Chapter Twenty-Six

35.5K 1K 99
                                    

Chapter Twenty-Six


"Sex." Napapitlag si Hexel ng marinig ang sinabi ni Zyrene, tiningnan niya ang itinira nito sa scrabble board. Nasa cafeteria sila ng mga oras na iyon dahil pare-pareho silang walang klase, hindi rin siya makapagconcentrate sa mga papeles na medyo matagal-tagal nang nakatengga sa mesa ng lola niya. Kailangan niya iyong tapusin, kailangan niyang basahin pero hindi niya magawa dahil pilit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa party. Ang galit na mga mata ni Clive habang nakatingin sa kanya, ang threat nitong gagawin nitong miserable ang buhay niya kapag natuloy ang kasal.

"Ano ba naman iyan Zy ang halay ng tira mo." Reklamo ni Diana.

"Sa lahat pa talaga ng pwedeng magreklamo ng mahalay ay ikaw pa talaga." Ani ni Zyrene. "Your turn babe."

"Hindi ako baboy kaya huwag mo akong tawaging babe, si Karylle pwede ba." Nakatikim si Diana ng batok mula sa katabi nitong si Karylle.

"Sexy na ako ngayon and please lang don't bring back the past."

"Ako na." iniisa-isa ni Diana ang mga tiles nito sa board na para bang excited na excited. "Of course after sex at walang condom ay magkaka-Baby." Parang may kumabog sa dibdib niya sa tira ni Diana. Paano nga kung may nangyari sa kanila ni Clive, paano kung mabuntis siya? Will he accept the child? Pananagutan ba siya nito dahil nabuntis siya and will he take good care of her?

"Ako na, sure ball na ito. Scrabble na mga babes." Ibinaba ni Karylle ang natirang tiles nito sa scrabble board. "Sex plus baby equals Wedding! Scrabble na." malakas na nahampas niya ang table na naging dahilan kung bakit nawala sa puwesto ang mga words na pinaghirapan ng mga kaibigan niya sa paglalaro. Maging siya ay nagulat din sa kanyang ginawa.

"So-sorry." Hingi niya ng paumanhin sa mga kaibigan niya. "Hindi ko sinasadya." Aayusin sana niya ang mga tiles ng pigilan siya ng kanyang mga kaibigan.

"Uy, Hex may sakit ka ba? Kanina pa namin napapansin na medyo malayo ang iniisip mo. You can always tell us." Crischelle tapped her shoulder. Natigilan naman siya sa tanong nito, may Malaki siyang problema pero hindi niya alam kung tama bang sabihin iyon sa mga kaibigan niya. Naramdaman niya ang mariing titig ni Ainsley sa kanya. Ainsley gave her an ultimatum, she needs to make up her mind or she will tell the girls what happened between her and her brother.

"Okay lang ako medyo napagod lang ako dahil sa test."

"Mahirap nga naman ang midterm pero alam namin na sisiw lang sa iyo ang test, gusto mong magpahinga muna?" nag-aalalang tanong ni Monica sa kanya. She faked a smile and nod, she needs some quite time for herself. To think and to decide.

Tumayo siya dala ang kanyang mga gamit. "Babalik lang ako sa dorm girls."

"Gusto mong samahan kita?" presenta ni Gette.

"No need Gette." Nagmamadaling umalis siya sa harap ng mga kaibigan niya. Pero hindi papuntang dorm ang daan na tinahak niya, if she wanted to think she needs to go somewhere far and it shouldn't be here.

"Hex!" napalingon siya ng may marinig na tumawag sa pangalan niya. Nakita niya si Xyler na nakahilig sa racing car nito na may design na logo ng iba't ibang kompanya na marahil ay sponsors. "Saan ka pupunta?"

"Somewhere." Far from here.

"You don't look good dahil ba sa results ng test kanina?" bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. "Mukhang may problema ka nga dahil hindi normal sa iyo na bumagsak sa lahat ng tests natin." Hindi rin niya iyon nasabi sa kanyang mga kaibigan, kapag nalaman ng mga ito na wala siya ni isang test na naipasa ay sigurado siyang magtataka at magtatanong ang mga ito. "Hey." Mas lalong naguluhan ito sa naging reaksyon niya. "You need to talk? I don't judge." May halong birong sabi nito but yes she need someone to talk to right now.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon