Confirmed

23.4K 494 3
                                    

Ngayong araw ay maghahalfday lang ako sa work ko. Bakit? Bukas kasi ay disperas na ng pasko. Kaya kailangan ko ng mamili ng mga panghanda lalo na at double occasion ito. Christmas vacation na nila GC kaya makakasama ko syang maggrocery. Kung dati sa Bayan kami naggrogrocery ngayon sa Super Market ng Mega Mall na. Oh di ba? Asensado na ang lola niyo.hahaha

"GC wake up, we'll buy groceries." aba ayaw magpagising ng bata. Alam na this.

"Hahahha Mommy ahhahaha" kinikiliti ko lang naman sya. Isa ito sa mga bagay na mamimiss ko kapag wala na sya sa piling ko. Di ko namalayang may tumulong luha na pala sa mga mata ko.

"Mommy why are you crying?"

"Nothing baby, I'm just happy." tumango naman ito at hindi na nagtanong pa.

Tumayo na kami at tumungo sa kusina upang kumain. Matapos non ay nagayos na kami ng sarili para makapamili na kami.

Habang naglilibot kami sa Super Market, narining ko si GC na may tinawag na Daddy. Kaya nilingon ko ito.

"Look Mommy, Daddy's here." sinundan ko naman yung tinuro niya at sumalubong sa akin ang nakangiti kong boss na nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Shete lumalandi na naman ang puso ko.

"Uhhmm Sir, what are you doing here?" tanong ko dito ng makalapit at kargahin si GC.

"Zoro" napakunot naman ang noo ko. "I mean, call me Zoro, stop calling me Sir especially that you are resigning tomorrow." Ayyy ou nga pala bukas na ko magreresign.

"Ahh okay Zo..ro.." tae bakit ako nautal? Duhh first time ko kayang banggitin name niya. Sorry na. Nakita ko naman na nakangiti siya sa akin. Nagurimentado na naman ang puso ko. "Zoro, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at nagsimula ng maglakad ulit.

"Remember? Christmas Eve tomorrow. So, I'll buy something to prepare for that day."tumango-tango naman ako."Don't tell me, akala mo hindi ako nagce-celebrate ng mga ganong bagay?" Inakala ko nga ba? o nage-expect ako ng ibang sagot?

"Hindi naman sa ganon. Sir? este Zoro anong wish mo ngayong pasko?" napaisip naman ito.

"Actually simula ng mawala ang anak ang wish ko tuwing pasko ay ang makita siya." Ako pala ang mag-ala Santa ngayong pasko sa kanilang mag-ama if ever na mapatunayan na siya nga ang Ama ni GC.

Flashback...

"GC What is your wish this Christmas?" tanong ko sa kanya bago kami matulog. Napansin ko namang napaisip ito.

"Di ba po sabi niyo po nakita niyo na po ang Daddy ko?" tumango naman ako. Kahit di ko pa nakikita yung isang bagay na kailangan kong makita bago ko makumbinsi ang sarili ko na sya talaga ang Ama ni GC. " Kaya ang wish ko po ay sana makita at makasama ko na po si Daddy." Alam niya na rin kasi na patay na ang Mommy niya kaya hindi niya na ito hinahanap pa. Kinuwento ko na kasi sa kanya na namatay ito pagkapanganak sa kanya kaya umiyak ito.

His Father Is My Boss???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon