Sorry sa Last Update ko.I know nabitin kayo and maikli lang yun.Naging busy kasi ako last saturday and sunday. T.T
Sana mag enjoy kayo sa update na to.Lovelot's :*
------
ZEL'S POV
"Please stay with me.Hinding hindi ko kayang mawala ka sakin muli.Pinapangako ko na aalagaan kitang mabuti.Pinapangako kong hinding hindi ka na masasaktan ulit.Ibabalik natin yung dati.Yung dating tayo na masaya at walang iniisip na iba kung hindi tayo lang dalawa.Mag sasama tayo habang buhay.Bubuo tayo ng pamilya.Isang masaya at simpleng pamilya na pinapangarap mo.Di ba sabi mo gusto mo ng limang anak.Kahit na ang gusto ko labing dalawa? Payag na ako.Basta wag mo lang akong iwan.Saka di ba ipapatayo pa natin yung dream house mo? Isusuot mo parin yung wedding gown na ikaw mismo ang nag design.Di ba excited na excited ka ng isuot yun?Fuck!Nangako ka sakin na hinding hinding mo ako iiwan pero bakit ganito? Nasan na yung pangako mo? Where's your fucking promises!Oo nga pala may deal tayo dati diba?Kapag natalo sa pustahan may ipapagawa yung nanalo kahit ano at hindi pwedeng humindi.Ako yung nanalo noon kaya inuutusan kitang huwag akong iwan.Hindi mo pa nga natatalo yung score ko sa floppy bird tapos iiwan mo ako?Hindi ikaw yung tipo ng tao na mabilis sumuko diba? Pero bakit ganito?Don't leave me.Mahal na mahal kita.Ikaw ang buhay ko.Hindi ko kayang mawala ka sa akin..Please lang wag mong isuko lahat ng pangarap natin.Don't leave me....."
Binalik ko ang tingin ko sa kanya.Nakaluhod sya harapan ko.Hawak-hawak nya ang mga kamay ko habang nakayuko sya.May naramdam akong mainit na pumatak sa mga kamay ko.Hindi ko alam ang gagawin ko.Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Umupo ako para maging mag kasing pantay kami.Hindi ko makita yung mukha nya nakayuko sya at hawak hawak nya ang mga kamay ko at nakalagay iyon sa labi nya.
Hinalikan ko sya sa ulo.Dahan-dahan nyang iniaangat ang mukha nya.Konti na lang makikita ko na ang mukha nya ng biglang may narinig akong sumigaw.Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala naman akong nakitang ibang tao kundi kami lang dalawa.
Pumikit ako at nag pakawala ng isang malalamin na hinga.Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
"Mama?"
Muli kong pinikit ang mga mata ko at dahan dahang minulat.Pero imbis na yung lalaki kanina yung makita ko ay si Mama na nakataas ang isang kilay at may hawak isang tabong tubig.So panaginip na naman pala.Pero bakit parang totoong totoo sya?Hayysss.
"Ma bakit may hawak ka nyan?" Takang tanong ko habang nakaturo sa hawak nyang tabo na may lamang tubig.
"Paliliguan na sana kita kung hindi ka lang nagising.Aba Anzel tanghali na!Anong oras na o!Ang sarap sarap pa ng tulog mo dyan!"
Tinakpan ko yung tenga ko gamit ang dalawa kong kamay.Hindi naman kailangang sumigaw diba?Yung boses ni Mama abot hanggang Maria Makiling eh.
Saka ano daw?Paliliguan nya daw ako?
"Ma! Bakit mo naman ako dito paliliguan sa kwarto ko eh di nabasa naman yung kama ko saka Ma duhhhhh may cr kaya tayo.Dun ang tamang liguan.Don't tell me Ma nagka amnesia ka?"
Waaahhhh hindi kaya naaksidente si Mama kanina.Tapos nauntog yung ulo nya.Tapos hindi na nya kami maalala.
Pero imposibleng hindi nya kami naaalala kasi binanggit pa nya kanina yung pangalan ko.Baka naman matanda na talaga si Mama kaya hindi nya malala kung saan talaga ang tamang lugar para maligo.Maituro nga sa kanya Hehehe.Saka kung paliliguan nya talaga ako dapat may dala syang sabon diba?Hays.Matanda na talaga si Mudra.Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTH
RomanceIsang ordinaryong babae.Na galing sa isang masaya at simpleng pamilya. At Isang Prinsipe na galing sa SUPER DUPER yaman na pamilya But wait.. Wat if hindi lang SUPER DUPER na mayaman ang family ni prince..?? Kundi isa ding pamilya na..... MAFIA...