Christine in the multimedia..
Dedicated to @UrbanChic_22 Bruha.Imissyou! Na alala mo pa si Christine Anne? Buset ka.Hahaha.Iloveyou Bruha.❤️😘
MIKAELA's POV
Kanina ko pa hinahanap ang bruha kong bestfriend.Letche! Halos malibot ko na ang buong mall na ito pero hindi ko parin sya makita!
Ang sabi ko huwag syang aalis kanina sa pwesto nya.Napakatigas talaga ng ulo ng babaeng yun!
Napakatanga pa man din nun sa direction.
Tinignan ko yung kapatid ni King na si Stephanie.May kausap sya sa cellphone at seryosong seryoso.
Napairap ako.Dahil sa kanya ay naandito kami ngayon sa napakalaking mall na ito na pag mamay ari daw nila.O sige sila na mayaman. Letche!
At dahil din sa kanya kaya nawawala ngayon si bhesty! Naku! Pag may nangyari talagang masama sa bruhang iyon malalagot talaga sa akin iyang Stephanie na iyan! Wala akong pakialam kung kapatid pa sya ni King. Parehas silang letche!
Kaya kami naandito ngayon sa mall ay para bumili ng pang regalo sa kambal na parehas may sapak sa ulo. Well lahat naman silang mag kakaibigan ay may sapak. Birthday daw kasi ngayon nila Toby at Bry.
'Wala akong pake!'
Iyan ang sinabi ko kay bhesty kanina pero pinilit nya parin ako na bumili ng regalo.At umeksena naman itong si Stephanie.Bibili din daw sya ng pang regalo para sa dalawa kaya niyaya nya kami papunta dito.
At letche! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Mawawala si bhesty. Tsk!
Wala kasi si King kanina sa bahay nila dahil sinama sya ng daddy nya papunta sa company daw nila.Kaya hindi namin sya kasama ngayon. Mga bodyguards lang ang kasama namin.Pag pasok palang kanina ay agaw atensyon na agad kami.
Sobrang dami kasi naming kasamang mga tatanga-tangang mga bodyguards. Oo tanga sila! Kasi hindi man lang nila nabantayan ang bruha kong bestfriend! Mga letche!
"Nakita na sya." Lumapit sa kin si Stephanie.Mukha syang nabunutan ng tinik.Talagang malalagot sya sa akin at kay King kapag may nangyaring masama sa bruhang iyon.Ang kabilin-bilinan ni King ay bantayang mabuti si bhesty. Dahil malalagot daw kaming lahat sa kanya kapag may nangyaring masama sa bestfriend ko. Kapal nya ha! Sya ang malalagot sakin bwisit sya! Sinasaktan nya ang damdamin ng bhesty ko! Letche sya!
Naglakad na sya kaya sinundan ko sya. Napakunot ako dahil nag labas kami ng mall.Bwisit! Kaya pala hindi ko sya mahanap ay dahil wala sya sa loob ng mall!
Mga ten minutes kaming nag lakad bago kami nakarating sa isang park.
And there she is my bruhang bestfriend na nakikipag laro sa mga bata kasama ang isang kaedad naming babae.
Nag salubong ang kilay ko.Mukha kasing mag kasundong mag kasundo na agad sila.
Nainis na naman ako letche!
Lumapit ako sa kanila.
"Talaga? Tulad pala tayo.Lagi din nila akong sinasabihan na slow at tanga." Ngumuti si bhesty at hinawakan nya yung kausap nyang babae sa buhok at inayos ito.
Letche!
"Tapos sinasabihan din nila ako ng baliw."
"Wahhh ako din lagi din nila akong sinasabihan na nababaliw na ako.Ang bad nila diba?"
Automatic na tumaas ang isang kilay ko.
"Bhesty." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sa akin at saka tumayo. "Kanina ka pa namin hinahanap naandito ka lang pala!" Tinignan ko yung babaeng kausap nya. "Hindi ba sabi ko sayo ay huwag na huwag kang makikipag usap sa hindi mo kakilala!" Tumingin ulit ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTH
RomanceIsang ordinaryong babae.Na galing sa isang masaya at simpleng pamilya. At Isang Prinsipe na galing sa SUPER DUPER yaman na pamilya But wait.. Wat if hindi lang SUPER DUPER na mayaman ang family ni prince..?? Kundi isa ding pamilya na..... MAFIA...