"Salamat sa pag-aalaga sa anak ko. Napakabuti mo." sabi nung babaeng hindi ko makita ang mukha.
"Ho? Sino po bang anak niyo?"
hala? Sino yung babae sa panaginip ko. Umaga na pala.
"Good Morning, GC. Bumangon ka na. Malapit ng dumating ang Uncle David mo." bumangon na naman sya at sumunod sa akin sa kusina.
"Good Morning too, Mommy."
"How's your school?"
"It's great, Mommy." sabay subo nito ng cereal."Mommy, malapit na nga po pala yung family day sa school. Iyon po yung ini-sponsoran po nung boss mo."
"Don't worry baby. I'll come."
"E Mommy kailangan po may kasama pong Daddy."
"Don't worry, I'll come as your Daddy."saad agad ni David na kararating lang.
"Yehey!"
"Ohh sya, maligo ka na at baka malate ka pa."
"Sige po." Kaya naiwan kami ni David sa kusina.
"So, twin sister wala ka bang balak hanapin ang mga magulang niya?" ahhmm meron ba? ewan ko..di ko na kasi maisip ang buhay ko na wala si GC.
"I don't know."
"Ayy huwag kang ganyan, Laila. Hanapin mo." paano ko kaya hahanapin? aba dapat sila ang maghanap, di ba?
"Actually, David natatakot nga ako ee."
"Saan?"kunot noong tanong niya.
"Sa pwedeng mangyari. Kasi yung boss ko, base sa kwento niya sa akin ay nawalan sya ng 5 years old na anak, 2 years ago." malungkot kong saad.
"Oh tapos? sa tingin mo sya yung Ama?" tumango naman ako.
"Edi, alamin mo."
"Paano?"
"Talk to him."
"Yun na nga e Mag-uusap kami ngayon about sa anak ko."
"Ohhh"
"I'm ready. Let's go uncle.Bye Mommy." singit ni GC sabay kiss sa pisngi ko. Nginitian ko na lang si David.
---Falcon Company---
"Good morning, Sir."
"Good morning. I am busy today that's why we can't talk."
"Really?" ngiting tanong ko.
"Why so happy?"takang tanong niya sa akin.
"Nothing." tumungo na ako sa office ko.
Buti naman hindi kami mag-uusap ngayon. Di pa ako ready sa malalaman ko. Pero nararamdaman ko na may mawawala saking mahalaga. Pero hindi ko matukoy kung ano o sino yon.
Lunch Time...
"Hey, sabay tayo mag-lunch?" tanong ko kay Dahlia.
"Sure." nagtungo kami sa isang fast food chain. Matapos kaming makakain ay nagchikahan naman kami.
"So, kamusta naman ang pakikitungo sayo ni Sir?"
"hhhm...maayos naman, bakit?"
"wala lang"
"ako naman ang may tanong, paano ba nawala yung anak ni Sir?"
"Sa pagkakaalam ko, may hinanakit yung bata kay Sir kasi di siya nito binibigyan ng oras. Palagi na lang yung Yaya ang kasama nya. Kaya nung nagkaroon ng business trip si Sir sa Cebu ay nag-aya ito na pumunta sa park kasama ang Yaya niya. Kwento nung Yaya nya na nakipaglaro daw sa kanya ang bata ng hide and sick at siya ang taya. Syempre pumikit sya at nagbilang hanggang 10. After nun kahit anong hanap niya sa bata hindi niya na ito nakita. Hindi niya naman agad sinabi dun kay Sir, sa takot na makagalitan kaya gabi na ng ito ay malaman ni Sir. Kaso hindi na talaga nakita ang bata." feeling ko connected yung story niya sa story ko, pero ayoko muna mag-isip saka na lang."Uyy, ayun si Sir oh, may kasamang girl." nilingon ko naman yung tinuro niya.
"Wow huh busy daw? nakikipagdate lang pala tsss" bulong ko sa aking sarili.
"Uyyy, selos."
"Huh? Sino?"takang tanong ko.
"Wow huh busy daw? nakikipagdate lang pala tsss" inulit niya naman yung sinabi ko. Ano ba yan? napalakas pala pagkakasabi ko. Inirapan ko nga sya.
"Tara na, hindi na maganda yung view." hinigit ko na sya bago pa umangal. Napansin ko namang babatiin sana kami ni Sir pero di natuloy kasi di ko pinansin.
"Uyy umamin ka nga selos ka?"
"Grabe ka naman. Hindi noh. Ohh sya akyat na ako sa office ko."
"Sige. Huwag masyadong magseselos huh. hahaha" napailing na lang ako.
After one hour, bumalik na naman sa isipan ko yung kanina. Nagseselos nga ba ako?
Tae confused na nga ako sa anak ko pati ba naman sa boss ko?
---
Just comment your suggestion and reaction. :) Also, kindly vote. Thankee 😊@lazymindofmine

BINABASA MO ANG
His Father Is My Boss???
Roman d'amourNawalan siya ng memorya kaya wala akong choice kundi ang kupkupin siya dahil ako ang nakakita sa kanya. Hindi ko akalain na mayaman pala ang kanyang Ama este sila. Hindi ko akalain na.......... "His Father Is My Boss???" - Hope you'll like it. Ito...