Wound

23.4K 494 5
                                        

Laila's POV

It's been two weeks simula ng ibalik ko si GC sa tunay niyang magulang. Nakakalungot isipin na hindi ko siya kasama but at the same time happy kasi kasama na nila ang isa't isa.

Busy ako ngayon magmanage ng aming mga company. Tinutulungan ko si David na maresolba ang mga problema.

Ayos lang naman sa akin na tumulong dito lalo na't malaki ang naitulong sakin ni David sa mga panahong kailangan ko siya. Kaso nabalitaan ko na uuwi din ang mga magaling kong magulang. Hindi ko pa alam kung anong i-aakto kapag nakita ko na sila. Actually, any minute now ay baka nasa bahay na iyon dahil sinundo na sila ni David sa airport.

Kamusta na kaya yung mag-Ama? Kahit naman kasi balitaan ako ni Zoro di ko naman na mababasa dahil nagpalit na ako ng number. Bakit? Kailangan. Kailangan kong makalimutan na mahal ko na siya. Oo tama kayo mahal ko na siya. Kung bakit? Hindi ko alam. Kailan pa? Hindi ko din alam. Ganyan naman kasi ang puso kusa na lang nagmamahal ng walang dahilan at magugulat ka na lang na mahal mo na pala yung tao.

Nung maggagabi na ay naisipan ko ng umuwi. Si David naman kasi alam niyang ayokong tumira sa bahay namin, ayaw akong ikuha ng condo unit o kaya kahit apartment man lang.

---Marquez Mansion---

"Good evening, Iha." Bati sa akin ni Nay Lydia. Nung nakatira ko kay Auntie, siya ang nag-alaga sa akin.

"Good evening din po, Nay." Bati ko naman pabalik sa kanya.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga po. Kasi naman po, alam ko pong meron akong aabutan sa bahay na luto niyo po."

"Ikaw talagang bata ka. Ohh sya halina't ikaw ay kumain na." Sumunod naman ako sa kanya sa kusina ngunit hindi ko naman akalain na nandon pala ang magaling kong mga magulang. Tatalikod na sana ako...

"Laila, let's eat." Aya sakin ni David. Umiling naman ako.

"Maybe later, twin brother." Palakad na ako paalis ng...

"Anak, come on let's eat." Sabi nung babae.

"Ho? Sino pong anak niyo?" Nakita ko naman na lumungkot siya. Tss galing umarte.

"Delailah!" Matigas na bitaw naman nung lalaki.

"Sino po yun? Nagkakamali po yata kayo. Ako po kasi Laila." Sabay walkout ko sa kanila. Pasalamat nga sila, iginagalang ko pa sila e sa ginawa nila sa aking pag-abandona.

Flashback....

I am 7 years old but I still didn't saw my parents but I am seeing my twin brother.

"Hi, twin brother. Where's Mom and Dad?"

"I am sorry, they're busy."

"As always."

18 years old. 18 years of existence, hindi ko pa rin sila nakikita. Ngayong may isip na ako. Naintindihan ko na ang nangyayari.

Narinig ko kay Auntie na kaya ako nasa kanya dahil kailangan na itago ako. Itago? Ang sabihin mo hindi nila ako mahal. Atsaka hindi lang naman ako ang anak nila, bakit si David? Kasama nila sa bahay. Ang Unfair.

20 years old. After graduation ay naglayas na ako. Tutal makakapagwork na ako atsaka gusto ko ng maging malaya. Malaya sa lahat. Wala akong naging kaibigan dahil naging anti-social ako. Ikaw ba naman kasi ang ikulong sa bahay ng 16 years, ewan ko lang kung sociable ka pa.

Si David, siya ang laging tinatawagan ko kapag kailangan ko ng tulong, wala naman akong hinanakit sa kanya dahil parehas lang kaming anak. Magulang ko lang ang dapat kong sisihin dahil sila ang pumiling ipamigay ako sa tita ko.

Hindi ko na iniisip kung hinahanap ba nila ako kasi panigurado namang hindi. Baka nga nagdidiwang pa ang mga iyon e

Kung dati hinahanap-hanap ko ang mga magulang ko, ngayon kinamumuhian ko sila. Ang mga tulad nila dapat ay hindi marapat bigyan ng anak. Wala silang puso, mentras babae ako? Ganun-ganon na lang nila ako ipamigay? Narealize ko yan kailan lang na dahil sa pagiging babae ko kaya nila ako pinamigay. Pero bakit? Kung talagang mahal nila ako na palaging sinasabi ni Tita at David hindi nila ako aabandunahin. Dahil walang magulang ang kayang mawalay ng matagal na panahon sa kanilang anak.

End of Flashback...

Kaya naman hindi ko na inasahan pa na makikita ko sila at kakailanganin nila ang tulong ko.

Akala ng iba ang saya-saya ng buhay ko. Pero hindi.

Sa bawat ngiti ay may nakatagong pighati.

------
Just comment your suggestion and reaction. :) Also kindly vote. Thankee 😊

Bakit kaya siya iniwan sa Tita niya?

Pasensya na I'm not good at drama.

@lazymindofmine

His Father Is My Boss???Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon