CHAPTER 34

3K 66 25
                                    

Jake in the multimedia....

TOBY's POV

Sobrang antok na antok pa ako at gusto ko pang matulog pero lagot ako kay King kapag hindi ako pumasok.Alam ko na ganito rin yung nararamdamn nung tatlong feeling pogi.

Tinignan ko si King na kanina pa palinga-linga at hinahanap si Princess.Andito kami ngayon sa pila ng section namin dahil flag ceremony.

Matatapos na kasi yung flag ceremony pero wala parin si Princess samantalang maaga naman syang umalis ng bahay.

Natuwa kami ng sobra dahil sa bahay na namin titira si Princess.May taga luto na kami. Yehey! Hahaha.

Pero alam namin na si King ang pinakamasaya sa amin. Mabuti na lang at nagawa namin yung mission namin. Hahaha.

"Gumalaw kayong lahat!" Napaigtad ako dahil sa sigaw ng principal namin. "Kayong mga fourth year dyan sa dulo gumalaw kayo!" Automatic naman na gumalaw ako at sumayaw ng calabarzon march. Nakakatakot talaga yung mukha nya.

Nilingon ko yung apat sumasayaw din sila.Pfftt sayang di ko mavivideohan. Hahaha.

"Mabuhay ang kalabaw moooo." Napatingin ako sa katabi naming pila na section ni Mikaella.Kalabaw mo? Hindi ba dapat calabarzon yun? Hahaha.

Ginaya ko yung kanta nila at nilakasan ang boses ko. "Kalabaw moooooo sa habang panahon.Mabuhay!Hahaha!"

Napatingin ako sa paligid ko.Lahat sila nakatingin sa akin at tumatawa.Nilingon ko yung apat mga umiiling sila.Tinignan ko yung principal namin ang sama ng tingin sa akin. Ngumuti lang ako sa kanya at nag peace sign. Napalakas ata masyado yung kanta ko.Hehehe.

"Saan ka galing baby?" Napatingin ako kay Mikaella na bagong dating.Nilingon ko yung likod nya pero hindi nya kasama si Princess.Hindi nya sinagot si Bry at inirapan nya lang ito.Hahaha.Nakahanap ka ng katapat mo ngayon feeling pogi kong kakambal.

"Where's Crystal?" Tinignan nya si King ng masama.Tinignan din nya kami isa-isa ng masama. Anong problema nya? Bakit galit din sya sa amin? Diba dapat sa gago kong kakambal lang? Inilagay nya yung kamay nya sa leeg nya at sumenyas na gigilikan nya kami sa leeg. Napangiwi ako.

"Hindi pa ba sila tapos mag meeting? Ang tagal ata nilang mag trabaho ngayon?"

"Tsk.Kahapon nga lang nya sinabi kina bhesty yung pinapagawa nya tapos ngayon sasabihin nya na matagal mag trabaho sila bhesty? Nag papatawa ba talaga sya?" Napatingin kami kay Mikaella.

"Anong ibig mong sabihin Mikaella?" Tumingin sya sa akin na nakataas ang kilay.

"Yan kasing mabait nating principal pinatawag nya lahat ng SSG Officers kahapon at sinabing kailangan nya na yung schedule ng mga magiging event this school year at ngayon daw nya kailangan. Kaya hindi natulog sila bhesty kagabi dahil inayos nila mag damag yung schedule." Kulang na lang ay sugurin nya yung principal namin dahil sa inis.

Napatingin kaming lahat sa bagong dating na mga SSG Officers na paakyat ng stage.

"Pfftt. Bakit ganyan yung mga itsura nila? Mga mukha silang zombie.Hahaha." Pero si Princess maganda parin sya kahit ang laki ng eyebags nya.Hehehe.

"Kasi nga wala pa silang tulog!" Mataray na sagot sa akin ni Mikaella. Sinamaan nya ako ng tingin.

"E bakit kami baby ilang araw na kaming walang matinong tulog pero gwapo parin kami.Hahaha." Nakipag highfive ako kay bry.Tama sya. Hahaha. Pero ako talaga ang pinakagwapo sa aming lima.Bwahahha.

"Ang kapal talaga.." Inirapan kami ni Mikella.

Napatingin kami sa stage ng biglang mag salita si Vince ba yun? Yung president ng SSG?

MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon