Zel in the multimedia... ❤️
Mas marami yung reads kaysa sa Votes.Huhuhu. 😭😭
Dedicated to @yeowang_bloom dahil sa pagiging maingay sa comment section.Wahhh.Thankyou.HART HART!
Zel's POV
Nakaupo ako at nakangalumbaba sa tabi ng bintana dito sa kwarto ko.Pinapanood ko ang bawat pag patak ng ulan sa labas ng bahay.
Nagbuntong hininga ako.
Isinulat ko ang pangalan ko at pangalan ni Xander sa salamin.
Xander❤️Crystal
Napabuntong hininga ulit ako.
Tatlong linggo...
Tatlong linggo na ang nakalipas na malamig ang pakikitungo sa akin ni Xander.
Dahil ba hindi na nya ako mahal? Wala na ba akong laban?
Mawawala na ba sa akin si Xander?
Ipinikit ko ang magaganda kong mata at iniuntog ng mahina ang maganda kong ulo sa bintana.
"Anong gagawin ko? Huhuhu."
Ang tanging kumakausap lang sa akin ay sila Jake Bry Kyle at Toby.Katulad ko ay pilit din nilang pinapasigla ang paligid namin dahil aura ni Xander ang ngingibabaw sa buong bahay na ito.
Kinuha ko yung cellphone sa ibabaw ng lamesa ng bigla itong tumunog.
"Hello bhesty." Walang buhay kong sabi pag katapos kong sagutin yung tawag nya.
"O anyare sayo? Bakit ganyan ang boses mo?" Bumuntong hininga lang ako. "Dahil ba yan kay King? Naku makakatikim talaga sa akin iyang letcheng lalaking yan!"
"Bhesty.Anong gagawin ko?"
"Kung wala na talaga e di hiwalayan mo na bhesty."
Tumayo at sumigaw ng ubod ng lakas.
"NOOOOOOOOO!"
Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas.
Nakita ko yung limang pogi na hingal na hingal at nag dudumaling pumunta sa akin.
Puno ng pag aalala ang mga mukha nila.
"What's wrong wife? What happened?" Tanong sa akin ni Xander.Pinaikot nya ako at sinuri ang buo kong katawan.
"A-anong nangyari Princess? B-bakit ka sumigaw?" Humihingal na tanong sa akin ni Toby.
Napalunok ako.Wahhh sorry Lord mag sisingungaling ulit ako.Huhuhu.
Ngumiti ako ng pilit sa kanila. Yung ngiting hindi nila mahahalata na peke.
"Wala.Nagpapalakasan lang kami ng boses ni bhesty.Hehehe" Pinakita ko sa kanila ang cellphone na hawak ko. Tinitigan nila akong lima at sinusuri ang mukha ko.
Napabuntong hininga naman sila.
"Go to bed.Maaga ka pang gigising bukas." Tinignan nya muna ako ng mga limang segundo bago lumabas ng kwarto ko.
Bukas na ang pinakatatakutan kong araw.Ang pag punta sa baguio.Hanggang ngayon ay sariwa parin sa isip ko ang nangyari noon.
Pero kailangan kong labanan ang takot ko kasi maganda ako.Hays.
"Kapag may nangyaring masama sumigaw ka lang ulit Princess." Tumango ako kay Kyle at saka ngumiti.
"Oo nga Princess.Nasa baba lang kami." Ngumiti din ako kay Jake.
BINABASA MO ANG
MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTH
RomanceIsang ordinaryong babae.Na galing sa isang masaya at simpleng pamilya. At Isang Prinsipe na galing sa SUPER DUPER yaman na pamilya But wait.. Wat if hindi lang SUPER DUPER na mayaman ang family ni prince..?? Kundi isa ding pamilya na..... MAFIA...