Family Day

25.4K 525 7
                                    

"Good Morning, Mommy." kiniss niya ako sa magkabilang pisngi pero di ako dumilat. "Mommy, wake up. Family day po namin sa school ngayon." Kiniliti niya ako. Kaya ayun no choice nagkilitian kami. hahaha ang sarap talagang mag ka-anak.

"Good Morning, baby." Tumayo na ako para makapagluto ng breakfast namin. Habang nagluluto ako, nakamasid lang si GC.

"Yehey, hotdogs." favorite niya kasi ang hotdog lalo na yung may cheese. Well, sino bang bata ang hindi naging favorite yan? Lahat naman tayo nakahiligan yan ee Baka nga habang lumalaki kinahihiligan natin yan ee Ohhh napapangiti ka noh? Ang green mo naman. hahaha

Kumain na kami after kong magluto at naligo na. Pinasuot ko sa kanya yung binili kong damit kahapon.

Flashback...
Maaga akong nakauwi ngayon dahil wala naman masyadong gawain sa kompanya. Taray ko, makakompanya ko akala mo ako may ari hahaha

Naisipan kong dumaan ng Mall bago ako umuwi. Ewan ko ba, feel kong mag-mall today.

Naglakad-lakad lang ako sa mall. Nang may makita akong family shirt. Ang simple lang design pero agaw pansin. Kaya yun binili ko. Sakto rin naman at naalala kong family day tomorrow sa school ni GC.

After kong bayaran, ay nagpasya na akong umuwi sa condo unit.

End of Flashback...

"Wow!, Mommy ang cute naman po nyan. Iyan po ba yung susuotin natin?" Nakingiti nitong tanong.

"Yes,Baby. Binili ko to para sa event na to." (Weh? Di nga?) Shhh lang kayo

"Talaga, Mommy? Where's Uncle na po?"  Ayyy ou nga pala. Matapos naming mag-ayos ay inaya ko na sya sa kotse.

"Let's go. I'll call him while driving." Sabi ko saka sumakay sa kotse. Nakita ko namang umiling si GC.

"It's bad Mommy. I'll talk to Uncle." Ahhh ou nga naman bad yun

David Dialling...

"Hello?"

"Uncle, san ka na po?"

"Oh GC I'm sorry. Uncle can't go." Nakita ko namang sumimangot ang anak ko.

"Why?" Malungkot nitong saad.

"Because I need to attend a lot of meetings today. Don't be sad, okay? Bye, I'm in a hurry." He hang up. Siguro nga busy sya. Kasi kausap niya naman lagi una nyang pinagbababa ng call ee hhhmmm ano kayang nangyayari?

"Baby, don't be sad okay? Remember? Dati kinakaya naman nating dalawa lang tayo kapag family day?" Tumango naman sya."Kaya, kaya rin natin ngayon." Tumango ulit sya. Malungkot pa rin sya. Yung kapatid ko naman kasi paasa. Ano ba yan pati ba naman kapatid paasa. Oyyy hugot!hahaha

Nakarating na kami sa school na pinapasukan niya. At ayun, kami lang ang walang kasamang Daddy. Oh, I thought so... Kasi biglang may kumalabit sakin. Pagtingin ko si Sir pala.

"Oh, Sir? What are you doing here?"

"I just want to ask if you bring the 'Daddy's Shirt'?" Huh? Then narealized ko bigla yung T-shirt para sa Daddy. E kasi nga di ba naka-family shirt kami ni GC.

"Yes, Sir. Why?" Takang tanong ko.

"Can I have it?" Tapos biglang inannounce na magstart na yung program. "After, I change my shirt you can ask me whatever question you have in mind." Napatango naman ako at iniabot sa kanya ang T-shirt.

Pagbalik niya sakto namang magsisimula na. Kinalabit naman ako ng anak ko.

"What is your boss doing here?" Takang tanong niya.

His Father Is My Boss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon