KING'S POV
Ipinikit ko ulit ang aking mata dahil nasisilaw ako sa liwanag na nag mumula sa ilaw.
Inalala ko ang nangyari ng gabing pabalik na dapat kami sa hotel galing sa isang business meeting.
Biglang may humarang na mga armadong lalaki sa sinasakyan naming kotse at namalayan nalang namin nanakataob na ito.
Agad kaming lumabas ng kotse at nag tago sa likod nito.
Nanglaki ang mata ko ng may makita akong dugo na nang gagaling sa tiyan ko.
Napamura ako sa isip ko.
Pag katapos noon ay wala na akong maalala.
Unti-unti kong iminulat ang mata ko at umaasang makikita ko sya.
Na makita ang mukha ng asawa ko.
Gustong-gusto ko na syang makita at mahawakan.
Ilang araw na namin syang hinahanap dito sa Pilipinas pero napakagaling nya talagang mag tago.
Hanggang kailan mo ba ako pag tataguan asawa ko?
Miss na miss na kita.
Inilibot ko ang paningin ko.
Umasa na naman ako.
Umasa na naman ako na makikita ko sya ngayon.
At nasaktan na naman ako.
Hanggang kailan mo ako sasaktan wife? Hanggang kailan?
Agad na lumapit sa akin ang apat kong kaibigan na gago.
"Finally nagising ka din!"
"May masakit ba sayo?"
"Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?"
"Kamusta pakiramdam mo?"
Sunod-sunod nilang tanong sa akin.
Tsk. Napakaingay talaga nila.
Inalis ko ang oxygen na nakalagay sa bibig ko.
"Ilang araw na akong naandito?"
"Tatlo.Tatlong araw kang tulog." Sagot sa akin ni Toby
"Did you find her?"
Umiling sila sabay-sabay.
Kumuyom ang kamay ko.
I need you now wife.Where are you?
Sana ay mag pakita ka na sa akin.
"Sandali. Tatawag ako ng doctor."
Agad na lumabas si Kyle.
"Hindi ka ba nagugutom?"
Tinignan ko si Jake.
"I'm not."
Bumuntong hininga sya at saka kinagat ang hawak nyang mansanas.
"Ako kasi nagugutom.Ilang araw na kaming walang matinong tulog at kain nang dahil sayo."
"Oo nga King.Hays.Kung naandito lang sana si Princess."
I hope so. Kung naandito lang sana sya pero mukhang wala naman syang pakialam kahit na mamatay pa ako.
Napatingin kami sa pintuan. Pumasok dito si Kyle at dalawang doctor at tatlong nurse.
"Kamusta ng pakiramdam mo?" Tanong sa akin ng isang doctor na I think nasa mild's 50 habang chinecheck ang vitals status ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTH
RomanceIsang ordinaryong babae.Na galing sa isang masaya at simpleng pamilya. At Isang Prinsipe na galing sa SUPER DUPER yaman na pamilya But wait.. Wat if hindi lang SUPER DUPER na mayaman ang family ni prince..?? Kundi isa ding pamilya na..... MAFIA...