Dahil maaga pa naman para sunduin si GC. Maglalakad-lakad muna ako at magbabakasakaling makahanap ng trabaho.
Mga tatlong oras din akong naglibot pero wala pa rin akong nakikitang Hiring. Hanggang sa napahinto ako sa tindahan ng mga dyaryo. Ako yung tipo ng tao na mahilig magbasa pero hindi kasama dun ang pagbabasa ng dyaryo. Paalis na sana ako ng biglang liparin yung isang dyaryo patungo sa akin. Tiningnan ko ito at parang may nagtutulak sa akin na tingnan ang nasa loob nito kaya binili ko na ito. Pagkatapos nun ay bumalik muna ako sa aming tinutuluyan.
Nagluto na ako ng tanghalian para pagkasundo ko kay GC ay makakain na sya. Ang niluto ko naman ngayon ay Nilagang Baboy. Buti na lang nakuha ko pa yung huling sahod ko bago ako matanggal sa trabaho kaya nakapamili na kami ng Grocery. At buti na lang natutunan ko na Once A Month lang ang pagbili ko ng Grocery so it means may 1month na makakain kami kahit wala akong trabaho. Ang talino ko talaga...hahaha
Tumingin na ako sa orasan at eksaktong 12 noon na pala kaya napagpasyahan ko ng sunduin ang anak ko. Pagkasundo ko sa kanya ay makikita na malungkot siya. Kaya habang naglalakad ay tinanong ko sya.
"Baby boy, what's wrong?"
"Nothing."
"But it doesn't look like baby." maghehesitate pa sana sya na sabihin sakin pero in the end napagkwento ko rin sya.
"Kasi Mommy, binubully po ako nung mga kaklase ko."
"Whaatt??? Anong ginawa nila sayo?" tae mga bata lang kaklase nito may bully agad. Mga bata nga naman sa public.
"Ako po kasi laging tinatawag ni Teacher kapag may tanong po sya e kasi po laging ako lang po yung nagtataas ng kamay. Sabi po nila, Masyado daw po akong pasikat kay Teacher. Ee hindi naman po totoo yun kasi nagtataas po ako kasi alam ko po yung sagot. Huhuhu Tapos...." tapos bigla na lang umiyak. Niyakap ko na lang. Sakto namang nasa apartment na kami. Oh di ba? sabi ko sa inyo ee malapit lang to. hahaha Ayyy ano ba yan? nagawa ko pang tumawa sa pag-iyak ng anak ko.
"Shhhhh Tahan na. Remember? You're a big boy. And ang big boy di umiiyak sa simpleng bagay lang." napatahan naman sya. "So, tapos? anong ginawa nila sayo?"
"Tapos po tinulak po nila ako kaya nadapa po ako. Nagkasugat nga po ako Mommy pero maliit lang po sa tuhod." sabay turo niya dito.
"Haaayy nakoo, kawawa naman ang baby boy ko. Yaan mo nak hahanap kita ng school na hindi ka mabubully. Ayos ba yun?" tumago naman sya. "Ohh sya, magpalit ka na ng damit para tayo ay makakain na at malinis ko yang gasgas mo." Sabay tungo niya sa kwarto upang magbihis.Ako naman ay inihanda ko na sa lamesa ang aming tanghalian.
"Ano pong ulam natin Mommy?"
"Ang tawag dito ay Nilagang Baboy." tumango-tango naman sya habang humihigop ng sabaw.
"Alam mo po kahit may Amnesia po ako. Nararamdaman ko po na ito po ang unang beses na makakain po ako ng mga niluluto niyo po katulad po ng tinolang manok at nilagang baboy." Ayyy ganon ba sya kayaman? para di ito matikman sa kanilang bahay? hhhmm
"Ohh sige na Nak. Kumain ka lang ng kumain dyan."
Matapos naming kumain ay nilinis ko muna ang naging sugat niya at namahinga tapos pinatulog ko na sya. Ako naman, naalala ko na may dyaryo nga pala akong titingnan. Binuklat ko ito ng binuklat. Ou tama binuklat ko lang aba ee katamad kaya magbasa hahaha hanggang sa nakarating ako sa Job Section. Kapag sinuswerte ka nga naman oh? Bakit ba di ko naisip yun kanina? Nag-scan na ako sa pahina at napukaw ng aking mata ang isang company. Falcon Company is hiring a new secretary. Ayyy ayos to makapag-apply nga. Kaso sa Manila pa pala ito. Di bale akong bahala. Tinawagan ko na yung numero na nakalagay.
09********* Dialling....
"Hello. What I can do for you?"
"Uhhmm hello! I just want to ask if seceretary is still available?" Sana-sana available pa.
"Oh I'm sorry but no since yesterday." Ngek malas naman.
"Thanks." then I hang up.
David Dialling....
"Hello. I need your help."
"As always. What is it this time?"-David
"I need a job."
"Why? What happened?"-David
"I got fired?" sarcastic kong patanong. tumawa naman sya.
"hahaha I know. What is the reason?"-David
"Well for being late."
"Alright. Wait for my text. I'll send you the details."-David
"Thank you so much."
"No problem, sweetie." Then I hang up. And decided to sleep.
----
Just comment your suggestion and reaction. :) Also, kindly vote. Thankee 😊sino kaya talaga si David? Bakit lagi siya nitong tinutulungan?
@lazymindofmine
BINABASA MO ANG
His Father Is My Boss???
RomanceNawalan siya ng memorya kaya wala akong choice kundi ang kupkupin siya dahil ako ang nakakita sa kanya. Hindi ko akalain na mayaman pala ang kanyang Ama este sila. Hindi ko akalain na.......... "His Father Is My Boss???" - Hope you'll like it. Ito...