CHAPTER 39

2.4K 100 25
                                    

ZION in the multimedia...

ZEL'S POV

Nilingon ko si Xander na nakaub-ob sa desk nya.Nilingon ko din yung apat na pogi.Katulad ni Xander ay mga nakaub-ob din sila.Mga tulog yata sila.

*pout*

Pansin ko nitong mga nakaraang buwan ay lagi silang puyat at lagi din silang may pinag kakaabalahan.Ayoko ko silang tanungin dahil nag iingat ako na magalit sila sa akin.

Lagi kaming masaya nitong mga nakaraang buwan kaya ayokong sirain iyon.

Tumayo ako at lumapit kina Gemma Hanna Rommel at Uwa.Hinila ko yung monobloc na upuan ni Ma'am Tina at naupo sa tapat nila.

"Wala ba kayong pinaplanong events para sa school Crystal?" Tanong sa akin ni Hanna.

Umiling ako. "Wala."

Sabay-sabay kaming bumuntong hininga.Dati ay lagi kaming may plano pero ngayon ay wala maski isa.

"Akala ko ito ang pinakamasayang taon natin ngayon sa highschool pero hindi pala." Isinandal ko ang likod ko sa upuan at tumingin sa kisame.

"Tama ka Crystal.Hindi na nga natuloy yung Intramurals tapos ayaw din kaming palabasin ng mga magulang namin.Hays." Nangalumbaba sila sa armchair.

Hindi natuloy yung Intramurals namin dahil sa mga nakakagimbal na pangyayari.Pinasabog kasi yung pinakamalaking supermarket dito sa lugar namin.At hindi pa alam kung sino ang salarin.Kaya delikado daw kung itutuloy yung Intramurals.Kaya napag pasyahan nila na huwag nang ituloy para sa kaligtasan namin.

"Actually hindi naman natin masisisi ang mga magulang natin kung sobrang higpit sila sa atin dahil sunod-sunod ang mga pinapatay dito sa lugar natin." Niyakap ni Rommel ang sarili nya.

Marami din ang pinapatay dito sa lugar namin.Kaya nakakatakot na talagang lumabas ng bahay lalo na at mag isa ka. Mabuti na lang at lagi kong kasama yung limang pogi.

"May point ka.Nakakatakot na nga dito sa lugar natin."

"Malapit na pala ang birthday mo Crystal." Napatingin ako Uwa.

"Oo nga.Mag pakain ka ulit ha! Hahaha."-Rommel

Ngumiti ako sa kanila at tumango.

Tinignan ko si Xander.Tulog parin sya. *pout*

"Birthday din ni Xander sa 29."

"Ay oo nga pala! Mag kabirthday kayo ng pinsan mo.Ang galing no? Hahaha."-Hanna.

January 21 na ngayon.Walong araw na lang ay birthday na namin ni Xander.

Wala sa sariling napangiti ako.Parang kahapon lang bigla syang pumasok sa bahay namin at nag pakilalang asawa ko.

Parang kahapon lang...

"Bhesty!" Napatingin kaming lahat kay bhesty ng bigla syang sumigaw ng ubod ng lakas. Napatakip din kami ng tenga.

"Omg! Omg! Omg! I have a good news for you!" Tumitili sya habang tumatalon.

"Ano?" Nakangiwi kong sabi.

"Si omygosh! Si kyahhh."

"Ano ba yan ang ingay!" Napatingin kaming lahat kay Bry ng bigla syang sumigaw. "Ikaw pala baby." Kinindatan nya si bhesty pero inirapan lang sya ni bhesty.

Tumingin ulit sa akin si bhesty at ngumiti ng todo. "Bhesty! Mag kakaroon ng concert si Gelo sa susunod na bayan next month! Kyahhhh."

MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon