CHAPTER 4

8.3K 234 6
                                    

ZEL'S POV

Three day's na ang nakakalipas simula nung nag punta ako sa hacienda.Hindi ko parin malimutan hanggang ngayon yung laman ng baul.

FLASHBACK

0-1-2-9

CLICK

Nagitla ako kasi biglang bumukas yung baul.

May nakita akong isang sobre.Kinuha ko yung sobre at binuksan.May nakita akong liham.So binasa ko.

"Para sa pinakamamahal at maganda kong apo."

Sino naman yun?Pero sabi maganda daw? Baka ako yun kasi maganda ako ^____^
Pinag patuloy ko ang pag babasa.

"Princess,sa mga oras na to alam kong wala na ako." Princess daw? Eh di ako nga yun. "Apo alam mo naman na mahal na mahal kita.At sana patawarin mo ako." Alam ko po Lolo at mahal na mahal ko rin po kayo.Pero patawarin? Saan? Pinag patuloy ko ang pag babasa.

"Princess,Mayroon akong malapit na kaibigan.Si Fred,naging mag kaibigan kami dahil mag kaklase kami simula elementary hanggang highschool.Nag kahiwalay kami pag kagraduate namin.Sa America na nya pinag patuloy ang pag aaral." Ang alam ko nga may bestfriend si lolo.Nakwento kasi nya yun dati.

"Makalipas ang 10 taon nagkita ulit kami sa hindi inaasahang lugar." Nag kita pala ulit sila.Pero hindi hindi inaasahang lugar?Pinag patuloy ko ulit ang pag babasa.

"May natanggap kaming tawag sa telepono.Sinabi nyang may magaganap na malaking transaction ng droga sa Beverly Pier sa Pangasinan." Taga Pangasinan nga pala si lolo pero si Lola taga rito sa Laguna.At napag pasyahan nilang dito na lang manirahan sa Laguna.

"Tinanong namin kung totoo ba yung sibnabi niya.Ang sabi nya totoo daw.Nasa amin na daw kung maniniwala kami o hindi.Tinanong namin kung sino sya pero hindi nya sinabi ang pangalan nya.Ang sabi nya mapapagkatiwalaan syang tao."

"Napag kasunduan naming kapwa pulis na puntahan yung Beverly Pier." Pulis nga pala ang trabaho ni Lolo dati.

"Pag dating namin doon may nagaganap ngang malaking transaksyon ng droga.Agad kaming kumilos para hulihin ang mga masasamang tao.Pero nag karoon ng labanan at nag kaputukan ng baril.

"Nakita kong may tumakbo papunta sa gubat at hinabol ko ito." Ano ba yan nakakasuspense naman yung kwento ni lolo.

"Nakita ko ring iika-ika sya kaya mabagal ang pag takbo nya.Nabaril pala sya sa hita nya."

"Agad ko syang naabutan at tinutok ang baril ko sa ulo nya.Sinabi kong itaas nya ang kamay nya at ginawa nya naman ito.

"Dahan-dahan akong pumunta sa harap nya habang nakatutok parin ang baril ko sa kanya."

"Pero nagitla ako sa nakita ko.Dahil ang bestfriend ko pala ang kaharap ko." What? Omeegggessshhh akala ko sa teleserye lang nangyayari ito pero sa totoong buhay din pala?

"Wala sa sarili kong binaba ang baril ko."

"Timothy" tawag nya sa akin.

"Umalis ka na Fred" sabi ko sa kanya dahil hindi ko sya kayang hulihin.

"Magkikita tayong muli at sasabihin ko sayo ang lahat." Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon