CHAPTER 46

2K 50 32
                                    

ZEL's POV

Isang buwan.

Isang buwan ko na syang hindi pinapansin.

Isang buwan ko na syang binabalewala.

Isang buwan na akong nasasaktan dahil sa ginagawa ko sa kanya.

At Isang buwan ko na syang nasasaktan.

I'm sorry Xander but I need to do this.

I need to stay away from you.

I need to go.

I need to go back where I belong.

Pumunta ako sa library kung saan nag lalagi si Mr.Montefalcon. Ang lolo ni Xander.

Hindi ako kumatok.

Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob.

Nakita ko syang nakaupo sa sofa at para bang alam nya na darating ako.

Nakatingin sya sa akin habang nakangiti.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa katapat nya.

"Hanggang ngayon ay hindi mo parin napapayagan ang apo mo na umalis ako.At hanggang ngayon ay hindi mo parin sya napapapayag na pumunta sa Europe."

"Ginawa mo syang ganoon kaya kasalanan mo apo.Hahaha."

Sumadal ako sa couch at humalukikip.

"Kung hindi nyo ako pinatulog e di sana matagal na akong nakaalis dito."

"Hahaha.Hindi ko naman kasi alam na magigising ka kaagad."

"Kung hindi sya pupunta sa Europe alam mo ang mangyayari Mr. Montefalcon."

Biglang sumeryoso ang mukha nya. Napangisi ako.

"Pwedeng mawala ang lahat ng pinag hirapan ninyo.LAHAT LAHAT."

Hindi sya nag salita kaya nag salita ulit ako.

"Kailangan nyang magampanan ang pagiging isang walang pusong Boss.Hindi pwede ang nakikita ko ngayon sa kanya.Masyado nyang ipinababasa ang mga nararamdam nya gamit ang mga mata nya.Mabilis syang mamamatay kapag nag patuloy ito."

Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

"Sasabihin ko sa kanya ang totoo Mr. Montefalcon."

"Sigurado ka ba dyan apo?" Bakas sa boses nya ang pag aalala.

"Ito lang ang tanging paraan para mamatay ang puso nya."

Narinig kong bumuntong hininga sya.

"Don't worry Mr. Montefalcon. Hindi ko sasabihin sa kanya ang lahat."

Lumabas na ako sa kwartong iyon at nag punta sa kwarto ni Xander.

Kinagat ko ang labi ko.

Siguradong pag katapos kong sabihin sayo ang tungkol sa totoo kong pag katao ay kakamuhian mo ako.

Isusumpa mo ako at aalisin sa buhay mo.

Wala na akong ibang maisip na paraan para mabuhay ka.

Ito lang ang tanging paraan para maging katakutan ka sa buong Mafia world.

Dahil kung mahina ka ay siguradong mamamamtay ka.

At iyon ang ayokong mangyari. Nawala na sa akin si bhesty. Hindi ko na kakayanin pa na pati ikaw ay mawala sa akin.

"Let others see the real you."

Susundin na kita bhesty.Ipapakita ko na sa kanila ang totoong ako.Pero hindi ang buong pag katao ko.

MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon