Forgiveness

22.7K 498 2
                                    

Laila's POV

Sa araw-araw na nakikita at nakakasama ko sila sa iisang bubong, nasanay na ako na maramdaman ang presensya nila. Nasanay na ako sa panunuyong ginagawa nila sa akin, actually feeling ko nga lumalambot na ang puso ko para sa kanila.

Flashback...

"Good morning, Delailah." Bungad sa akin nung dalawa ngunit di ko sila pinansin. Dumiretso na ako sa kusina para kumain. Napansin ko naman na sumunod sila.

"I cook your favorite dish, Bicol Express." Oh sya pala yung nagluto, para tuloy akong nawalan ng gana. Kaya nagpaalam na ako.

"I need to go. Bye, David." Paalam ko dito.

"Take care, Delailah."Rinig kong sabi nung dalawa. Pansin ko lang, ang hilig nila magsalita ng sabay.

Naging ganon palagi ang senaryo namin araw-araw sa bahay este mansion. Hanggang sa napagod na akong deadmahin ang ginagawa nila sa akin.

"Good morning, Delailah." Koro nung dalawa pagbaba ko ng hagdan.

"Good morning." Pabalik kong bati na ikinagulat nila.

"How's your sleep?" Tanong nung lalake nang makarecover sa pagkabigla.

"Good." Sagot ng makaupo sa hapag-kainan.

"I prepared the breakfast."sabi sakin nung babae. Wala namang bago dun, dahil mula nang bumalik sila dito, lagi siya ang nagluluto ng breakfast namin.

"Twin sister, thank you kasi kinakausap mo na sila Mom and Dad." Ngumiti na lang ako kay David. Awkward..."Thank you for helping me." Biglang salita muli ni David.

"No worries."sambit ko at nagpaalam na.

"Goodbye, Delailah."

"Take care, Delailah."

Paalam nung dalawa sa akin. Nag-wave na lamang ako bilang pagtugon.

End of Flashback...

In short, unti-unti ko na silang napapatawad kulang na lang samin ay closure. Di lang naman ang mag-Ex ang kailangan ng closure pati din naman sa Family Issues. At sa tingin ko bukas na ang puso't isipan ko para marinig ang paliwanag nila. Kaya naman pag-uwi ko kakausapin ko na sila.

"Good Evening, Delailah." Bati sa akin ni Mom and Dad. Ohh di ba kaya ko na silang tawagin ng Mom and Dad. Achievement to hahaha

"Good Evening."

"Come on, let's eat. I cooked again your favorite dish." Tumango naman ako at sumunod kay Mom. Si Dad kasi ay initusan na ang katulang na ihanda na ang hapunan.

Pagkatapos naming kumain...

"Can we talk?"napangiti naman sila.

"We would love to." Sabi ni Mom pagkatapos nilang magtinginan ni Dad. Katahimikan bigla ang namayani sa amin.

"Ehemm...So I just want to know the reason why you left me to Auntie?" Nagtinginan naman sila. Si Mom ang unang nagsalita.

"Nung buntis ako, hindi ko alam na kambal pala ang magiging anak namin kasi ayaw naming malaman ang Gender kaya hindi ako nagpapa-ultrasound. Kaya laking gulat namin kambal pala. Isang lalaki at isang babae. Nalungkot kami ng lumabas ka at umiyak dahil alam namin ang magiging kapalaran mo. Kaya naman napagdesisyon namin na dalhin ka sa Tita mo na kapatid ko."

"Ano po bang magiging kapalaran ko kung sakaling nasa puder niyo po ako?"
Si Dad ang sumagot.

"Sa pamilya namin hindi binibigyan ng puwang ang isang babae. Bata pa lamang pinipili na nila ang taong mapapakasalan nito. Hindi niya hawak ang buhay niya. Kung kaya naman pagka-panganak sayo ng Mom mo ay dinala ka na namin sa kapatid niya." Tumango-tango naman ako.

"Hinanap niyo ba ako nung nag-layas ako?" Tumango naman sila. Paano? I mean...

"Hinanap ka namin. Sino ba namang magulang ang matitiis ang kanyang anak lalo na kung nawawala ito. Madali ka naman naming nahanap, sa tulong na rin ng kapatid mo. Pero kahit na hanap ka na namin, hindi ka muna namin nilapitan dahil alam namin na gusto mong lumaya atsaka ayaw ka namin matali sa kasal na di mo mahal ang taong papakasalan mo. Sana, Nak mapatawad mo kami." Tumango-tango naman ako. Nakita ko nangingilid na ang luha sa kanilang mga mata kagaya ng sa akin.

"Patawarin niyo din po sana ako kung naging padalus-dalos po ako, kung hindi ko po muna inalam yung dahilan niyo po kung bakit niyo po ginawa sa akin yon."

"Patawarin mo rin kami anak kung wala kami sa tabi mo. Pinapangako namin babawi kami ngayon."

Nag-iiyakan lang kami hanggang sa dumating si David.

"Group hug!" Sigaw nito na halata mong galak na galak sa nakita. "Salamat naman at buo na ang pamilya natin." Sabay sigaw namin ng "woooohhhh, hahahaha"

Lakas talaga maka-gaan ng pakiramdam ang paglalabas ng sama ng loob at pagpapatawad. Gamot sa masikip na damdamin ang pagpapatawad.

Zoro's POV

Simula ng makaalala ang anak ko, hindi na kami nagkibuan pa. Ayoko naman kasing pilitin siya kung ayaw niya. Hihintayin ko na lang siya na kusang maglabas ng sama ng loob niya.

Weekend ngayon kaya nasa bahay lang kami. Bigla naman akong nakaranig ng ungol.

"Huhuhu...huhuhu" narinig kong iyak ni Z kaya ginising ko na.

"Z...bakit?"

"You!Daddy its your fault. Huhuhu Ikaw yung dahilan kung bakit ginusto kong maglayas. Dahil sayo naaksidente ako.huhuhu bakit? Bakit Daddy? Ako yung sinisisisi mo kung bakit namatay si Mommy? Di ko naman po ginusto yun ee Di ko naman po ginusto huhuhu"

"Sshhhh tahan na baby, patawarin mo si Daddy kung naiparamdam ko sa iyo na sinisi kita. Pero Nak mahal na mahal kita, hindi kita sinisisi. Patawarin mo ako kung naramdaman mo yun. Patawarin mo ako sa lahat." Naiyak na din ako.

"Totoo Daddy? Mahal mo ako? Di mo ko sinisisi ?" Tumango naman ako na nagsanhi para magalak siya sabay yakap niya sa akin. "I love you, Daddy."

"I love you more,baby."

----
Just comment your suggestion and reaction. :) Also kindly vote. 😊

Yown! Nagkapatawaran na sila.

Sensya na po, I'm not good at drama.

@lazymindofmine

His Father Is My Boss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon