Laila's POV
Pagkauwi namin sa bahay nila at umalis din kami kaagad. Kumuha lang kami ng mga damit, buti na lang kahit papaano may mga damit ako sa bahay nila. Nadadalas kasi na ako ang palaging kasama ni Z dahil nga sa busy si Ren sa company niya at kay Carmen din siguro. Tsss
By the way, napag-usapan kasi naming pumunta sa Baguio para literal na magpalamig.
...Flashback...
Nagmamaneho ako ng sasakyan papunta sa Falcon's Residence.
'Mommy, can we go somewhere?' Biglang basag ni Z sa katahimikan.
'San naman, Z? It's late in the evening.' Takang tanong ko.
'Gusto ko po sa Baguio.' Sagot niya na ikinagulat ko.
'Bakit?'
'Para po makapag-relax naman po kayo.'
Natouch ako Kay Z, ang sweet niya, hindi kagaya ng ama niya.
'Di naman ako stress masyado. Ayos lang ako.'
'No, mommy. I know you are not fine. Kanina pa po kita pinagmamasdan, at napansin ko pong napakalungkot niyo po. Let's have a vacation po, tutal po busy si Daddy sa business niya.' Yung totoo ilang taon na talaga siya.
'You sure? Inform natin Daddy mo about it.'
'Huwag na po, papayag naman po yun. Atsaka busy po yun sa event nila baka po maistorbo pa po natin.' Busy kamo kay Carmen, hhhmmpp!
'Sige, Z. Kuha muna tayo ng gamit sa bahay niyo.' Tumango naman ito.
...End of Flashback...
Natutulog sa ngayon si Z sa backseat. He is really an adorable child. Napaka-caring niya lalo na sa akin. Hindi ko alam kung anong ginawa kong kabutihan para pagkrusin ang landas namin.
Nang makita ko sya sa kalsada at maging instant mommy niya. Iyon yung pinaka-paborito kong nangyaring aksidente sa buhay ko. Ang makilala at makasama ko siya.
Yaaawwwnnn! I am a little bit sleepy but I still need to drive. Ayoko namang umidlip dahil gusto ko ng maihiga si Z sa kama. Atsaka nasa matarik na daan kami ngayon.
From: Ren
Nasaan kayo ni Z?From: Ren
Bakit wala kayo sa bahay?From: Ren
Nasa bahay mo ba kayo?From: Ren
Bakit di ka nagrereply?From: Ren
Tulog ka na ba?From: Ren
Tulog ka na nga siguro.Ren Calling...
Call Ended...
Binabasa ko lang text messages niya. Ng bigla siyang tumawag, pero syempre di ko sya sinagot. Nagsend sya ng voice call.
""Lai, tulog ka na noh? Pasensya ka na kanina kay Carmen. Ganoon lang talaga yun. I love you. Goodnight.""
Hanggang sa mapapikit ako sa aking narinig. 'Ren,sino ba siya sa buhay mo?' Naibulalas ko na lang bigla.
Napatagal na pala ang pagkapikit ko at sa pagdilat ko, wala na ako sa linya at ang hindi ko inaasahan ay ang pagsulpot ng nakakasilaw na ilaw.
'Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh'
----
Advance Happy Halloween...Hope you like it...
Vote and comment.
Follow also??? :)
@lazymindofmine
BINABASA MO ANG
His Father Is My Boss???
RomanceNawalan siya ng memorya kaya wala akong choice kundi ang kupkupin siya dahil ako ang nakakita sa kanya. Hindi ko akalain na mayaman pala ang kanyang Ama este sila. Hindi ko akalain na.......... "His Father Is My Boss???" - Hope you'll like it. Ito...