Chapter One
"Granmy, bakit po kailangan nating magvisit sa hospital? Hindi naman po ako sick hindi ba?"
"No you are not Hexel, kailangan lang nating pumunta sa hospital dahil si granmy ang may sakit at itatanong na rin natin sa pedia mo kung papalitan ba ang mga vitamins mo."
Lumabi si Hexel sa narinig niya mula sa lola niya, she is already seven years old at nagdi-drink pa siya ng vitamins. They are sweets and she likes them pero nakakasawa na mas gusto niyang uminom ng softdrinks and ice tea keysa sa vitamins niya.
"I don't want to drink na po vitamins lola kasi its not yummy anymore. Hindi na ako magkakasakit kasi I am already seven years old na." tumawa lang ang kanyang lola sa kanyang sinabi.
"You need to be healthy ayokong sabihin ng mommy mo kapag nagkita na kayo na hindi kita inaalagaang mabuti."
"Kailan po darating si mommy at si daddy?" nalungkot ang lola niya sa tanong niya pero gusto niyang malaman. Nakikita lang niya ang mommy at daddy niya sa pictures and sometimes she reads their letters too. Her mommy writes tagalog letters kaya naiintindihan niya while her daddy wrote English kaya she needs to study more English word para makapagreply siya. Marunong na rin siyang magwrite kaya nagsusulat siya ng letters sa mommy and daddy niya. Pero mas gusto niyang makita ang parents niya, hindi pa niya nakikilala ang mga ito.
"Malapit na silang dumating just be a good girl Hexel."
"Okay." Mahinang sagot niya, she really wanted to see them and hug them.
"Good, bumaba na tayo at kanina pa naghihintay ang doctor sa clinic niya." Madalas silang magpunta sa hospital kapag may sakit ang lola niya o kaya naman ay kapag siya ang sick, ayaw niya sa hospital kasi may mga injections ang mga nurses and doctors and it hurts when they inject her something. And nurses and doctors have masks making them look like villains sa mga movies.
"Good morning ma'am, are you Ma'am Agatha Domingo?" tanong ng girl na may mask din.
"Yes."
"Kanina pa po kayo hinihintay ni Doctor Gilmore sa clinic niya." Kilala niya ang doctor ng lola niya. Nagsmile sa kanya ang girl na bumati sa kanila at binigyan siya ng lollipop na tinanggap naman niya at nagsmile back siya dito. Her lola said she needs to be courteous and friendly all the time kahit na nahuhurt na daw siya. A proper lady doesn't show her pain in front of people kaya iyon ang sinusunod niya, she wanted to be a good girl para sunduin na siya ng mommy at daddy niya.
"Good morning Mrs. Domingo." Bati ng matangkad na doctor. "And little Hexel." Kinarga siya ng doctor at saka tinap sa head. "Mabuti at sumama sa iyo itong apo niyo Mrs. Domingo." Mabait naman si Doc Gilmore, siya ang palaging doctor ng granmy niya at kilala na rin niya ito. "Ang laki ng apo niyo and she is getting prettier."
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...