Chapter Twenty-Nine

40.2K 1.1K 80
                                    

Chapter Twenty-Nine


Napalunok siya habang nakatitig sa mukha ni Clive. She wasn't sure what he was thinking behind that poker face. Hindi rin siya sigurado kung tama ba ang gagawin niya. Sa mga panahon ngayon hindi siya pwedeng magmukhang kawawa. She needs to fight and since fate leave her with no option so she is making her own. She is making her own option to save her from this mess, to end up her friends' punishment and to save their families face.

"Let me propose something Clive." She was still wearing her uniform, her blazer was properly button, her skirt still ironed really well. She can't beat destiny so she's going to play with it. Sabi nga nila 'if you can't beat them join them' and that's what she's doing. Hopefully, she dearly hoped Clive would dance with her tunes too.

Wala sana siya dito kung hindi niya natanggap ang tawag na iyon. That call made up her mind.

"Kaia." She already knew who her caller is, isang tao lang naman ang tumatawag sa kanya sa kanyang tunay na pangalan. "I'm sorry I'm late may nangyaring hindi maganda sa anak ko." Naalala niya ang bunsong anak nito. As far as she can remember Warren ang pangalan nang bunso nitong anak and he was a chef, mas matanda lang ito sa kanya nang ilang taon.

"It's okay detective." She received a call from him telling her they needed to talk as soon as possible. At dahil wala rin naman siyang ginagawa kaya agad niya itong napagbigyan. Tiningnan niya ang brown folder na dala nito. Every time detective Cuevas bought something her heart never cease to beat as fast as it could. "What's that?" walang paligoy-ligoy na turo niya sa envelope hindi pa man ito nakakaupo. Narinig niyang tumawa.

"Confirmation."

"Co-confirmation?" takang tanong niya.

Napansin niyang napatingin ito sa kanya. "I didn't know Kaia na malapit ka na palang ikasal?"

"Ho?" siya naman ang nagulat sa sinabi nito. "Ako ho ikakasal?"

"Usap-usapan sa business world ang tungkol sa balitang iyan. At mukhang kayo ni Clive Libiran ang paboritong topic nang lahat ngayon."

Sumikdo ang puso niya nang marinig ang pangalan ni Clive. Wala eh, talagang may pang-akit sa kanya ang pangalan nito. Blame it to her love hormones.

"Hindi ko inaasahan na susundin mo ang payo ko. Maraming mas nakakaangat kay Libiran na binata sa negosyo at akala ko isa sa kanila ang pipiliin mo. Sa panahon ngayon mas uso na ang marriage by convenience at akala ko iyon ang gagawin mo dahil na rin sa may plano kang umangat kaagad sa business world. But Clive Libiran seems to be the best option though. I shouldn't have underestimated your capacity Kaia."

Agad siyang umiling sa sinabi nito. "I wasn't planning anything. Ang balak ko ay umangat sa negosyo dahil kaya ko at hindi dahil sa ibang tao." Paliwanag niya. "At ang mga magulang ni Clive at ang lola ko ang gustong mangyari ang kasalanan na iyan dahil sa isang malaking pagkakamali."

"Kung pagkakamali man ang nangyari puwes ipagpatuloy mo lang Kaia." Inilabas nito ang laman ng brown envelope. Mga papel nga. "Conforme letter." Dali-daling inabot niya ang sulat nito. "Nang dahil sa bali-balitang engagement niyo nagkaroon tayo nang pagkakataon na makakuha nang appointment kay Mr. Czar Brandt." Malakas siyang napasinghap at nanlaki ang mga matang nakatitig sa mga papel na nasa kanyang kamay. Mas lalong bumilis ang tibok nang kanyang puso ngayon pati na rin ang panginginig nang kanyang mga palad.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon