"
Pumasok naman na si Renan, panyang, ram, vera, ang kanyang tita at tito pati ang kanyang lolo at lola na masaya na makitang gising na si rowen.
" Camille, huwag mo na munang masyadong kulitin ang papa mo. Hayaan mo kami na lang ng ninong renan mo ang mag kuwento sayo."
" Salamat po ninang."
" Kaninang madaling araw siya nagising at hinahanap ang mama mo, pero tumigil din sa paghahanap at naiyak ng mapagtanto niya na wala na nga pala si carmella. Ayaw pa sana namin sabihin sa kanya ang nangyari sa kakambal mo pero mapilit siya."
Tumingin si camille sa papa niya at matipid na ngiti lang ang itinugon nito.
Sa kabila ng pagdadalamhati ng lahat ay nagdiriwang pa rin sila sa muling pag gising ni owen. Agad na nagpasya ang doktor na puwede nang ilipat sa pribadong silid si rowen dahil sa tila mabilis nitong recovery. Nang mailipat sa isang silid si rowen ay nagpasya na ang lahat na bumalik sa burol ni oxana. Naiwan si Vincent at asawa nito na dumating at sila na ang nagbantay kay rowen.
Lumipas ang mga araw ay tila napakabilis ng pag galing ni rowen hanggang isang araw bago ang libing ni oxana ay pinayagan na siyang umuwi pero nakaupo lang muna sa wheelchair.
Sa paglapit ni rowen sa kabaong ng anak ay naguunahan na ang pagpatak ng kanyang mga luha. Maging si camille ay hindi maiwasang pumatak ang mga luha sa nakikitang pagdadalamhati ng ama. Nang makarating sa harap ng kabaong ay pilit na tumatayo si rowen na tinulungan ni ram at vincent. Lumapit sa kanyang tabi ang kanyang anak na si camille.
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 2
FantasyMaraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa nakaraan ay itinakda na para sa iyo.