KING'S POV
Hindi ako magalaw.Nakatingin lang ako sa mga mata nyang kulay amber.
"H-how?"
Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero iyan lang ang lumabas na salita sa bibig ko.
Lumapit sa kanya yung isang lalaki at inabot sa kanya ang isang syringe.
Kumunot ang noo ko.
I know him.
Classmate sya ni Mikaela.
"Thunder?"
Tanong sa kanya ni Bry.
Lagi namin silang nakikitang mag kasama ni Mikaela.
Hindi nya kami tinapunan ng tingin at saka bumalik sa pwesto nya kanina at lumuhod ulit.
Lumapit sa akin ang asawa habang hawak-hawak yung syringe.
Itutusok na nya sana ito sa swero pero napatigil sya ng bigla kong hawakan ang kamay nya.
Lumingon sya sa akin at ngumiti.
Tinitigan ko ang kulay amber nyang mata.
"Do you trust me?"
Seryoso nyang tanong sa akin pero nababasa ko sa mga mata nya ang takot.
Takot na baka sabihin ko sa kanyang hindi ako nag titiwala sa kanya.
Who are you really wife?
Sino ka ba talaga?
Pero kahit sino ka pa may mamahalin parin kita.
Hinding hindi mag babago at mawawala ang pag mamahal ko sayo.
"Yes.I trust you wife."
Ang kaninang takot sa mga mata nya ay napalitan ng saya.
Ngumiti sya sa akin.
Itutusok na nya sana ulit yung syringe pero napatigil ulit sya ng hawakan ko ulit ang kamay nya.
Kunot noo syang lumingon sa akin.
"Pang patulog ba iyan? I don't want to sleep."
Kung balak nya akong patuligin para hindi ako makalaban ay hinding hindi ako papayag!
Lalaban ako!
Tutulungan ko syang lumaban.Hindi ko sya papayagan na lumaban ng mag isa!
Tumawa sya ng mahina kaya kumunot ang noo ko.
"No hubby.Hindi ito pang patulog."
Nakahinga ako ng maluwag.
Binitiwan ko ang kamay nya.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang inilagay kong gamot?"
Umiling ako at ngumiti.
"I trust you wife."
Ngumiti din sya at hinawakan ang pisngi ko.
Lumingon sya sa sampung nakaluhod.
"Zion and Xyrus stay here."
"Yes Empress."
Mag kasabay nilang sagot habang nakayuko parin.
"Empress?"
Tanong namin sa asawa ko.Kanina ay tinawag din nilng Empress ang asawa ko.
Hindi nya kami pinansin.
BINABASA MO ANG
MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTH
RomanceIsang ordinaryong babae.Na galing sa isang masaya at simpleng pamilya. At Isang Prinsipe na galing sa SUPER DUPER yaman na pamilya But wait.. Wat if hindi lang SUPER DUPER na mayaman ang family ni prince..?? Kundi isa ding pamilya na..... MAFIA...