Chapter Ten
"HINDI niyo ako sasamahan?" malungkot na tanong niya sa kanyang mga kaibigan, pare-parehong nakasubsob ang mga mukha nito sa libro.
"Finals bukas Hex kailangan pa naming magstudy." Itinaas pa ni Monique ang book nito bilang tanda na nag-aaral pa sila. Gusto niyang mapabuntong-hininga actually gusto niyang malungkot dahil hindi naalala ng mga ito na birthday niya ngayon. Today is her eighteenth birthday pwede na siyang makulong. Sabi ng lola niya na dapat ay maghanda sila pero umayaw siya sayang kasi ang gastos, hindi naman sa naghihirap sila hindi pumasok sa isip niya na magkaroon ng debut. Gusto lang sana niya ng normal na birthday together with her love ones and a simple dinner with her lola and Ross. Binati na siya ni Ross pagkagising niya kanina iyon ang ritwal nito every birthday niya since they grew up together, pati na rin ng kanyang lola.
Gusto niyang makasama ang mga kaibigan niya kahit na kumain sila sa labas pero mukhang hindi mangyayari iyon. Kung bakit ba kasi nasa alanganing oras ang birthday niya finals nila bukas kaya halos lahat ng estudyante ay abala sa pag-aaral. And knowing her friends kahit mga baliw ang mga iyan pagdating sa pag-aaral ay sobrang seryoso sila. Gustong sumama ng loob niya pero naiintindihan niya kung bakit ayaw umalis ng mga ito.
"Okay." Pinasigla niya ang kanyang boses. "Anong gusto niyong kainin magdadala ako mamaya."
"Kahit ano nalang Hex pero thank you in advance." Ngumiti siya at saka inayos ang bag niya. Aalis lang siya saglit para magsimba at saka bibili ng kanilang makakain tapos uuwi rin. Kahit na hindi nila maalala ang birthday niya ay maghahanda pa rin siya. Kasalanan din kasi niya dahil hindi siya nag-effort na maalala, next year nalang siguro nahihiya na rin siyang ipaalala sa mga ito kung anong petsa ngayon. "Study well girls I'll be back really soon."
"Take your time Hex."
Lumabas na siya ng dorm at nagmamadaling pumunta sa gate upang kunin ang kanyang bike na gagamitin. Hindi malayo ang simbahan mula sa school at alam din niya na may mass kaya makaka-attend pa siya. At hindi nga siya nagkamali dahil kasisimula pa lang ng misa pagdating niya. Agad siyang pumwesto sa favorite spot niya, after the mass ay nagpunta naman siya sa mall.
Nagmasidmasid muna siya ng pwede niyang iregalo sa kanyang sarili hanggang sa dumako ang pansin niya sa mga teddy bears na nakadisplay sa harap ng isang gift shop. Adik siya sa mga teddy bears sa room niya sa bahay ay marami siyang collection ng teddy bears.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...