ZEL's POV
Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko.Sabi nya tatawagan nya ulit ako kagabi pero hindi naman.Kahit isang text wala. *pout*
"Baka matunaw na yang cellphone mo. Kanina ka pa nakatitig dyan." Kinuha nya yung cellphone ko at inilagay sa bag ko.
"E kasi bhesty inaantay ko yung tawag ni Xander.Sabi nya tatawag daw sya pero kahit isang text wala." *pout*
Tumaas ang isang kilay nya. "Ikaw na rin ang nag sabi sa kanya na okay lang kahit hindi ka nya tawagan kasi naiintidihan mong busy sya.Tapos nag kakaganyan ka ngayon."
"Kahit na. Obligasyon pa rin nyang tawagan ako kasi... " Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at bumulong. "Asawa nya ako."
Andito kasi kami ni bhesty sa coffee shop. Pag katapos kasi namin mag simba niyaya ko sya dito.Syempre KKB kami.Kanya-kanyang bili. Hihihi.
"Ano ba kasi ang pinag kakaabalahan nyang asawa mo?" Tinakpan ko ang bibig nya gamit ang kamay ko.
"Shhh quite ka lang. Baka may makarinig sayo." Ang dami pa man din na tao ngayon dito.Inalis nya yung kamay ko sa bibig nya. "Actually hindi ko alam.Ang sabi nya nag kaproblema daw sila doon sa Manila.Kahit kating-kati na yung maganda kong bibig na tanungin sya kung ano.Hindi ko ginawa." *pout*
Ngumiti sya sa akin at inayos ang buhok ko. "That's my girl.Nag mamature ka na bhesty. Congratulations. Hahaha."
"Alam ko naman kasi yung salitang privacy bhesty. Saka kung gusto man nyang sabihin sa akin kung ano yung problema nila e di sana sinabi na nya."
"Very good bhesty.Sana laging ganito ka kapag mag kausap tayo. Matino. Hahaha."
"Matino naman ako a. Maganda pa." Binelatan ko sya.Kinuha nya yung cellphone nya.Ilang saglit lang ay inisod nya yung upuan nya papunta sa akin at pinakita yung cellphone nya.
"Look. Basahin mo.Kahit hindi mo tanungin ang asawa mo kung ano ang problema nila ay mababasa mo naman sa internet kung ano." Kinuha ko yung cellphone sa kamay nya at binasa yung article. "Ang babata pa nila pero kaya na agad nila mag patakbo ng business.Kung hindi lang sila mayayabang at may mga sapak sa ulo siguro ay isa na rin ako sa mga milyong-milyon nilang fans."
"Kawawa naman ang Xander ko. Sana hindi sya mastress sa work." *pout*
Nakalagay kasi sa article na inalis na ng Chang Company ang ugnayan nila sa Montefalcon Company (MC) . Nakalagay din sa article na may malaking epekto daw ito para sa Montefalcon Company.Baka daw bumagsak agad ang MC kahit ito pa ang nangungunang kompanya sa buong mundo dahil sobrang laki daw nang naitutulong ng Chang Company para sa MC.Nag tataka naman daw ang buong business world dahil sa pangyayari.Parehas daw tahimik ang dalawang nasabing kompaya tungkol sa isyu.
Pero meron rin na article tungkol sa pag tulong ng mga malalapit na kaibigan ng mga Montefalcon dahil sa nangyari. Kaya malabo daw bumagsak ang MC.At ang mga iyon ay yung apat na kaibigan ni Xander.Ayon sa article sila din daw yung tumutulong kay King para hindi bumagsak ang MC.
"May pakinabang din pala yung mga mayayabang na tukmol."
"Mabait naman sila Jake Kyle Toby at lalo na si Bryan bhesty." Inirapan nya lang ako.
Iinumin ko na sana yung strawberry milkshake ko pero napatigil ako dahil pag tingin ko sa kabilang side ko ay nakita ko si Mark kasama ang mga teammates nya sa basketball.
Iniwas ko agad ang tingin ko at itinago ang mukha ko gamit ang buhok ko. "Bhesty andito rin sila Mark." Pabulong kong sabi. Tinignan nya yung pwesto nila Mark.
BINABASA MO ANG
MARRIED WITH MAFIA PRINCE SINCE BIRTH
RomanceIsang ordinaryong babae.Na galing sa isang masaya at simpleng pamilya. At Isang Prinsipe na galing sa SUPER DUPER yaman na pamilya But wait.. Wat if hindi lang SUPER DUPER na mayaman ang family ni prince..?? Kundi isa ding pamilya na..... MAFIA...