Chapter Twenty-Seven

35.3K 1K 75
                                    

A/N: Babies, ito na iyong update ko para bukas.. mwahahahahaha, wala lang gusto ko lang matawa. Natatawa talaga ako eh hindi ko maintindihan!


Chapter Twenty-Seven

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, kinakabahan siya para sa kalagayan ng lola niya. Hindi pwedeng may masamang mangyari dito dahil habang buhay niyang sisisihin ang sarili niya. She keeps on praying while she was still on the road for her grandmother's safety. Ilang hakbang nalang at tuluyan na siyang makakapasok ng may humawak sa braso niya at hinila siya sa kung saan. Gulat na napatingin siya sa taong humila sa kanya at hindi na rin niya kailangan pang manghula kung sino iyon dahil kahit nakatalikod ito ay makikilala at makikilala niya ang lalaking ito.

Pero wala siyang panahon para kausapin at harapin ang galit nito mas importante sa kanya ang kalagayan ng lola niya kaya idiniin niya ang talampakan sa lupa at marahas na hinila ang braso niya palayo dito.

"Bitiwan mo ako Clive." Matigas na ani niya ng hindi niya magawang matanggal ang pagkakahawak nito sa kanya. Agad din itong humarap sa kanya at bahagyang natigilan ng matitigan siya, saglit lang iyon dahil mabilis din na nawala ang kahit na anong ekspresyon sa mukha nito.

"We need to talk."

"Mas importante pa ba ang pag-uusapan natin keysa sa kalagayan ng lola ko?"

"This is my freedom at risk here Hexel--."

"Your freedom?" sarkastikong ani niya. "Freedom mo lang ba Clive? Paano naman ang freedom ko? Sa tingin mo ba sa nangyayaring gulo ngayon ikaw lang ang may problema? Puwes, ito ang sasabihin ko sa iyo hindi lang ikaw ang nag-iisang tao sa mundo. Hindi lang ikaw ang may kali-kaliwang problema kaya pwede ba huwag munang ikaw ngayon?" lumuwang ang hawak nito sa kanya. "Kung ganoon nalang pandidiri mong pakasalan ako hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa iyo. Ayokong isiksik ang sarili ko sa isang taong walang gusto sa akin at kung pipilitin kong pakasalan ka siguradong may mas importanteng rason iyon." Humihingal na siya sa tindi ng sama ng loob na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. He just stood still. "Have a heart Clive, my grandmother needs me there. Dahil sa gulong ito pwedeng mawala sa akin ang nag-iisang pamilya na meron ako." Iyon lang at mabilis na tinalikuran niya ang binata bago pa man tuluyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Tinakbo niya ang silid ng kanyang lola, nakabukas iyon ng dumating siya. "Gran! Gran I am here." Nakahiga ang lola niya sa kama nito, gising na ito pero bakas pa rin sa mukha nito ang panghihina. Bumaling ito sa kanya at muntik na siyang maiyak ng makita ang mga mata nito. Alam na niyang iyong ang mararamdaman ng lola niya sa kanya.

"Hija." Binalingan niya ang mga magulang ni Clive na may guilt sa mga mukha nila. "We are terribly sorry for what happened, hindi namin alam na ganito ang mangyayari sa lola mo. We just want to settle this."

"I could have told my grandmother about this." She wasn't blaming anyone, kasalanan rin naman niya dahil kung hindi siya naging pabaya at kung hindi siya naging mabagal siguradong may nagawa na siya upang mapigilan ang mga nangyari.

"I am really sorry dear." Lumapit sa kanya si tita Belle. "I should have talked to you first, that was the plan pero hindi na nagiging maganda ang pangyayari." Kunot-noong tiningnan niya ang ginang. "Hindi namin alam kung paanong nangyari pero may nakakuha ng pictures ninyo at hindi pwedeng ipagkaila na kayo iyon. Naibenta na sa press ang naturang pictures at siguradong malaking gulo ang mangyayari kapag nagkataon. Si Clive, he's a very well-known businessman at maging ikaw ay nagsisimula na rin na umusbong ang pangalan mo marami nang may kakilala sa inyo. You will be in trouble darling as well as my son. Sana maintindihan mo Hexel, matagal-tagal din namin na iniingatan ang pangalan namin at ayaw namin na masira lang ito dahil sa isyung ito. At alam kong hindi mo rin kayang masira ang pangalan ng lola mo."

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon