Prologue

98.3K 2K 130
                                    

Prologue  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue  


Alitaptap

Sa gabi ikaw ang liwanag

Sa umaga'y namumukadkad ang sinag

Lilipad-lipad

Kahit saan man mapunta

May dala kang pag-asa

Maliit man sa paningin

Ang apoy mo ay tanglaw sa amin

Malayo ka man sa piling

Kahit saan ka man makarating

Ito'y iyong pakatandaan

Anino mo liwanag

Pag-ibig mo ay sagisag

Samahang walang katulad

Ikaw ang nagtatag

Hanggang sa huli iyong asahan

Walang mababago sa samahan

Kami ay ikaw

Ikaw ay kami

Sa bandang-huli tayo pa rin

Ang magkapiling


~**********************~


Dearest girls,

Do I need to give myself an initiation?

To be fair with the other members and to the new ones, I'll have one.

Hindi man ngayon pero darating ang tamang panahon kung kailan kayo naman ang magbibigay sa akin ng initiation. I gave nine consequences and I am going to accept nine initiations in the near future—when the right time comes... in due time.

Love,

Hexel Marie Domingo



                                                                            ~**********************~  



"ITAKAS mo mama ang anak ko, hindi siya pwedeng mahanap ng mga humahabol sa amin." Ibinigay ng isang babae ang batang nakabalot sa isang itim na kumot, halos nasa pagitan ng lima hanggang pitong buwan pa lamang ang sanggol. Tiningnan muna nito ang sanggol at hinalikan sa noo bago binalingan ang ina na katulad din niya ay gulagulanit ang suot dahil sa kung saan-saan sila sumuong para lang makatakas sa mga kumuha sa kanila.

"Sasama ka sa amin Winhly hindi kita pwedeng iwanan dito." Isang malungkot na ngiti ang pumaskil sa magandang mukha ng anak na agad na naintindihan ng ina.

"Hindi ako pwedeng umalis dito mama. I need to find my husband here, I promise hahanapin ko kayo. Please Ma, umalis na kayo dito." Kinuha nito ang isang kwentas, ang suot nitong mga alahas at ibinigay sa ina. "It would be hard for us from now on Mama, hanapin niyo si Landurie." Tukoy nito sa kapatid nitong naiwan sa Pilipinas. "Wala ni sinuman sa mga tao dito na nakakakilala sa tunay kong pagkatao sa Pilipinas. Ang alam lang nila ay napulot ako ng asawa ko at pinakasalan, they won't even think na doon kayo tumakas dahil buong akala nila ay sa Europa ako lumaki. Alagaan niyo po ang anak ko mahal na mahal ko siya mama."

"Naiintindihan kita Winhly at tandaan mo mahirap sa akin ang iwanan kita dito na nag-iisa pero kilala kita alam kong matapang ka. You grew up without my help and you've survived."

"Thanks mama and I love you so much," yumakap si Winhly sa ina bago hinalikan at tinitigan ang anak niya. "Don't use her real name mama, I'll give this little firefly a name."

"What name?"

"Hexel, Hexel Marie Domingo." Alam niyang nagulat ang ina niya sa pangalan na ibinigay niya sa kanyang anak.

"Si-sigurado ka bang gagamitin ng batang ito ang pangalan na iyon?" tumango lang ang anak sa tanong ng ina.

"Yes, mama. Give her my best friend's name..."




<3 <3 <3

a/n: Don't expect an everyday update for this one, sinasabay ko lang sa ZBS #9. 

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon