Chapter Five
"Gwapo pala talaga ang kuya mo Ainsley 'no."
"It runs in the blood Zyrene." Mayabang na sagot ng kaibigan nila, tinapos niya ang pagsagot sa mga tanong na nasa booklet niya bago sumali sa usapan ng kanyang mga kaibigan.
"Gwapo din iyon kuya Eon mo, pwede ko kaya siyang ligawan?"
"Hay naku Karylle huwag na malala pa ang kuya kong 'yon may unrequited love iyon kay Xyler."
Napatingin siya kay Ainsley, "Xyler? Xyler Faith?"
"Yup, your classmate."
"Hindi ba may lovelife na rin iyon?"
"Uhuh, complicated kasi ang love kaya ganoon."
Napatawa nalang siya sa naririnig niya, hindi kasi siya sumama ng magpunta ang mga ito sa bahay ni Ainsley dahil may importanteng report siyang ginawa para sa lola niya. Sayang nga dahil nakilala na ng mga ito ang parents ni Ainsley ng personal. Birthday ng kuya Eon ni Ainsley kaya pumunta ang mga ito doon.
"Sayang talaga Hex hindi ka nakapunta bagay pala kayo ng kuya ni Ainsley." Tumawa lang siya sa sinabi ni Zyrene. "Pero taken na iyon kaya huwag nalang."
"Okay lang sa akin na maging sister-in-law si Hexel basta hindi lang ang cheap na babaeng iyon."
"Anong pinagkaiba ko sa girlfriend ng kuya mo mahirap din ako."
"Basta you are different at saka wala namang problem ang parents namin if hindi mayaman ang mapapangasawa namin as long as mahal namin kaya lang hindi ko talaga matanggap si Tara. May something sa kanya na naiirita ako alam niyo iyong may hate na hate kang tao iyon ang feeling na nararamdaman ko pero huwag na natin silang pag-usapan, pag-usapan nalang natin ang gagawin natin tonight."
"Hayan na naman kayo ayoko na ng kalokohan."
"This is not a kalokohan at saka pumayag na rin ang girls, first time natin na gagawin ito." Pangungumbinsi ni Karylle sa kanila.
"Delikado."
"We are safe Hex." May ipinakita si Crischelle na mga ID's. "Here, nagawa na ni Georgette. Ang saya talaga kapag may genius sa grupo." Kinuha niya ang ID niya, namangha lang siya ng makitang iba na ang year ng birthday niya. Tumanda siya ng dalawang taon at mukhang ganoon din ang nangyari sa mga kaibigan nila.
"Paano mo nagawa ito?" manghang tanong niya kay Gette, totoong-totoo kasi to think na ang security department lang ng school merong template sa ID nila at may code din iyon. Kaya kahit iyon ang gamitin nila ay makakalabas at makakapasok sila sa gate ng school. Proud siyang sabihin na high technology ang security system nila, may metal detectors to detect if may mga dalang deadly weapon ang mga students, at kailangan lang na i-swipe sa biometrics ang ID na may magnetic passage para makapasok at makalabas sa gate kapag walang guard na nagbabantay.
"I have connections." Sagot lang ng kaibigan niya, ngumiti si Gette pero batid niyang may kakaiba dito. Hindi ito umuwi kagabi ang paalam nito ay may gagawin ito sa bahay nito kaya kailangan nitong umuwi muna. Matagal na rin niyang napapansin na may mga times na hindi natutulog sa dorm ang kaibigan niya, there's something about her absence at iyon ang kailangan niyang malaman. At kung hindi siya magkakamali ay sigurado siyang uuwi din si Gette after their short escapade at iyon ang time na susundan niya ito.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...