"Good Morning, GC."bati ko sa kanya pagkagising nya. "How's your first day of school?"
"It's great, Mommy. I gained new friends." mahahalata mo sa mukha nya na masaya sya.
"That's good. Come on, let's eat breakfast so when your uncle came he can drop you to school." Saktong pagkatapos namin kumain ay dumating na si David.
"Let's go, GC." engganyo niya kay GC.
"Take care, my son." nag-flying kiss naman ang anak ko sakin. Ako naman? eto paalis na rin, mahirap na baka malate na naman ako. Pagdating ko sa Falcon Company.
"Good Morning, Laila. Hinahanap ka na ni Sir. Bad Vibes." ayyy patay bakit kaya??
"Good Morning din, Dahlia. Bakit kaya?" nagkibit balikat lang ito.
Pagpasok ko sa office ni Sir. Nanlilisik na mata ang bumungad sa akin.
"I TOLD YOU YESTERDAY THAT DON'T TOUCH MY THINGS!" ahhh okay yun pala yun
"EE Sir, you told me to clean up your mess so I thought I must need to...."
"I don't need your damn explanation. Get out." ohhh okay
Zoro's POV
Lintek na babaeng yun, sinabi ko naman sa kanya na huwag hahawakan yung mga gamit ko. Ang ibig sabihin ko lang naman kahapon na clean up my mess ay magwalis siya sa loob dahil nagkalat ang mga beer in can.
Haaayy!!! Agang bad vibes nung babaeng yun.
Tiningnan ko naman yung mga papeles sa desk ko. In-fairness magaling siyang pumili ng proposal. Dahil sa kanya nabawasan ang gawain ko, pero kahit ganon ayoko pa rin na pinakikialaman ang gamit ko. Binuksan ko na ang drawer upang kuhanin ang ballpen ko pero di ko inaasahan na makikita ko ang anak ko na 2 years ng nawawala. 1 year ko din syang pinahanap pero ngayon hindi na dahil nawalan na ako ng pag-asa that day kasi nung nawala sya ay may nabalitang nasa gasaan na bata at inisip ko na baka sya yun.
Mahal na mahal ko ang anak ko, pero di ako ganun ka showy para ipakita yun sa kanya. Kahit na alam ko na sinisisi niya ang sarili niya ng mamatay ang Mama niya. Namatay kasi ang Mama niya, pagkapanganak sa kanya.
Bumalik ako sa realidad ng may kumatok.
"Ahh Sir, may meeting na po kayo."
"Alright." Tumayo na ako at tumungo sa Meeting Room.
Laila's POV
Nasa meeting ngayon si Sir, at dahil tinapos ko na kahapon ang mga gagawin ko. Makikipagchismisan muna ako kay Dahlia. Tutal maglu-lunch break na naman.
"Hi, Dahlia. Sabay na tayong maglunch?"
"Sure."
"So, Dahlia kwentuhan mo naman ako about kay Sir."
"Sabi ko na nga ba ee may gusto kang malaman."
"hehehe sige na kwentuhan mo na ako, curious ako ee"
"Well, hindi naman ganyan dati si Sir. Nagsimula yan mula nung mawala sa kanya ang mag-ina nya."
"ohhh, kawawa naman pala si Sir. Anong nangyari sa mag-ina niya?"
"Yung ina namatay pagkapanganak, yung anak naman nawala nung business trip niya."
"Di man lang ba nya pinahanap ito?"
"Pinahanap pero 1 year lang kasi kasabay nun may nabalitaan na naaksidenteng bata, inisip niya na iyon yung anak niya."
"ohhh" kakas-speechless buhay ni Sir wah
"Tapos mula nun, naging mainitin na ang ulo nya."
"Salamat Dahlia sa pagkwekwento, sa uulitin." sabay sakay ko ng elevator.
"Saan ka galing?" bungad ni Sir High Blood.
"uhhmm nag-lunch?" sarcastic kong sagot. Obvious ba? lunch time kaya.
"whatever, I need you in my office now." Pagkatapos nun inabot niya sakin yung mga papeles na sinang-ayunan ko kahapon.
"Anong gagawin ko dito Sir?"
"Titigan?" sarcastic niyang sagot.
"ahh okay." tinitigan ko naman.
"ughh I want you to explain to me kung bakit nagustuhan mo ang mga proposal na yan." ahhh yun naman pala. So ayon, binigay ko sa kanya ang hinihingi niyang explanation. Inabot kami ng mahigit 3 oras. Natuyuan yata ako ng laway dun ahh
"You may go now." sabi niya. edi wow. wala man lang Thank You. tsssk Umuwi na ako sa bahay after non
----
Just comment your suggestion and reaction. :) Also, kindly vote. Thankee 😊@lazymindofmine
BINABASA MO ANG
His Father Is My Boss???
RomanceNawalan siya ng memorya kaya wala akong choice kundi ang kupkupin siya dahil ako ang nakakita sa kanya. Hindi ko akalain na mayaman pala ang kanyang Ama este sila. Hindi ko akalain na.......... "His Father Is My Boss???" - Hope you'll like it. Ito...