RICEL in the multimedia....
Dedicated to @lovingjess13 I remember you.Bago pa lang ata nag uumpisa itong MWMPSB ay sinusuportahan mo na ito.Wahhh.Thankyou so much.Hart Hart!
TOBY's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin kami nag papansinan ni Bry.Pagkatapos ng gabing iyon ay mainit parin ang ulo namin sa isa't-isa.
Binangga nya ako sa balikat kaya napaupo ako sa sahig.
"Foul number 05!" Sigaw ni Sir Adrian.
"Tsk.So weak." Bulong ni Bry.
Nag papractice kami ngayon ng basketball para sa Intramurals.
Iniabot sa akin ni Kyle at Jake ang kamay nila.Parehas ko itong tinanggap at tumayo.
Mag sasalita na dapat sila pero tumakbo ako papunta sa gago kong kakambal at dinepensahan sya.
Ipinasa sa kanya ni Kyle yung bola at tinignan ako ng serysoso pero ningisian ko lang sya.
Lalagpasan na nya dapat ako pero pinatid ko yung paa nya at saka inagaw yung bola.
"Foul!" Sigaw nya. Tumingin ako kay Sir Adrian pero umiling sya.Napangisi ulit ako.Iba talaga kapag mabilis kumilos.Hahaha!
Tumakbo ako papunta sa kabilang side ng court at saka ishinoot ang bola.
"Kyahhh ang galing nya talaga mag laro. Crush na crush ko na talaga sya!"
"Crush ko na din sya girls!"
Tumingin ako sa mga schoolmates naming babae at kumaway sa kanila at ngumiti.
Mga nagtilian naman sila dahil sa ginawa ko at pinaypayan ang sarili nila. Mga nag papanggap din sila na hihimatayin.Hahaha.
"We love you Bry!" Mag kakasabay nilang sigaw.
What the fuck?! Hindi ako si Bry!
"I love you too girls." Sigaw pabalik ni Bry.
"Ay si Toby pala sya.Hehehe."
Tinignan ko yung gago kong kakambal ng masama pero ningisian nya lang ako.
"Nakakalito naman kasi silang dalawa.Yung number na lang ang tignan natin para matandaan natin sila."
"Tama! Si Bry ay number 05 at si Toby naman ay number 07."
"Ang gagwapo nilang lahat no? Kyahhh."
Ako kaya ang pinakagwapo sa amin! Bwahahaha!
"Ang galing-galing mo Toby!" Napatingin ako kay Princess ng bigla syang sumigaw.Nakangiti sya sa akin kaya ningitian ko din sya. Mabuti pa sya alam nya na ako si Toby tsk! Hamak naman na mas gwapo ako sa gago kong kakambal. "Hindi nakita ni Sir Adrian na pinatid mo si Bry kaya hindi ka nafoul! Ang galing-galing! Hihihi." Napangiwi ako dahil sa sinabi nya. Nakita nya yun? Ang bilis naman ng mata nya? *pout*
Natawa naman yung mga teamates ko.Ang may pinakamalakas na tawa ay yung gago kong kakambal.Masamid ka sanang gago ka!
"Toby." Napatingin naman ako kay Sir Adrian. "Good job.Ipag patuloy mo lang yan.Basta hindi ka nakikita ng referee ay ipag patuloy mo yan.Hahaha."
Napakamot ako sa ulo at saka ngumiti ng pilit sa kanya.Akala ko ay magagalit sya sa akin dahil sa ginawa ko.Siguro ay desperado na talaga syang manalo this year dahil ang balita namin ay never pang nag champion ang school namin sa larangan ng basketball.
BINABASA MO ANG
MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTH
RomanceIsang ordinaryong babae.Na galing sa isang masaya at simpleng pamilya. At Isang Prinsipe na galing sa SUPER DUPER yaman na pamilya But wait.. Wat if hindi lang SUPER DUPER na mayaman ang family ni prince..?? Kundi isa ding pamilya na..... MAFIA...