Chapter Seventeen
INAAYOS niya ang mga gamit sa loob ng kanyang bagpack, laking pasasalamat na lamang niya at hindi napansin ng kanyang mga kaibigan na medyo may malalim siyang iniisip. Nasa kalagitnaan ang mga ito ng pag-aalala sa nangyari kagabi ng may marinig silang mahinang katok.
"Kuya?" napapitlag siya at pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig ng marinig ang tawag ni Ainsley sa bisita. "Wala dito si kuya Clive." Not Clive? Napatingin siya sa bisita nila at nagtataka kung bakit nandoon si Hugh.
"Gwapo." Bulong ni Karylle. "Dear future husband." Bumungisngis pa ito habang nakatingin sa lalaking nakilala lang niya kagabi.
"Inihatid ni Clive si Tara sa airport."
"That's a good news sana hindi na bumalik ang bruhang iyon dito."
Dapat ay maging masaya siya sa balita ni Ainsley pero hindi ganoon ang nangyari, hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa ni Clive sa kanya. Kung hindi siya nito gusto sana hindi nito ginawa ang bagay na iyon. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niyang babae dahil pumapayag siyang magpahalik sa lalaking wala namang gusto sa kanya.
"May gusto lang akong bisitahin."
"Is it me you're looking for?" singit ni Karylle. Tumawa lang si Hugh tapos ay dumako ang tingin sa kanya and smiled at him sweetly. "Ay hindi pala ako, Hex may naghahanap sa iyong gwapo."
"Can I borrow your lovely friend for a while?"
"Ibalik mo iyan agad hindi namin pinapayagan na may dumapong lamok sa cuticle ni Hex kaya hindi mo siya dapat pahirapan." Natawa siya sa sinabi ni Crischelle.
"At bawal siyang ligawan sa dalampasigan dapat umakyat ka ng ligaw sa dorm with matching flowers, chocolates, cakes, foods na good for twenty stomach kailangang makinabang din kami sa iyo."
Hinampas ni Chloe si Karylle dahil kung anu-ano ang pinagsasabi nito. "Dalian mo na Hexel." Pero tinulak mo naman siya nito papunta sa pintuan.
"Kuya Hugh ang kondisyones, mahal na reyna namin si Hexel subukan mo lang kantiin ni dulo ng hairstrands niya susugurin ka namin." Banta ni Ainsley. Natatawang sumaludo si Hugh sa mga kaibigan niya. Bago pa may masabing kung anu-ano ang mga ito ay sumama na siya sa binata. Palagay ang loob niya kay Hugh kaya okay lang na sumama siya dito. Right now mas gusto niyang makasama si Hugh keysa kay Clive.
"Your friends really love you Miss Hexel." Biro ni Claude.
"Because I love them Mr. Hugh." Bumaba ito sa hagdanan tapos ay parang prinsepe na inilahad ang palad nito tinanggap niya iyon at saka marahan siya nitong inalalayan para makababa sa hagdanan.
"Dapat ingatan daw kita ikaw ang reyna nila."
Tumawa siya sa sinabi nito. "I might be their queen but they are my world without them I am nothing." She replied.
"Nakakainggit ang friendship niyo." Tuluyan ng sumayad ang mga talampakan niya sa ground floor.
"Magkaibigan din kayo ni Clive hindi ba?"
"Our friendship is of different level."
"Business level?"
"Sort off and more then that." She faked a shocking gasp.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...