Third Person's POV
After 2 weeks...
Masaya ang gising ni Zoro ngayon dahil kasama na niya ang kanyang anak. Ngunit kahit ganoon ay nakararamdam pa rin siya ng lungkot dahil hindi niya alam kung nasaan na naroroon si Laila. Hinihimas niya ang buhok ng kanyang anak habang ito ay natutulog.
"Z patawarin mo si Daddy. Promise babawi ako." saad niya atsaka kiniss ang noo ng bata.
Nagluto na siya ng fried egg, ham at sinangag bilang agahan nila. Pagkatapos niyang magluto ay ginising na niya ang kanyang anak.
"Wake up, baby. Breakfast is ready." sabi niya sa anak niyang tulog pa. "Sige ka, kapag hindi ka pa bumangon diyan, kikilitiin kita." hindi pa rin bumabangon ang bata kahit ito ay gising na. Gusto niya kasing kilitiin siya dahil ganoon sila maggisingan ng Mommy niya."Ahh ganon? ayaw mo talaga?" kiniliti na niya ang bata.
"hahahhahaha Daddy hahahhaa Daddy hahahaha tama na po hahaha" tinigilan na naman niya ang pangingiliti sa anak. Pero hindi niya inaasahan na ang bata naman ang mangingiliti sa kanya.
"Hahhahah Z ahhahahah Z hahahaha" sa huli ay nagkilitian ang mag-ama hanggang sa makaramdam sila ng gutom.
"Let's go. Nakahain na ang breakfast." umakto naman ang bata na nagpapakarga.
"Ang laki na ng baby ko, nagpapakarga pa din." kinarga niya ito at ginulo ang buhok.
"Syempre Daddy ngayon lang po tayo ulit nagkasama e."
Zoro's POV
Nasa office na kami ngayon. Kasama ko Z kasi walang magbabantay sa kanya sa bahay. Ayaw niya kasi. Dahil wala naman masyadong paper works dito sa office kaya isinama ko na sya.
"Daddy punta po tayo sa condo unit ni Mommy." biglang sabi ni Z.
"Alam mo ba kung saan?" tumango naman ito at may iniabot sa aking papel na may kasamang susi. "Saan mo ito nakuha?" takang tanong ko.
"Sa bulsa ko po nung gabing iniwan po tayo ni Mommy sa rooftop." ibig sabihin naplano na niya ang lahat. Laila, nasaan ka ba? madami kong tanong na ikaw lamang ang makakasagot. Bakit ngayon mo lang sya ibinalik? Kailan mo pa alam na siya ang nawawala kong anak? sinadya mo din ba ang pag-aapply sa akin bilang secretary?
"Sige. Tara puntahan natin."
Sumakay na kami sa kotse at tumungo sa isang condominium building na hindi naman masyadong kalayuan sa kompanya ko.
Nang makapasok kami sa Condo Unit ni Laila ay mahahalata mong nalilinis pa rin naman ito kahit na wala ng tao.
"Daddy, tingnan niyo po may dalawang papel po akong nakita. Yung isa po ay may pangalan ko. Tapos yung isa po sa pangalan niyo po." Kinuha ko naman sa kanya yung papel. Pinaupo ko naman siya at binasa ko ang sulat na ginawa ni Laila para sa kanya.
Dear Gian Carlo Marquez,
Alam kong sa mga oras na mahawakan niyo ng Daddy mo ang sulat na ito ay wala na ako sa piling mo.
Hindi ko naman hiniling sa kanya na bigyan ako ng anak sa panahon na nakita kita dahil wala pa naman akong asawa. Pero sadya yatang itinadhana na makita kita sa gilid ng kalsada na walang malay habang ako ay naglalakad sa park. Dinala kita agad noon sa malapit na hospital. Nang una mong imulat ang mga mata mo ay nakaramdam ako ng galak pero nang sabihin mong wala kang natatandaan. Natakot ako dahil hindi ko alam kung paano mag-aruga ng isang bata. Pero naniwala ako na ang pagkikita natin ay may dahilan.
Sana naramdaman mo sa mga panahong magkasama tayo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ako kasaya sa pagdating mo sa buhay ko. Sana patawarin mo ko kung iniwan kita ngayon. Sana patawarin mo rin ang iyong Daddy kung sakali mang makaalala ka na.
Basta ito ang tatandaan mo, mahal na mahal na mahal kita. Hintayin mo ako, pangako babalikan muli kita kapag naayos ko na ang dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
His Father Is My Boss???
RomanceNawalan siya ng memorya kaya wala akong choice kundi ang kupkupin siya dahil ako ang nakakita sa kanya. Hindi ko akalain na mayaman pala ang kanyang Ama este sila. Hindi ko akalain na.......... "His Father Is My Boss???" - Hope you'll like it. Ito...