Consultation

22.5K 455 5
                                    

"Salamat sa pag-aalaga mo sa anak namin" sabi ng isang magandang babae.

"Sino po bang anak niyo?"

"Si Z."

"Z? Sino po yun?"

"Z ang nickname niya."

"E wala naman po akong kilalang Z na bata."

"Kilala mo siya. At nararamdaman ko na handa ka na."

Grabe napaniginipan ko na naman yung babae. Sign na kaya ito para ibalik ko na si GC sa magulang niya? Tutal magpapasko na, maganda sigurong regalo iyon kay GC ang makita ang kanyang Ama at makita siya ng kanyang Ama. Haaayy, kaya ko na nga bang mawala si GC sa piling ko? Bahala na, para sa ikaliligaya ng anak ko handa akong magsakripisyo. Napabalik ako sa realidad ng magring ang cellphone ko.

"Hello, David. Aga-aga napatawag ka?"

"Laila, kailangan mo ng bumalik." seryoso nitong sabi.

"Huh? Bakit?"

"Kailangan kita, kailangan ka ng pamilya natin."

"Wow! Joke ba ito?" tumatawa kong tanong sa kanya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" ee hindi

"Anong nangyari at kailangan nila ang anak nilang babae?"

"Our company is in crisis." wee? company namin? malabo

"David, kung miss mo na ako sabihin mo lang pwede ka naman pumunta dito e. Bakit kailangan mo pang idamay ang kumpanya? Ikaw talaga. Miss na din kita twin brother." pabiro kong saad sa kanya. Sa katunayan matagal na talaga kaming hindi nagkikita.

"Laila!" ayyy galit na. "You need to come home." ayyy ganun lang yun? wala akong choice

"Alright. After Christmas, may kailangan lang akong gawin."

"Promise?" tumango naman ako. Ayyy nasa telepono nga lang pala sya. Tonta ko talaga. hahaha

"Promise. Bye." then I hang up.

Haaayyy, ano kayang nangyari? kailangan ko ng makausap si Sir.

"Good Morning, Mommy." sabay kiss niya sa pisngi ko.

"Good Morning, Baby." sabay aya ko sa kanya sa kusina.

After naming makakain at makapag-ayos ng sarili ay inihatid ko na sya sa kanyang school at dumeretso na ako sa trabaho.

Kinahapunan, napagpasyahan ko ng kausapin si Sir.

"Good afternoon, Sir."

"Good afternoon, Laila." bakit ang gwapo ni Sir ngayon? (Ngayon lang?) Edi araw-araw hihihi

"Sir, gusto ko lang po sanang ipaalam ng maaga na magre-resign na pa ako after Christmas." nakita ko naman na nagulat sya sa aking sinabi.

"Why?" kalmado niyang tanong.

"Family Problem po."

"Ohh, I see. Is it about GC?" well ou parte dun si GC.

"Sort of."sagot ko ng nakayuko. Napapaiyak naman ako.

"Hey, are you crying?" nagulat naman ako na nakalapit na pala sya sa akin at pinupunasan ang luha ko. Ang sweet ni Sir kinikilig ako.hihihi Ayyy ano ba yan? nagawa ko pang lumandi sa sitwasyon ko.

"Si GC po, mamimiss ko po sya. Mahal na mahal ko po yung batang yon. Isa sya sa mga dahilan kung bakit matatag at masaya ko araw-araw. Siya ang pinaka-importanteng blessing na nakuha ko mula sa Kanya.Sana...sana... hindi niya ako makalimutan kasi ako hinding hindi ko siya malilimutan kasi parte siya ng buhay ko." pinapakalma naman ako ni Sir.

"Ano ba kasing nangyayari? Paintindi mo sa akin."

"Malapit na po kasi siyang kunin sa akin ng Ama niya." sambit ko na lalong nagpahagulgol sakin. Napahinto naman siya sa aking sinaad.

"Bakit?" nag-aalala niyang tanong.

"Kasi, kulang 3 years na siyang nawalay sa anak niya at gusto niya na itong makita. Kailan ko lang napagtanto na, siguro sapat na yung pinagsamahan namin nung bata. Kung dati ako ang nangangailangan ng kasama, ngayon naman ay ang ama niya. Alam kong nangungulila na ito sa kanyang anak."

"What? naguguluhan ako." nakakunot noong sambit niya.

"Ayyy, ayoko na Sir magdrama, sayang ang face. ahhaha" nagbiro na lang ako para matapos na. "Ikaw Sir yung sa anak mo? may progress na ba?"

Zoro's POV

"Ikaw Sir yung sa anak mo? may progress na ba?" nagulat naman ako sa biglang tanong ni Laila about sa anak ko.

"No clues until now." tumango-tango naman ito."Alam mo nung makita ko si GC, naramdaman ko na nabuo muli ang father figure ko." dagdag ko. Nakakabakla naman to. "Ewan ko ba, feeling ko may lukso ng dugo akong naramdaman. Pero kung iisipin hindi pa naman kita kilala 8 years ago para maging ama ng anak mo. Atsaka mahal na mahal ko nun ang asawa ko." nakita ko naman siyang napangiwi."Bakit Laila? May nararamdaman ka ba?" umiling naman ito.

"Sir, sa tingin niyo po bakit kayo tinakasan ng anak niyo? I mean yung Yaya niya?" napaisip naman ako dun.

"Siguro dahil napagalitan ko sya. That day kasi...

Flashback...

"Daddy, I want to go home."

"NO!" singhal ko sa kanya.

"Why?"

"Can't you see? I am in the middle of work."

"You always work. You hate me Daddy do you?"

"YES! 'Cause you are the reason why your mother died." di ko sinasadyang masabi.

"Ahh, okay. Me and Yaya will go to a park." malungkot nitong sabi sabay alis.

End of Flashback...

...Iyon yung huli naming pag-uusap bago siya nawala."

"Grabe, Sir akala ko ba di niyo siya sinisisi ? Bakit niyo yun sinabi sa kanya? Bata yun SIr, bata."

"Yeah, I know. I am an asshole way back then. Kaya nga nagsisisi ako na pinaramdam at sinabi ko yun sa anak ko. Miss na miss ko na sya. Sana nga totoo yung sinasabi sakin ng asawa ko na malapit ko na syang makita." Binuksan ko naman yung drawer kung saan ko itinago yung picture ng anak ko.

"Sige po, Sir. Balik na po ako sa trabaho ko." Paalam niya at lumabas na ng office ko.

-----
Just comment your suggestion and reaction. :) Also kindly vote. Thankee :)

Hala! Sino sino si Z?

@lazymindofmine

His Father Is My Boss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon