Christmas Eve

22.4K 547 9
                                    

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Eto na ang araw na makakasama ko ang anak ko. Kaya naman gagawin kong memorable ang araw na ito. Inaya ko siyang magpunta sa MOA. Para mag ice skating kami roon.

"Mommy, let's go. I'm so excited."sabi niya habang ako ay hinihi

"Di naman masyadong halata." sabi ko sabay tawa.

"Si Mommy talaga oh, trip mo na naman po ako."

"hahaha Pagbigyan mo na ang Mommy, mamimiss kasi kita."

"Bakit po? Aalis ka po ba?" umiling naman ako. Kasi di lang ako ang aalis pati ikaw."Kung ganoon naman po, bakit niyo po ako mamimiss?"

"Ikaw naman, hindi ka na nasanay sakin. Alam mo naman lagi kitang namimiss." sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.

"Haayy Pinakaba mo po ako." nginitian ko naman siya.

"Wait lang may kailangan lang itext si Mommy." tumango naman ito. Hinanap ko na yung contact ni Sir HB. Di ko na kasi pinalitan ng name dahil wala lang. hahaha Yun kasi ang nagpapaalala sa akin nung first day of work ko sa kanya.

To: Sir HB

      Zoro pwede ba tayong magkita sa rooftop ng company mo?

From: Sir HB

      Hhhhmm. Sure. Why?

To: Sir HB

      Ibibigay ko lang po yung regalo ko.

From: Sir HB

       Hindi na ba makakapaghintay yan, bukas?

To: Sir HB

        Hindi na po ee

From: Sir HB

        Alright. What time?

To: Sir HB

        12 midnight.

From: Sir HB

        Alright. See you later.

"Mommy, are you done?" tumango naman ako. Nagtungo na kami sa sasakyan at pumunta na sa MOA.

Nandito na kami ngayon sa MOA at kasalukuyan ng nagsusuot ng ice skating shoes.

"Marunong ka po ba nito?" tumango naman ako. Nakapag-ice skating na naman ako kasi nung college ako pumunta ako dito para ma-try ito. Kasi nacurious ako sa napapanood ko sa TV.

"Tara na." aya ko sa kanya."Balance your body so you won't fall." tumango naman ito. Nagsimula na kaming maglakad. Nung una nakahawak pa sya sa akin pero ngayon ay naglilibot na ito. Habang ako naman ay kumukuha ng pictures niya.

"Alam mo,Miss ang swerte mo sa Anak mo." napalingon naman ako sa nagsalita.

"Ou nga po ee Napakasweet po niyang bata."nakangiti kong saad habang nakatanaw kay GC na tuwang-tuwa.

"Kaya kung ako sayo, hindi ko sya iiwan." Ngek? Okay na sana sabay hirit ng ganun?

Lumapit na sa akin si GC para ayain akong mag-libot na. Magkahawak kaming dalawa habang nag-iikot. Haaaayyy sobrang mamimiss ko talaga ang batang ito.

Pagkatapos namin sa MOA ay umuwi na kami upang makapaghanda na ako sa Christmas Eve.

Nang pumatak ang Alas Diyes ng gabi ay kumain na kami at inaya ko na siyang pumunta sa Falcon Company. Maaga kaming nakarating dito.

"Nak, tara higa tayo dito." humiga naman siya at tumingala.

"Wow! Ang daming stars."

"Tingnan mo yung star na yun." turo ko sa star na pinaka-makinang.

"Bakit po Mommy?"

"Kapag wala na ako sa tabi mo, tumingin ka lang sa langit at hanapin mo yung pinakamakinang na star ay parang nakita mo na ako." napakunot naman ang noo nito. Sakto namang may pumasok na sa Rooftop kaya hindi na ito naka-pagtanong pa. Lumingon na ito sa may pintuan at patakbong tumungo sa taong pumasok.

"Daddy!" saad nito habang tumatakbo patungo kay Zoro.

"So? Where's my gift?" bungad naman sakin nito.

"Excited?" tumango naman ito.

"But before that let's eat first." nakita ko namang may bitbit pa la siyang pagkain. Kaya kinuha ko ito at inihain sa lapag, wala kasing lamesa.

"Ikaw ang nagluto?" tumango naman siya. Ang dala niya ay Carbonara at softdrinks.

"Let's eat." sabi nito kaya kumain na kami.

After naming kumain, napagpasyahan ko ng ibigay ang regalo ko kay Sir, actually sa kanilang dalawa. Pero before that niyakap ko muna ng mahigpit si GC.

"GC always remember na love na love ka ni Mommy." tumango naman ito kahit alam kong naguguluhan siya sa nangyayari. Kiniss ko siya sa kanyang noo bago tumayo.

"What is happening?" kunot noong tanong naman sakin ni Zoro.

"Zoro anong wish mo?" kahit naguguluhan sumagot naman ito.

"I want to see my son."tumango-tango naman ako.

"GC, anong wish mo?"

"To see my Daddy."

"Your wish is my command." sabay takbo ko pababa ng floor. Yung pinipigilan kong luha kanina pa ay sunod-sunod ng tumulo sa aking pisngi. I will miss you and I love you GC....and Zoro.

Zoro's POV

"Your wish is my command." pagkasabi ni Laila nun nagtatakbo na sya pababa. Narinig ko namang umiiyak si GC.

"sssshhh Tahan na GC."

"Bakit?....bakit???...tumakbo po..si...Mommy?"

"I don't know, baby." Hinahagod ko lang ang likod nito para mapakalma.

Your wish is my command.

Your wish is my command.

Your wish is my command.

Napaiyak na din ako ng marealize ko kung ano yung ibig sabihin niya.

"Z" tawag ko dito habang niyayakap ng mahigpit. Naramdaman ko naman na huminto ito sa pag-iyak.

"Z? Sino po iyon?" tiningnan ko sya sa mata.

"Ikaw yun, anak. Patawarin mo si Daddy." yakap kong muli sa kanya habang umiiyak.

"Ikaw po ang Daddy ko?" tumango naman ako. Maraming salamat, Laila.

-----
Just comment your suggestion and reaction. :) Also kindly vote. :)

Real man cries.

Pasensya na po kung hindi madrama.

@lazymindofmine

His Father Is My Boss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon