Epilogue

21.1K 422 21
                                    

Laila's POV

'Zolo! Zola!' Pagkuha ko sa atensyon ng kambal.

6 years ago, nagbunga ang pagmamahalan namin ni Ren ng kambal. Sina Zoren Loy at Zophia Lay, in short Zolo at Zola.

'Nag-aaway na naman ba kayo?' Tanong ko sa kanila nang makalapit ako.

'Hindi po.' Sabay nilang sagot.

'Babies...'

'I am not a baby.' Korong sagot nila.

'Nakoo, alam niyo may pinagmanahan kayo.' Sabay himas ko sa ulo nila.

'Sino po?' Sabay na naman sila.

'Ang Kuya Z niyo.'

'Kuya Z!!!' Tawag ng kambal sa paparating na lalaki.

'Mommy, parang narinig ko ang pangalan ko.'

'Kuya Z sabi po ni Mommy nagmana daw po kami sayo.' Sabi ni Zola.

'Ou nga po. Totoo po ba?' Sabi naman ni Zolo.

'Ano daw bang namana niyo sakin?' Napakamot naman ang ulo ng kambal at sabay na tumingin sa akin.

'Ang kuya Z niyo nung 5 years old siya katulad niyo din sya ayaw niyang tinatawag pang baby kasi big boy na daw sya.' Makikita sa kambal ang pagkainteresado sa sinasabi ko. Tumango naman si Z.

'Mommy, kunin ko po muna sila ng makapagpahinga na din po kayo.' Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Close na close ang kambal sa Kuya Z nila.

'Pinagod niyo ba si Mommy?'

'Hindi po.' Rinig kong saad ng kambal.

'Baka naman nag-away na naman kayo.'

'Si Zolo po kasi.' 'Si Zola po kasi.' Korong pagmamaktol ng kambal.

'Tssk, dahil dyan lagot kayo sakin. Pagbilang kong tatlo dapat nakatakbo na kayo.' Nakita kong naalarma ang kambal.

'Isa...Dalawa...Tatlo...' Bilang ni Z.

'Waaaaahhhhhhhh!' Sigaw ng kambal habang hinahabol sila ni Z papasok ng bahay.

Haaaayyy! Hindi naging madali ang buhay mag-asawa namin ni Ren. Lalo na nung naglilihi ako sa kambal, hindi ko kasi makontrol ang emosyon ko. Naging sobrang selosa ko na ultimo pinsan niyang babae napagselosan ko.

...Flashback...

I am 6 months pregnant as of now at ang laki talaga ng itinaba ko. Syempre sa kagustuhan kong maging healthy ang mga anak namin kain lang ako ng kain.

Maya-maya pumasok si Ren sa bahay na tumatawa na may kasamang babae. Uminit agad ang ulo ko.

'Wow! Nice entrance!' Sarcastic kong sagot na may kasamang pagpalakpak.

'Oh, Hi! Lai. Nandyan ka pala.'

'Unfortunately, yes.' Akmang hahalik siya sakin ng iwasan ko sya.

'Hey, what's the problem?'

'Ikaw! Ano? Dahil mataba na ako, panget na ako? Maghahanap ka na ng babaeng maganda at sexy? Hoy, Ren baka naman nakakalimutan mo magkasama nating ginawa ang mga batang to. Kung ganyan lang din naman ang mangyayari, mabuti pang maghiwalay na lang tayo.'

'What?' Gulat nitong tanong.

'Oo, maghiwalay na tayo. Masaya na kayo ng babae mo? Akala mo ba hindi ko napapansin na madalas na may tumatawag sayong babae. Ren naman di ako tanga.'

'Nagpapatulong...'

'Ayan na naman, nagpapatulong! Di ba kay Carmen ganyan din? Nagpapatulong yun pala sinusulot ka na sakin! Bahala kayo!'

'Lai, naman wala ka bang tiwala sa akin?' Malungkot niyang tugon.

'Sayo meron, sa babae mo wala.' Napansin ko ang pailing-iling ng babae.

Akmang aakyat na ako papunta sa kwarto ng biglang...

'Kuya next time na lang siguro ako bibisita.'

'Kuya?' Malakas kong naibulalas.

'Ou, ate, pinsan ako ni Kuya Zoro. Naiintindihan kita, buntis ka kaya ka nagiging emosyonal.'

'Ayyy ,nakoo pasensya ka na wah Hindi ko lang talaga nakokontrol ng maayos ang emosyon ko.' Pag-iiba agad ng mood ko. Naghahadali pa akong pumunta sa kanya.

'Be careful.' Rinig kong sabi ni Ren.

...End of Flashback...

After kong maipanganak ang kambal napag-alaman ko na nagpapatulong pala sya sa pagplaplano ng Family House. Doon na kasi kami tumuloy after kong madischarge sa hospital.

Ang bawat problemang kinaharap namin ang nagpatatag sa samahan namin.

Nakakatuwang makita ang paglaki ng kambal. Katulad sila ng Kuya Z nila, at their young age may pagka-mature na sila.

Hala! Alas siyete na pala, kailangan ko pang magprepare para sa dinner date namin ni Ren.

Pumasok na ako sa bahay.

Nakita ko namang mahihimbing na natutulog na ang tatlo kong anghel. Sina Z, Zolo at Zola.

After an hour, nakarating na ako sa napag-usapan naming restaurant.

'Happy 6th wedding anniversary, Lai.' Bungad sa akin ni Ren sabay halik ng makalapit ako sa kanya.

'Happy 6th wedding anniversary too, Ren.' Inigaya niya na akong umupo.

'I love you so much.' Saad niya ng makaupo kami at hawakan ang kamay ko.

'I love you too.' Balik ko sa kanya.

Maya-maya ay dumating na ang mga pagkain.

'Come on, let's eat.' Tumango naman ako.

Matapos naming makakain, nag-aya naman siyang magsayaw habang tumugtog ang violin.

'How's work?'

'Tiring, ang daming gawain.'

'Gusto mo ba, tulungan na kita?'

'No, I can handle it.'

'May sasabihin pala ako sayo.'

'Ano yun?'

'I'm pregnant!' Biglaan kong naibulalas.

'What?' Gulat niyang tanong.

'I'm 4 weeks pregnant.' Ngiting-ngiti kong sagot.

'Yes!' Bigla niyang sigaw, sabay buhat sa akin paikot. 'Thank God, magkakababy na ulit tayo.'

'Shhh, huminahon ka nga, di lang kaya tayo ang tao dito.' Natahimik naman siya ng marealize ang sitwasyon namin. Yumuko naman kami bilang paghingi ng paumanhin.

'I love you.'

'I love you too.' Then we kiss.

Ang best moment ng buhay ko ay ang makilala ang isang Zoren Rocher Falcon.

Ang pinaka natutunan ko naman ay dapat pakinggan muna natin ang buong istorya bago tayo humusga. Alamin muna ang mga bagay-bagay bago gumawa ng aksyon.

Ang sekreto sa matatag na samahan ay pagmamahal, pakikinig, pag-intindi o pag-unawa at pagpapatawad.

At I know whatever happens kami pa rin hanggang huli because I believe we are destined to each other.

I am Delilah Marquez. I am the mother of Z, Zolo, and Zola, and their Father is my Boss.

...The End...

----
The saddest part in writing a story is putting the word 'the end.'

Salamat Sayo...

Vote? Comment? Follow?

@lazymindofmind

His Father Is My Boss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon